PROLOGUE

52 2 1
                                    

TEARS of REVENGE

This is a work of fiction. Any names, characters, places, events, stories and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner.
Any resemblance to actual persons, living or dead either and actual events is purely coincidental.
Plagiarism is an ethical offense!!!
Ctto of the photo!
All Rights Reserved 2020 🧚🏻‍♂️
🌸 Dandrebbb / John Writes 🌸

PROLOGUE

" Angel, nakikiusap ako sa'yo hanapan mo ng hustisya ang pagkamatay ng aking asawa. Nagmamakaawa ako sa'yo. "
Umiiyak na wika ni Josephine habang nakahawak ito sa kamay ni Angel.
" Mama... "
Sambit naman ni Angel at saka tumulo ang mga luha nito.
" N-Nagmamakaawa ako sa'yo Angel. Pakiusap bigyan mo ng hustisya ang kaawa-awa kong asawa. "
Wika ni Josephine habang iniinda nito ang sakit na nararamdaman.
" N-Nakita ang bangkay ni R-Robert sa nasunog na Villa sa Yongsandong. Sabi n-nila aksidente ang nangyari kaya nasunog ang bahay peru h-hindi ako naniniwala. Alam kong pinatay ang asawa ko dahil sa n-negosyo. Sinadyang patayin ang asawa ko at hindi yun aksidente. "
Nanghihinang wika pa ni Josephine. Isinalaysay nito ang nangyari sa nakalipas na ilang buwan.
Hindi naman makapaniwala si Angel sa kaniyang mga narinig.
" Peru mama, hindi po tayo sigurado. "
" Sigurado akong sinadyang patayin ang asawa ko at pinag planohan iyon ng mabuti. Natitiyak ko iyon dahil nakita ko mismo si Secretary Jong sa Villa at hindi aksidente ang nangyari. "
Mas lalong ikinagulat ni Angel ang mga sumunod na narinig nito na tila nag bigay sa kaniya ng katanungan.
" Kaya n-nakikiusap ako sa'yo Angel. Ipaghiganti mo ang kawawa kong asawa at bigyan siya ng hustisya sa hindi makataong paraan na ginawa nila sa kaniya... "
Mas lalo pang humigpit ang mga hawak ni Josephine kay Angel.
Nakaramdam naman ng awa si Angel para sa taong nag alaga at nagpalaki sa kaniya.
Poot at pagkamuhi naman ang naramdaman nito sa taong responsable sa pagkamatay ni Robert.
" Mangako ka Angel na bibigyan mo ng hustisya ang asawa ko. Nakikiusap ako sa'yo. Parang awa mo na. "
Mababakas naman sa mukha ni Josephine ang labis-labis na pagmamakaawa. Dahilan naman ng muling pag agos ng mga luha ni Angel.
Tumango naman si Angel bilang tugon habang nakahawak sa mga kamay ni Josephine.
" Opo mama. Bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay ni papa. Pangako yan. Pangako ko yan sa inyo. "
Umiiyak na sambit ni Angel at saka binawian ng buhay si Josephine.

********************

Hindi ko namalayan ang pagpatak ng aking mga luha nang maalala ulit iyon.  Ang masalimoot na nakaraan.
Wala akong ibang maramdaman nang mga oras na iyon kundi awa para sa aking mga mahal sa buhay at matinding galit at pagkasuklam naman para sa taong nasa likod ng trahedya.
Ngayon, sinasariwa ko ang masasayang araw na kasama ko pa sila, ang mga taong nagsilbing mga magulang saaken at ang mga taong nag-alaga at nagpalaki saaken.
Nahihirapan parin akong tanggapin na iniwan na nila akong mag-isa.
Hindi ko parin matanggap ang pagkamatay ni mama.
Nasasaktan parin ako sa tuwing dadalawin ko sila dito at sa tuwing makita ang mga puntod nila.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nagpapabalik-balik dito para dalawin sila dahil labis-labis akong nangungulila.
Hindi ko maintindihan ang takbo ng mundo. Kung bakit marami paring naaabusong mga tao. At nagiging biktima ng karahasan. Akala ko bubuti ang mundo habang tumatagal peru nagkamali ako.
Sa ngayon, isa lang ang malinaw para saaken. Ang maipaghiganti ang taong tumayong ama saaken at bigyan ng hustisya ang pagkamatay niya at tuparin ang pangako ko sa taong halos umiyak na ng dugo sa labis na pagmamakaawa.
" Mama... Huwag po kayong mag-alala. Ako na po ang bahalang tumupad sa mga bagay na gusto ninyong maabot. Ipinapangako ko po sa inyo na bibigyan ko ng katarungan si papa. Sa pamamagitan nito, maipakita ko man lang sa inyo ang pagmamahal at utang na loob sa lahat ng kabutihan ninyo saaken.
Saan man po kayo nandun ngayon gusto kong punasan na ninyo ang mga luha ninyo at huwag nang mag-alala pa. Ako na po ang bahala sa lahat. "
Umiiyak na bulong ni Angel sa sarili nito.

TEARS of REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon