"A-Ayos po, Pa! Heto nga ho, kakahuli ko lang ng magnanakaw kanina sa palengke kaya ayon d-dinala ko na sa prisinto, " pagsisinungaling ni Reggie habang kagat-kagat ang kaniyang labi upang pigilan ang sarili sa takot na nararamdaman.

"Mabuti kung ganon, dahil kailangan namin ang tulong ng isang pulis ngayon" sambit ng kaniyang tatay. Halos lumuwa naman ang mata ni Reggie dahil sa sinabi ng ama. Di na magkamayaw ang pagtibok ng kaniyang puso at lalo hindi nakakatulong ngayon ang paghahanap sa kaniya ng direktor nila ngayon.

"Hoy, Reggie! Hindi ikaw ang bida dito para magpahinga ka d'yan. Aba, swerte mo naman. Dobol ka lang naman--"

Agad sinarado ni Reggie ang tent at tinakpan ang cellphone upang hindi marinig ng kaniyang ama.

"Hello? A-Ano 'yon, Tay? Naku! Baka pagalitan ako ng hepe namin niyan kung aalis ako rito--" naputol ang sasabihin niya ng agad nagsalita ang kaniyang ama.

"Nawawala si Blessy at kailangan namin ng tulong mo"

Agad na napatuwid ng tayo si Reggie dahil sa balitang nalaman. Bakas na sa kaniyang mukha ang pag-aalala para sa kaniyang Mamu Blessy. "Ano po ang nangyari, tay? Kailan lang 'yan? Bakit?" Sunod-sunod niyang tanong habang hindi mapakali sa loob ng tent.

"Di namin alam anak, pinaghahanap na ngayon nila Ma'am Valerie si Nay Blessy, kaya kailangan namin ng tulong sa isang pulis at ikaw agad ang tinawagan ko" saad ng kaniyang tatay na puno ng pagmamalaki ang boses. 

Parang binuhusan ng katotohanan si Reggie dahil sa sinabi ng ama. Ayaw man niyang magsinungaling dito patungkol sa totoo niyang trabaho ay natatakot din siyang aminin ito dahil ayaw niyang ma-dissapoint ang kaniyang ama sa inaasahan nitong panganay at unica hija.

"Hello, chief? Gusto mo bang sunduin ka namin d'yan--"

"Huwag na, Tay! Ako na ho ang pupunta. Maaasahan niyo po ako diyan!" Sambit ni Reggie trying to sound tough and enthusiastic. Siya nalamang ang bahalang maghanap ng paraan para pagtakpan ang katotohanan sa kaniyang mga kasinungalingan.

"Sige mabuti kung ganon, hihintayin ka namin bukas anak!" Sabay patay ng kaniyang ama sa tawag. Parang nauupos na kandilang umupo si Reggie sa monoblock chair sa harap niya habang pinoproseso ang lahat. Subalit huli na, kailangan niyang panindigan ang lahat ng kasinungalingan niya at para rin ito sa kaniyang Mamu Blessy na ngayon raw ay nawawala. Kailangan siya nito.

Iniling na lamang niya ang kaniyang ulo sabay tawag sa kaibigan na tiyak makakatulong din sa kaniya. Matapos ang ilang ring ay sinagot rin ito "Hello Maxi? Magkita tayo, may importante akong sasabihin sa'yo"

Ang malakas na tugtog na nanggaling sa dance floor ang umalingangaw sa buong club, sabayan pa ng mga naghihiyawang mga tao ay mas lalong nagdadag sa pagkahilong nararamdaman ni Aleah. She's trying to walk towards the powder room kahit na gumegewang-gewang na ito sa paglalakad dahil sa kalasingan. Di na lamang niya inalintala ang mga taong kaniyang natatapakan at nababangga, ang tanging nasa isip lang niya ay kailangan na niyang dumuwal.

Nang makarating siya sa banyo, may nakita pa siyang naghahalikan sa may sink pero wala na siyang pakealam 'don. She's used to it at hindi na bago ang mga ganoong kaganapan sa kaniya lalo na sa mga ganitong klaseng mga lugar. Pagkaharap niya sa inidoro ay agad siyang sumuka roon.

"Urgh! Could you please get a room!" Sigaw ni Aleah sa mga naghaharutang naghahalikan kanina na ngayon ay pumasok na sa isa sa mga cubicle, katabi ng kaniya.

Ipinagsawalang bahala na lamang niya iyon, hinubad na niya ang kaniyang suot na stilettos at lumabas kaagad roon na pasuray-suray paring naglakad, but she's sobber already.

"Is that Aleahna, the model right?" Narinig ni Aleah na mga bulungan habang naglalakad palabas ng club.

"Look at her. She's a mess. I've heard that she broke up with Seth. He was caught cheating daw but I'm not sure. Tignan mo naman 'yang babaeng 'yan, sa commercials at magazine lang naman 'yan maganda" sabay tawa ng mga babaeng halos magmukhang clown sa kapal ng kanilang kolorete.

Our Broken StringsWhere stories live. Discover now