" Tssss mga walang binatbat mga mahihina. " Sabi ko na nakatingin sa mga lalaking nakahandusay na sa sahig, may bigla akong naaalala si Ventura. Kaya agad akong tumingin sa puwesto nito kanina at na kita ko siyang nakatingin sa akin kaya agad akong nagsalita. " Ventura okay, ka lang? " Tanong ko dito at tumango naman ito, magpapaalam na sana kami umalis ng magsalita ito.

" Diamond, puwedeng gamutin ko muna yang sugat mo? " Sabi nito na nakatingin sa sugat ko.

Bumuntong hininga ako " Okay, Tara saan ba office mo?? " Tanong ko.

" Halika sumama ka sakin. " Sabi niya sabay hawak sa kamay ko at hinila ako papasok sa hospital pero bago pa mangyari yun nagsalita muna ako kaya napatigil siya ng paghila sakin nakatingin siya sakin at ako naman ay nakatingin kay Ethan na may pang-asar sa mga mata nito, pero hindi ko ito pinansin. Nagsalita na lang.

" Sargent major Ethan, ikaw na lang ang pumunta sa Faraonish Town. Ikaw na rin ang tumingin sa mga folders o kung ano ano pang merong files dito and then I email mo sakin at kay Trade okay. " Utos ko dito.

" Roger Queen. " Sabi nito sabay alis.

Buti na lang walang sugat yung gagong yun, tumingin naman ako kay Ventura at sinabing.

" Let's go to your office or clinic " Sabi ko at hinila na naman ako. " Ventura! " Tawag ko dito.

" Hmmm. " Sabi niya habang tuloy pa rin sa paghila at paglalakad.

" Bakit, kailangan mo pa akong hilahin eh! May paa naman ako at kaya ko namang pumunta duon kung ituturo mo kung saan diba? " Sabi ko.

" Ayoko, baka tumakas ka pa. " Sabi nito.

" At bakit naman ako tatakas aber? " Sabi ko.

" Tsss, satingin mo maniniwala ako eh! Muntik ka na ngang tumakas kung hindi pa kita nahabol. " Sabi niya.

Ohhh god!!! Hindi ito puwede bakit ang lakas ng tibok ng puso ko!!!, in love na ba ako sa kanya no!!! Hindi puwede fvck it.

" Tssss, kasalanan mo kasi hindi mo pinaalala sakin. " Sagot ko dito.

" Tss, daming sinasabi tara, nandito na tayo. " Sabi niya at pumasok kami sa kulay itim na pinto nakalagay rin sa gilid ng pinto yung name niya.

•••

∆ Kelleon's office. ∆

Kelleon's office

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kelleon's office.

Pagka pasok na namin sa office ni Ventura eh! Ayaw ata niya sa black no!!! Tss paano ba naman kasi kulay ng lamesa black, upuan niya, pati yung visiting chair niya itim rin lahat ata dito black ang kulay.

" Yung totoo Ventura, ayaw mo ba talaga ng itim na kulay no! " Sabi ko habang nililibot ang mga mata ko sa office niya.

" Huh? Hehe, masyado bang halata na I love black. At bakit yung iyo ano bang kulay ng office mo? " Napakamot sa batok at nahihiyang sabi niya.

" Hahaha, oo at ang kulay ng office ko ay grey, red, black and purple na with rose's. " Sabi ko.

" Ahhh okay, you really really love rose hah! " Sabi pa niya.

" Oo may tattoo nga ako niyan eh dito. " Sabay pa kita ng tattoo ko sa vline na papuntang likod hinati sa tatlo yung sanga yung isa napadaan sa kilikili pababa ng dibdib ko na may nakasulat na 'L' yung pangalawa hinati sila sa may bandang buto sa likod yung pangatlong sanga ay na sa may bandang baba ng batok niya na nakasulat ay 'P' yung pangalawa ay sa may baba ng balikan niya na may heart na kulay grey and purple ang kulay naman ng rose ay itim at pula yung sanga naman ay brown yung 'L at P' ay itim at grey ang kulay nito meron rin akong tattoo sa may gilid ng pulso ko sa dalawang kamay. Napanganga si Ventura sa na kita niya.

" Ahm... Grabe ang awesome naman ng tattoo mo, anong ibig sabihin ng 'L at P'? " Tanong at paghahanga niyang sabi.

" Ahhh, yung L stand for Lethal yung P naman is Psychopath" Sagot ko sabay tingin sa kanya na may hawak na ng first aid kit.

" Ahhh eh, yang tattoo mo sa dalawa mong kamay sa may gilid ng bulso? " Tanong niya.

" Ahh.... etong sa may kaliwa ay favorite kong number is 10,01,19 at 97 sa may kanan naman ay heartbeat. "Sagot ko.

" Ahh, okay sige gamutin ko na yang mga sugat mo sa katawan, siguro naman na ka sport bra ka no! " Nahihiyang sabi niya.

" Hahahaha, oo naman. " Tawang sabi ko. Bigla na lang niya ako pinaupo sa may higaan duon sa gilid ng restroom at siya naman ay kumuha ng upuan para magkapantay kami, pero mas matangkad pa rin siya tsss... Describe ko siya sa inyo matangkad, matangos ang ilong, mahabang pilikmata,Brown ang mga mata,maputi, macho may abs rin ito sigurado ako, may maninipis siyang labi na pulang-pula at may classes rin siya sa mata niya nanababagay sa kanya, Habang dinescribe ko siya eh. May iba akong nararamdaman parang ang bilis ng tibok ng puso ko habang pinagmamasdan ko siya na ginagamot yung sugat ko at siya naman ayun busy sa paggagamut sa sugat ko sa may beywang sa kanan hayst buti na lang hindi duon sa may tattoo ko. Hindi ko kasi na pansin kanina eh.

Damn bakit ganito yung nararamdaman ng dibdib ko bakit ang lakas ng tibok ng puso ko? Meron na ba akong feelings for him? Shit hindi ito puwede.

Nabalik ako sa realidad ng bigla siyang nagsalita.

" Ahm. Diamond puwede ko bang kunin ang number mo? " Tanong niya, naikinagulat ko.

Fvck!!! Bakit niya kailangan kunin yung number ko?.

" Ahh bakit mo kailangan hingin yung number ko? " Tanong ko din sa kanya.

Nagulat siya sa tanong ko pero sumagot pa rin siya " Ahhh kasi para malaman ko kung magaling na yung mga sugat mo lalo na yung sa may beywang mo at may ibibigay Aki sayong reseta ng gamot na kailangan mong inumin" Sabi niya at sabay bigay ng papel na may nakasulat duon shit bakit ang ganda ng sulat kamay niya?.

" Ahhh okay, ito oh! " Sabay abot ng cellphone ko sa kanya at tinanggap naman niya. " Ahm.. Ventura! Bakit ang ganda ng sulat kamay mo? " Tanong ko sa kanya na ikinabigla niya.

" Ahhh hehehe, Hindi ko rin alam eh. " Sabi niya at balik ng cellphone ko sakin.

After namin magusap ng kung ano-ano may biglang kumatok sa pinto ng office niya, pumunta siya duon para malaman niya kung sino ang kumatok nagulat ako ng makita ko yung babaeng na ka bangga ko kanina, siya rin yung babaeng na kita kong nakikinig sa usapan nila Ventura sa locker room nila at nagulat ako ng pinapasok siya ni Ventura. Nanlaki ang mga mata niya ng makita niya akong naka sport bra lang, tss mukang ang berde ng utak nitong babaeng ito hah! Pangit na nga 'GM' pa.

" Leon sino yang babaeng yan? At bakit yan lang ang suot niya? " Sunod-sunod na tanong nito, bakit girlfriend ba siya nitong si Ventura?.

" Ahhh Zoey siya si Diamond kaibigan ko." Pagpapakilala niya duon sa babaeng na sa harap ko, tsss I just nodded her " Ahhh Diamond this is Zoey Vine Reyes Co-doctor ko" Pagpapakilala nya samin at itong babaeng ito palihim pa naman akong inirapan tsss ganda ka!!!.

" Ohhh, Ventura hindi mo siya girlfriend? " Sarkastikong tanong ko.

Nanlaki ang mga mata niya mukang ako lang talaga ang tumawag kay Ventura ng Ventura hah!! That's great. At mukang nagseselos itong bisugo nato hah!!! Kala mo naman type ni Ventura tsk...

THE HANDSOME DOCTOR IS IN LOVE WITH A COLDLY SOLDIER.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon