Madali lang naman ayusin ang cellphone nito dahil screen lang naman ang nasira. Saktong natapos si Dheo sa pag-aayos ng biglang may kumalabog sa kaniyang mesa. Agad siyang napatigil kung kaya't nadatnan niya ang babae na ngayon ay nakapatong ang dalawang kamay sa kaniyang mesa at tila ba inip na inip na ito sa kakahintay.

" Matagal pa ba 'yan?"  sambit ng babae na may ngiti pero halatang puno ng sarkasmo.

Napatayo na lamang si Dheo sa kaniyang kinuupuan, towering the lady in front, dahilan upang umayos din ito ng tayo at pasimpleng umubo to gain composure sabay ngiti niya rin bilang sukli. 

"Tapos na po ma'am, huwag kayong mag-aalala" sanay naman si Dheo sa minsang ganitong klaseng mga customer kaya hindi na siya natitinag pa rito.

" Heto ma'am, magbayad na lang kayo roon sa cashier---" hindi na natuloy ang sasabihin ni Dheo nang biglang...

"Oh my god! Dheo?" tanong ng babae na siyang ikinakunot naman ng noo ni Dheo at ikinatigil ng kaniyang tiyuhin na kakapasok lang sa shop.

Tinanggal ng babae ang kaniyang aviator glasses at cap dahilan para masilayan nito ang kabuuang mukha ng babae.

"A-Aly?" Gulantang na sambit ni Dheo dahilan para ngumisi ng malapad ang babae. 

"Good to see you again, Dheo!" Sabay yakap ni Aleah sa kaharap na puno ng tuwa at galak sa kanilang pagkikita ulit. Agad namang napangiti si Dheo at agad tinugon ang yakap nito.

Ilang taon na ang nakalipas ng muli silang nagkita. Lumipat kasi sina Aleah ng tirahan. Wala nang mga magulang si Aleah kaya ang kaniyang tiyahin na lamang ang bumuhay sa kaniya, kaya upang maalagan siya nito ng maayos ay dinala nito si Aleah sa Quezon sapagkat doon nagtatrabaho ang kaniyang tiyahin na nagtatrabaho sa isang kilalang ospital roon.

Ngayon, sikat na si Aleah sa TV dahil isa na siyang ganap na Artista at model. Kaya pala nasabi ng tiyuhin niya na namumukhaan niya ito.

Biglang may tumikhim sa kanilang likod dahilan ng pagkalas ng yakap sa dalawa. Agad naman ding nakuha ng Dheo kung ano ang gusto iparating ng kaniyang tiyuhin. "Ahm kumusta ka na?" tanong ni Dheo.

"Heto, kaliwa't kanang shoots" sabay buntong hininga ni Aleah. Hindi naman makapaniwala si Dheo na ang dating mahiyain at bihirang mag salita na si Aleah ay isa nang ganap na model at artista.

"Bakit ka ba naparito sa San La Cresa?" tanong ni Dheo.

"Bumisita ako kina Tita Valerie kanina upang batiin si Nay Blessy ng personal, hindi kasi ako nakapunta sa birthday niya last week kaya dumaan na lang ako, tutal Im heading to Pampanga naman din. Sorry pala sa pagsusungit ko kanina, I was just stress" sagot naman ni Aleah sabay paghingi ng paumanhin. Tumawa na lamang si Dheo dahil hindi naman niya seneryoso ang nangyari kanina. Mangungumusta pa sana siya patungkol kay Aleah nang biglang may dumating na babae sa loob ng shop.

"Aly! they're waiting for you. We need to go!" maawtoridad na pagkakasabi ng babae na siyang manager pala ni Aleah. 

 "Sorry Dheo, I need to go. Lets catch up some other time, " pagkasabi niya 'non ay agad isinuot ni Aleahna ang kaniyang aviator glasses at cap dahil bigla namang nagsidatingan ang mga tao sa labas mukhang namukhaan yata siya. Dali-dali niyang tinungo ang kaniyang sasakyan kasama ang kaniyang manager.

"Si Aleahna ba 'yon?"

"Ahhh! Ang ganda talaga niya in person"

"Aleah, we love you!"

Biglang nagsidagsaan ang mga tao nang makita nila si Aleah. Wala namang nagawa si Dheo kundi tignan na lamang ang papalayong bulto ng sinasakyan nito.

Our Broken StringsWhere stories live. Discover now