"Hi Aleng Sita! Blooming niyo po ngayon ah! Sing ganda niyo talaga ang mga rosas---" pagbati sana ni Dheo subalit kurot lamang sa tagiliran ang kaniyang natamo mula sa Ale.

"Hoy Dheo kanina pa naghihintay si Ma'am Valerie, naku! pag tayo mawalan ng costumer malilintikan ka talaga sa'kin!" pagsusungit ng ale.

" Pasensya na ho, madaling araw na po kasi ako nakauwi, kaya na tanghali ho ako ng gising, " napayuko na lamang si Dheo sabay himas sa kaniyan tagiliran.

Agad namang tumigil si Sita sa ginawa. Alam ng ginang na marami talagang raket itong si Dheo, ma-umaga man o gabi. Alam niya rin ang mga rason d'on kaya imbes na magalit ay napabuntong hininga na lamang si Sita.

" Oh siya, ihatid mo na iyan sa mansyon, at heto, suweldo mo yan simula pa noong nakaraang sabado, " sabay abot nito kay Dheo ng mga rosas at maging ang sweldo nito.

Halos di naman makapaniwala si Dheo nang makita na sobra iyon sa kaniyang inaasahan kaya napatingin siya sa ale " Aleng Sita, sobra po ito---"

Pinutol agad ng ginang ang iba pa sanang sasabihin ni Dheo. "Ipunin mo na lang iyan para sa pag-aaral ng kapatid mo, mag c-college pa naman 'yon next year, kaya alam kong kailangan mo 'yan" dugtong pa ni Sita.

Sumilay naman ang mga ngiti ni Dheo. "The best ka talaga Aleng Sita! Kaya lab na lab kita, eh! Di bale po, pagtatyagaan ko pa ho sa susunod! "

Paulit-ulit nagpasalamat si Dheo bago nagpaalam at tinungo ang Mansyon ng mga Cero. Hindi mawala sa isipan niya na baka naroon ang kaniyang mga kababata, siyempre dahil birthday ng kanilang Nay Blessy.

Subalit ang kaninang ngiti sa labi ay unti-unting nawala nang maalala niya ang nangyari dalwampung taon na ang nakalipas. Sariwa parin sa kaniyang ala-ala ang galit ng kaniyang mga kaibigan dahil sa minsang maling desisyon na kaniyang ginawa, na siyang unting tumatangay sa pag-asang nasa kaniya.

"Dheo! Buti naman at narito ka na!" masiglang bungad sa kaniya ni Valerie na ngayon ay nasa kaniyang mid-fifties na.

"Pasensya na po tita, medyo natagalan" paghingi ng paumanhin ni Dheo.

"Ayos lang hijo, sakto rin ang dating mo, kasi ngayon pa namin i-d-display ang mga bulaklak, mabuti pa't tulungan mo ako" sabay pasok nila sa loob ng malaking mansyon ng mga Cero.

Wala parin itong pinagbago. Maganda at napakalaki pa rin. Dati, naalala niya kung saan sila palaging naglalaro kasama ang kaniyang mga kaibigan habang palagi silang nagtatakbuhan at nagtatago sa tuwing papagalitan sila ng kanilang Nay Blessy. Napangiti siya sa mga alaalang iyon.

Pagkarating nila sa likod ng mansyon, bumungad sa kaniya ang malaki nilang hardin na may maliit na fountain at pond sa gitna. Marami na ang nakalatag na mga mesa at monoblock chairs doon. Abala rin ang ilan sa mga kasambahay at kapitbahay na tumulong para sa munting celebrasyon na gaganapin mamaya bilang kaarawan ng kanilang Nay Blessy.

Si Nay Blessy ang mayor doma ng mga Cero kahit mula pa noong bata pa si Tita Valerie. Ito rin ang nag-alaga sa kanila noong bata pa sila, kaya malapit din siya sa ginang. Kaya ngayon, kanilang idadaos ang ikapitongpu't isang kaarawan nito sa mansyon.

Doon tumulong si Dheo sa paghahanda ng pagkain, paglalatag ng mga gamit, at maging ang pagkakabit ng mga ilaw sapagkat gabi nila nais magsimula. Di naman makapag-antay si Dheo di lang dahil ito'y kaarawan ni Nay Blessy kundi pati na sa pag-asang pupunta ang kaniyang mga kababata na siyang inaabangan niya lagi.

Gabi na nang magsimula ang celebrasyon. Panay ang kanilang kwentuhan, sayawan, at maging kantahan dahil maypa-videoke pa sila. Ang ilan naman ay kumakain at may ilan ding nahuli si Dheo na pumupuslit ng supot sabay kuha ng pagkain sa buffet table, na kaniya namang ikinatawa.

Our Broken StringsWhere stories live. Discover now