"Happy Birthday mamu... Happy birthday Mamu..." sabay kanta ni Dheo nang makalapit siya sa ginang dala ang isang sugar-free Ice cream kung saan may nakapatong na kandila. Ice cream na lamang ang kaniyang binili sapagkat ito ang paborito ng kanilang Mamu. Agad naman bumaling si Blessy nang maaninag niya ang isang binatilyong papalapit sa kaniya.
"Dheo, Anak!" Bungad ni Blessy na siyang ikinangiti niya.
"Nay, blow kana. Huwag niyo po kalimutang hawakan ang postiso niyo po, baka matanggal" biro pa ni Dheo kaya kinurot siya ni Blessy sa tagiliran. Natawa naman si Dheo at inilapit na lamang ang dalang ice cream sa ginang.
Hinipan ni Blessy ang kandila at masayang niyakap ang isa sa mga batang kaniyang tinuring na anak.
" Masaya akong narito ka, Dheo, " sabi pa ng ginang na siyang ikinalungkot ni Dheo dahil hindi dumating ang kaniyang mga kababata, na siyang napansin naman ni Blessy.
"Alam kong hinihintay mo sila, hijo. Nakausap ko na sila noong nakaraang araw at pinagpaalam na nila na hindi sila makakapunta" sabay bigay sa kaniya ng ginang ng isang tipid na ngiti. Kahit na nalulungkot ay pinilit parin ni Dheo na ngumiti. Kesa naman pareho silang malungkot, birthday pa naman ng kanilang Nay Blessy.
" Di bale ho, Balang araw, babalik sila dito at maglalaro ulit tayo ng habulan" sabay tawa ni Dheo upang pagtakpan ang lungkot na nararamdaman na siyang tinugunan naman ni Blessy ng marahang ngiti.
"Ako na muna ang sasama sa inyo ngayon! Ang pinakagwapo sa aming anim! Diba, Ang swerte niyo po Nay!" sabay akbay ni Dheo sa ginang.
"Ikaw talaga, halika samahan mo ako. Kainin natin 'tong ice cream na bigay mo" masiglang tugon ni Blessy at sabay sila ni Dheo pumunta sa mesa kung saan naroroon ang ilan nilang kapitbahay at kaibigan na ngayon ay panay ang tawanan.
"Ma, alis na ho ako!" paalam ni Dheo sa kaniyang ina na ngayon din ay paaalis ng bahay upang maglako ng kaniyang binibentang kakanin sa palengke tuwing sabado at linggo.
"Sige, mag-ingat ka roon" humalik muna si Dheo sa pisngi ng kaniyang nanay bago tumulak papunta sa tinatrabahuang Electronics repair shop na pag-aari ng kaniyang tito. Wala ng ama si Dheo simula ng limang taong gulang pa lamang siya. Simula 'non ay wala na silang balita kung nasaan ang kaniyang ama, buti na lamang ay sinusuportahan sila ng kanilang tiyuhin at lolo kaya doon napagdesisyunan ni Dheo na magtrabaho muna upang tulungan ang kaniyang tito sa negosyo nitong e-shop, dahil sa hindi niya alam na dahilan, parati na lamang siya di natatanggap sa mga companya na i-na-applyan niya.
Pagpasok niya sa loob ng shop ay siya ring pagtunog ng windchimes nila roon dahilan para mapabaling ang tito niya na nasa may counter "Dheo, mabuti at nandito ka na, may nagpapaayos ng cellphone dito oh" bungad ni Dan na siyang tiyuhin ni Dheo .
"Good Morning ho 'to" sabay fist bump nila bago inilagay ang kaniyang bag sa isang maliit na locker sa ilalim ng kaniyang mesa at saka nilapitan ang kaniyang tiyuhin na nasa counter area.
"Nasira raw ang screen" sabay abot ng kaniyang tiyo sa kaniya ng cellphone.
"Na saan po ang mayari nito?" tanong naman ni Dheo. Agad itinuro ng kaniyang tiyuhin ang isang sasakyan sa labas kung saan may babaeng nakasuot ng aviator glasses, naka itim na cap, at balot na balot ang katawan nito na para bang nagtatago at hindi gusto makilala. Postura palang mahahalata mo na mayaman at masungit na rin.
"Pamilyar nga sa akin 'yang babaeng 'yan, nakalimutan ko lang kung saan ko siya nakita, " sambit ng kaniyang tiyuhin. Nakangising aso naman si Dheo sa kaniyang binatang tiyuhin na tila tinutukso pa ito.
"Bet mo 'to? Lapitan mo na" tukso ni Dheo.
"Makasuhan pa ako ng child abuse niyan Dheo! Ano ako sugar daddy?" tumawa lang si Dheo at napailing. Sinimulan na lamang niya ang pag-aayos ng sirang cellphone dahil tanaw na niya ang babae na panay tingin sa kaniyang relos habang pinapaypayan pa nito ang kaniyang sarili sa init. Aba sino ba naman ang hindi maiinitan kung balot na balot siya sa suot niya.
DU LIEST GERADE
Our Broken Strings
Aktuelle Literatur🚐OUR BROKEN STRINGS🚐 There were hundreds of reasons for me to hold on to the promise I made my friends, but it was still smaller to that one excuse I made for myself to let go. Maybe it was true, I was that desperate to fix our broken strings, ye...
Chapter 1
Beginne am Anfang
