"Bigatin pala ang mga kaibigan mo, Dheo!" sabay siko ng kaniyang tiyuhin sa kaniya. Hindi naman mawala ang mga ngiti sa labi ni Dheo dahil sa hinahaba-haba ng panahon ay muling nagtagpo ang landas ng isa sa kaniyang mga kaibigan. Matagal na niyang gusto ito. Siguro panahon na para kumustahin na rin niya sila. Matagal na niyang gusto itong mangyari. Ngayon lang siya nagkaron ng lakas ng loob matapos ang nangyari sa kanila noon.
"Maswerte ako sa kanila 'to! Mga kaibigan ko yan eh" may pagmamalaking tugon ni Dheo. Nag ngising aso lamang ang katabi niya at sinuntok pa siya sa may braso.
"Jowain mo na!" pagbibiro pa ni tito subalit umiling lang ako.
"Baka may pumatay sa akin pagliligawan ko 'yon" natatawang tugon ni Dheo habang napapaisip sa magiging reaksyon ni Niño.
Nang matapos ang kaniyang trabaho ay agad siyang nagpaalam sa kaniyang Tito Dan at agad na sumampa sa bisekletang dala papunta sa Mansyon ng mga Cero. Siguradong matutuwa ang kaniyang Mamu Blessy pag nalaman niyang nagkita sila ni Aleah.
Pagkarating niya sa mansyon ay agad niyang nasumpungan ang isang magarang itim na sasakyan na nakaparada sa labas ng Mansyon ng mga Cero. Nang Makita naman siya ng isa sa mga kasambahay ay agad din siyang pinapasok dahil hindi naman bago kina tita Valerie at nay Blessy ang pagbisita niya lagi sa kanila.
"Ate nasaan ho sina Nay Blessy?" tanong niya sa isa sa mga kasambahay na kanina ay nagwawalis sa labas. "Nasa hardin sila, Dheo" sagot nito.
Tumango na lamang si Dheo at agad kumaripas ng takbo patungo sa likod ng bahay. Doon niya nadatnan ang kaniyang Nay Blessy na nakaupo isang rattan chair habang nagpapahinga. Agad naman niyang kinuha ang atensyon ng kanilang ina-inahan "Nay! May good news ako sa inyo!" sabay lapit ni Dheo na siyang ikinatuwa naman ni Blessy
"Nay, 'Di ka makakapaniwala sa nakita't nakausap ko kanina!" masayang pagkukwento ni Dheo.
"Ma, hindi na ako magtatagal, I still had a lot of meetings to attend, I just wanted to personally give this to Nay Blessy" isang baritonong boses ang kanilang narinig na ngayon ay kausap si Valerie.
"You should at least rest Kiel. Hindi maganda sa kalusugan ang parating nagtatrabaho. Maiintindihan naman 'yan ng dad mo, " nababahalang tugon ni Valerie sa anak.
"Oo nga mamu! Pramis mas gumanda pa siya lalo, mas maganda pa sa TV!" masiyang nagkukwentuhan si Dheo at Blessy nang biglang dumating si Valerie at Ezekiel dahilan ng pagkatigil ng dalawa sa pagtawa at pag-uusap.
"Dheo hijo, buti at naparito ka" bungad ni Valerie kay Dheo na ngayon ay gulat nang makita niya ang katabi ng kaniyang tita Valeire.
"Ezekiel, do you still remember Dheo? Yung kababata mo dati, its him" masiglang pakilala pa ni Valerie sa kay Dheo subalit hindi naman nagsalita si Ezekiel at matalim lang na tiningnan ang kaharap. He still remembers everything that Dheo did to him, kaya wala siyang pakealam sa presensya nito.
"Uy kiel! Bestfriend---" magaamba sanang makikipag apir, but Dheo stop mid-way nang biglang tumalikod si Ezekiel at agad na naglakad paalis.
"I need to go, Ma... Nay Blessy" hindi na hinintay pa ni Ezekiel ang tugon ng dalawa at walang lingong umalis sa harapan ng tatlo. Halos nakakuyom ang kamao ni Ezekiel habang naglalakad palabas ng Mansyon.
Napabagsak na lamang ang balikat ni Blessy nang makita niya ang biglaang pag-alis ni Ezekiel, siguro hindi pa niya napapatawad si Dheo sa ginawa nito Dati. Tugon sa isipan ni Blessy sabay pakawala ng kaniyang malalim na buntong hininga.
Habang tanaw ang papalayong bulto ni Ezekiel parang binabagabag naman ng kaniyang konsensya si Dheo sa ginawa niya dati kay kiel at sa iba pa niyang mga kaibigan. Ang akala niya ay napatawad na siya neto, pero kahit pala sa hinahaba haba ng panahon, ang minsang tiwala na nawala ay mahirap nang maibalik pa, lalo na kung ito ang dahilan ng pagkasira ng pagkakaibigan nila.
"Pasensya ka na sa inasal ni Ezekiel. Stress lang 'yon sa companya, " pampalubag-loob ni Valerie.
" hindi po... sa tingin ko ay ako po ang dahilan. Pasensya na po. Alam ko namang galit si Kiel sa akin, " sabay yuko ni Dheo dahilan para malungkot din sina Valerie at Blessy.
"Alam mo Dheo, anak, siguro panahon na para magkita kayong lahat ulit... at sa pagkakataong ito, gawin mo na ang tama at humingi ka na ng tawad" sabay abot ni Blessy sa ulo ni Dheo at marahan iyong hinawakan.
"Hindi ko batid kung ano ang inyong pinagawayang magkakaibigan dahil sa inasal pa lang ni Ezekiel parang ang laki ng ginawa mong kasalanan, Dheo. Lumipas na ang dalawangpung taon at hanggang ngayon ay hindi pa kayo nagkaka-ayos magkakaibigan. Maybe, its time for you to reach out to them " tugon ni Valerie.
Iniangnat na lamang ni Dheo ang kaniyang ulo sabay tingin sa kaniyang tita Valerie at Mamu Blessy. Tama sila, panahon na siguro para itama niya ang lahat.
"pero paano po?" kalakip ang kaunting pag-asa na pinanghahawakan ni Dheo. Nagkatinginan naman silang tatlo hanggang sa sabay na napabaling si Valerie at Dheo ka Nay Blessy.
"A-ako?"
To more adventures! See you in the next chapter➡
YOU ARE READING
Our Broken Strings
General Fiction🚐OUR BROKEN STRINGS🚐 There were hundreds of reasons for me to hold on to the promise I made my friends, but it was still smaller to that one excuse I made for myself to let go. Maybe it was true, I was that desperate to fix our broken strings, ye...
Chapter 1
Start from the beginning
