CHAPTER 1

7 1 0
                                    


"Hoy! Blank try mo 'tong new theory ko." Cadheifa said loudly, tumataas taas pa ang dalawa niyang kilay.

"Ano na naman ba yan?" I asked her irritatedly, baka kasi kung ano-ano nanaman 'yang pinapagawa niya sa akin.

"Heto nagprint ako ng hand-out. Kapag nasunod mo ang dalawang steps diyan, iisipin ka magdamag ng crush mo."

"Really? How can you be so sure?"

"Ikaw lang ang makakapagsabi kung effective ba o hindi. Kaya i-try mo na, who knows baka maging kayo ng crush mo?"

"Ano 'yan Cad?" Tanong ng iba pang mga kaklase namin, na-intriga siguro sa pinag-uusapan namin ni Cadheifa sa lakas ba naman ng aming boses tiyak na makakatawag talaga ng atensyon, lalo na ang mga tsismosa.

"Bago kong theory, gusto niyong i-try?"

"Sige."

***

STEP # 1: Count seven stars. Mention the name of your crush out loud each time you count a star.

One "Thraze Guttierez"

Two "Thraze Guttierez"

Three "Thraze Guttierez"

Four "Thraze Guttierez"

Five "Thraze Guttierez"

Six "Thraze Guttierez"

Seven "Thraze Guttierez"

STEP # 2:  Make sure to not speak after doing the first step.

'Tapos na! Hindi na muna ako magsasalita hanggat hindi pa natatapos ang araw na ito.'

Medyo lumalalim na ang gabi. Nakapatay na din ang mga ilaw sa ibang kwarto.
'Hay ang lamig na dito sa veranda'

'Time check: 9:59 pm....Time to go to bed!'

Si mama talaga kung magpalit ng kurtina mukhang nagbibihis lang ng panty, mukha tuloy akong nag-oovernight sa iba't ibang kwarto araw-araw. Makapasok na nga lang ng makapagpahinga ng maaga, mahirap na, baka ma-violate ang step number two.

'Ay itlog niya!'

"Anak, pinapatawag ka ng papa mo."

'Whew! That was close. Buti nalang napigilan ko ang sarili kong sumigaw.'

Paghawi na paghawi ko kasi ng kurtina, tumambad agad sa harap ko si mama. Nakasuot siya ng puting night gown, at nakatutok ang dala-dala niyang flashlight sa kaniyang mukha.

Nakakapagtaka na gumagamit siya ng flashlight instead na buksan ang ilaw sa kwarto ko.

'Naku, pa'no ba 'to...

'ahhhuhhh!'

Iginalaw ko ng iginalaw ang mga kamay ko, tinatanong siya kung bakit hindi niya nalang binuksan ang ilaw.

"Huhhh?" Naguguluhang tanong niya.

'Ma naman eh, makisama ka naman...intindihin mong mabuti!'

Itinuro ko ang switch ng ilaw at itinaas ang dalawa kong kamay hanggang balikat.

"Magsalita ka kasi, hindi ako matibay sa guessing game. Alam mo 'yan anak." Tila nauubusan ng pasensiyang sabi ni mama.

Iniling-iling ko ang ulo ko at itinuro ang lalamunan ko.

"Sore throat?" Hindi siguradong aniya. Tumango tango ako.

Itinuro ko ulit ang switch.

"Kung ang ilaw ang tinutukoy mo, nagbrown out." Sabi niya.

Tinungo ko ang pinto at pinindot ang switch ng emergency light.

"Sira ang generator, kaya hindi iilaw 'yan." Pag-iimporma niya. "Sege bababa muna ako at ikukuha kita ng lemon juice, mainam na gamot 'yon sa sore throat. Puntahan mo na muna ang papa mo sa kaniyang office. And ow, warning, red mode siya ngayon."

Lumabas na rin ako ng aking kwarto at tinungo ang opisina ni papa. Pinihit ko ang door knob at dahan dahang pumasok.

Nag-angat siya ng tingin mula sa kaniyang binabasa nang makapasok ako.

"Sit." Utos niya. Mababa ang boses niya at kalmadong kalmado, bagay na nakapagpakaba sa akin. The more na kalmado siya, the more na galit siya.

"You played volleyball?" Tanong niya.

Tumango ako. Kung may iyuyuko pa ako hindi talaga ako magdadalawang isip na iyuko pa nang iyuko ang ulo ko. Sobrang kinakabahan ako, nakakakaba ang pagiging sobrang kalmado niya.

"Ilang buwan pa nga lang nang maka-recover ka?" Tanong niya ulit. Hindi ako nakasagot. Nakayuko pa rin ako at pinaglalaruan ang mga kuko ko. "Anim na buwan pa lang diba?"

Tumango ulit ako. Habang tumatagal ay mas lalo akong kinakabahan.

"Ano nga ang sabi ng doctor mo?"

Pinagpapawisan na ang kamay ko. Shit, I must answer him.

"Nakalimutan mo na? Ipapaalala ko sa'yo, he said that you shouldn't do such vigorous activities. And that includes volleyball, tama?" Nanginginig ang boses ni papa. Sanhi marahil ng pagpipigil niya sa kaniyang galit.

"Blank anak, heto na ang lemon juice mo oh." Pag-aagaw atensiyon ni mama. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at aabutin ko na sana ang dala niyang baso.

"Tama?" Pag-uulit ni papa. Mas nakakapangilabot na siya ngayon, hindi na nanginginig ang kaniyang boses pero ramdam kong any moment from now ay sasabog na talaga siya. Idagdag pa na hindi ako sumasagot.

Tumango na naman ako. Ayoko mang galitin lalo si papa mas lalo namang ayokong ma-break ang rule.

"Don't nod, ANSWER ME!"

"Eldriko, huwag mong sigawan ang bata."

"Huwag mong konsentihin ang anak mo Raze." Baling ni papa kay mama. "Remember this, kapag hindi mo titigilan ang paglalaro ng volleyball, I'll make you bid goodbye to that university. I'll call your former tutors and you'll be studying from home, again." Pagbabanta ni papa at pinagkadiinan pa ang huling salita.

WISH UPON SEVEN STARSWhere stories live. Discover now