Chapter 02

9 2 0
                                    

Ctto of the photo!!! 🧚🏻‍♂️🌸🦋
Tuesday / 9:24 am

" Kayo po ba si Miss Angel Baek? "
Bungad saaken ng isang babae nang  pumasok ako sa restaurant.
" Ako nga. "
Matipid na sagot ko naman at saka ngumiti ng bahagya.
" Sumunod po kayo sa aken Ma'am.. "
Sumunod naman ako sa naturang empleyado at saka ako dinala sa isang table kung saan ay kanina pang naghihintay saaken si James.
" Thank You. "
Pagpapasalamat ko naman sa naturang empleyado bago ito umalis at bumalik sa trabaho nito.
Agad ko namang nilapitan si James na bakas sa mukha ang kalungkutan.

" Pasensiya na kung late na akong dumating. "
Pagpapaumanhin ko naman at saka umupo.
" Saan ka ba galing? At bakit ngayon ka lang? "
Sunod-sunod na tanong niya saaken. Mababakas sa mukha niya ang pag-aalala.
" Dumaan pa kasi ako sa Saloon bago dumiretso dito. I'm sorry. "
Malumanay na sagot ko naman at saka siya napabuntong-hininga ng malalim.
" Hindi mo alam kung gaano mo akong pinag-alala Angel. Akala ko hindi kana talaga darating. At ang buong akala ko nakalimutan mo na ang Anniversary natin ngayon. "
Napabuntong-hinga naman ako bago magsalita.
" Ito ang pinaka importanteng araw sa buhay ko kaya paano ko makakalimutan ang tungkol dito? At ang isa pa huwag kanang mag-alala diyan. Anniversary natin ngayon dapat positive lang tayo pareho. Pasensiya kana talaga James. "
" Tss. Kung hindi lang talaga kita mahal eh. "
Anas naman niya dahilan para matawa ako ng bahagya. Ang cute niya kasi kapag nagagalit siya. Mas lalong nawawala yung singkit na mga mata niya.
" Teka, bakit ka nagpaputol ng buhok? "
Tanong niya nang mapansin niya ako.
" Bagay ba? Nagustuhan mo ba? "
Nakangiting tanong ko naman sa kaniya at saka ko naman hinaplos ang malambot kong buhok.
" Bagay naman. Mas lalo kang gumanda. Peru bakit mo naman naisipang magpaputol ng buhok? "
Malumanay na wika niya at ikinataba naman ng puso ko ang papuring iyon na nanggaling mismo sa taong mahal na mahal ko.
" Summer na kasi sa susunod na buwan at magiging maalinsangan ang panahon kaya naisip kong magpaputol ng buhok para naman hindi ako gaanong mainitan. "
Tugon ko naman habang nakangiti.

" Nag order ka na ba? Anong in-order mo ? "
Magtatanong ulit sana siya nang bigla kong iniba ang usapan. Mataning kasi si James at siguradong hindi nanaman kami makakakain ng maayos kapag nasimulan na niya.
" Kanina pa ako nag order teka lang tatawagin ko lang ang waiter. "

************************

Abala si Gilbert sa panonood ng Tv nang may matanggap itong mensahe mula sa hindi inaasahang tao.
" Unregistered number? Teka, sino naman kaya ang nag text? "
Kunot-noong tanong naman ni Gilbert nang makita nito ang hindi rehistradong numero sa screen ng cell phone niya.
Hindi naman siya nagdalawang isip na buksan ang naturang mensahe at basahin ang nilalaman nito.

- Gilbert Han, bakit mo nagawa saaken ito?! Nagawa mo akong ipagpalit sa kung sino gayong marami na tayong pinagsamahan!
Hindi mo alam kung gaanong naapektuhan ang pamilya ko nang mawalan ako ng trabaho! Nararanasan ngayon ng pamilya ko kung paano ang magutom! At hindi ko na matiis pa ang makita sila na kumakalam ang mga sikmura!!
Dahil sa'yo naranasan ng asawa't anak ko ang paghihirap!
Sa tingin mo ba papayag ako na ako lang ang makakaranas ng ganitong klase ng pagdurusa?!!
Baka nakakalimutan mo na ang naganap na sunog sa Yongsandong ?
Kung saan nasawi si President Baek!
From: Unknown "
Nanlaki naman ang mga mata ni Gilbert nang mabasa ang mensaheng iyon. Isang mensahe ang labis na  yumanig sa kaniya .
" Bwesit! Sinasabi ko na nga ba!!! na darating din ang araw na mangyayari ito! Sana umpisa pa lang ay dinespatya ko na si Scretary Jong!!! "
Nanggagalaiting wika naman ni Gilbert at saka nito ibinato ang hawak na cellphone dahil sa labis-labis na galit na kaniyang naramdaman.

**********************

" Matagal ko nang pinag isipan ito at ngayon ay nakapag desisyon na ako. Hindi ba't inaaya mo na akong magpakasal? "
Napansin ko na natigil si James sa pagkain at biglang napatingin saaken.
" Oo James, gusto ko nang magpakasal tayo. "
Dagdag ko pa nang hindi umimik si James kanina.
" Sigurado ka ba? Tsaka sabi mo saaken noon na hindi ka pa handa sa buhay may asawa. "
" Hindi na ngayon. Iba na ang takbo ngayon. "
" Seryoso ka ba? "
Tumango naman ako at saka ngumiti ng matamis bilang tugon...
" James gusto kong marinig mo ito. Pakakasalan kita dahil mahal kita at totoo ang pag-ibig ko para sa iyo. Isang taon narin ang relasyon natin at sa tingin ko nakilala na kita ng lubos. Mabait ka at mabuting tao, hindi ko na pakakawalan pa ang kagaya mo. "
Bigla naman siyang tumayo sa kinauupuan niya at saka ako niyakap ng mahigpit dahilan para pagtinginan kaming dalawa....

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TEARS of REVENGEWhere stories live. Discover now