Chapter 14

82 3 1
                                    

Chapter 14

Sam's POV


This week was so fckng busy. Puro activities and quiz pero nakakaya naman. Sobrang higpit ng mga teachers, parang walang bukas kung maka utos amp.


About naman sa mga threats ni Klare, nung isang araw pa yung huling bigay niya. Di rin ako iniiwan ni Clyde kahit saan kani pumunta. Hinahatid niya pa ako sa bahay para safe daw. Nakakahiya man pero wala akong choice.


Today is weekend, nandito si Clyde saamin kasi inimbita siya ni Lolo para kumain. 'Di ko din alam kung bakit basta trip lang daw ni Lolo.


Matatanda nga naman.


"Anong trip ni Lolo at nandito ako?" bulong ni Clyde nang umalis saglit si Lolo Andres at pumunta sa kanyang kwarto.


"'Di ko den alam do'n. Iba na yata trip no'n kasi di naman napayag yo'n na may ibang lalaki dito except nalang kung family friend" sabi ko. Puro matatanda din kasi mga lalaki ditong bisita. Di naman papayag yo'n na... basta ang hirap ipaliwanag.


"Oh iho, sayo na 'to" sabi ni lolo na kakagaling lang sa kwarto at inabot kay Clyde ang isang kahon.


"Ano po ito?" tanong ni Clyde. May kalakihan kaunti yung kahon pero mukhang magaan naman.


"Buksan mo." ani niya at binuksan ni Clyde ang kahon. Nagulat ako nang makita ang laman samantalang si Clyde ay nagtataka pa din.


"Lolo! Bigay 'yan ni Lola sayo ah? Bakit mo naman ibibigay sa kanya? Mahalaga 'yan sayo diba?" tanong ko. Ayun kasi ung mga alahas na binili ni Lola from Europe kasi 40th anniversary nila nila no'n. Kinuwento lang nila saakin yun hehe.


"Mahabang kwento iha. Clyde, pwede ba kitang makausap sandali sa kwarto?" pagbabaling ni Lolo kay Clyde


"Ahh, sige po" sagot ni Clyde. Tumayo na siya at sumunod kay lolo. Tatayo na sana ako at susunod nang biglang magsalita si Lolo


"Dyan ka lang, Samantha. Usapang lalaki 'to" sabi niya nang nakangisi at pumasok na sila sa kwarto.


Ano naman kayang pag uusapan nila? Hayst.


Clyde's POV


Kinakabahan ako na ewan dito sa loob ng kwarto ni Lolo. Bigla ba naman kasi akong iimbitahan dito. Iniisip ko palang na gagawin namin dito, kinakabahan na ako. What if itanong niya saken si Sam? What if tutukan niya ako ng baril? What if—


"Iho" napatigil ako sa pag- iisip ng kung anu- ano nang tawagin ako ni Lolo.


"B- bakit po?" kinakabahan kong tanong. Kalma Clyde, kalma lang. Di ka naman papatayin nito.


"Kinakabahan ka ba? Pasensiya na ah, ganito lang ako pero don't worry, 'di naman kita papatayin" sabi ni Lolo. Good thing naman na hindi. "Pero pag di ka nagsabi ng totoo sa mga itatanong ko, ipapaputo—"


"Teka naman po Lolo! Gusto ko pa pong mabuhay. May mga kamag- anak po akong u—"


"I'm just kidding iho HAHAHA di ko pwedeng paputukin ito lalo na't wala akong karapatan" ani niya.


Biro na yun sa kaniya? Muntikan na akong tumakbo palabas nang itututok niya saakin yung baril. Shot gun pa nga yata yun eh. Matatanda nga naman, tsk tsk.


"Ano nga po palang itatanong ninyo?" tanong ko. May na- mention kasi siya kanina na itatanong diba?


"Oh, about kay Sam" seryosong sabi niya.


"Ano pong meron?"


"Lately kasi, naaabutan ko siyang umiiyak sa banyo, sa kwarto, sa kusina then kapag tinatanong ko siya na kung bakit siya umiiyak, palagi niyang sinasabi na wala lang daw, may napanood lang daw siya na nakakaiyak. Sa tingin mo ba maniniwala na ako do'n?" malungkot niyang saad.


"Oh... I guess not." sagot ko. Hindi ko naman alam na umiiyak pala siya kasi hindi naman siya nagsasabi saakin. Maybe she's thinking about the threats or si Klare mismo.


"I am just worried about her kasi madalas ko siyang naabutan na gano'n, may alam ka ba?"


Should I tell him? Maybe not. Babayaan ko na si Sam ang magsabi.


"Wala po, Lo. Masaya naman po siyang pumapasok sa school eh. Hindi naman po siya nakakapag labas sa akin"


"Siguro ka iho?" paninigurado niya.


"Opo" paninigurado ko para hindi na siya mag tanong pa.


"One more thing, may gusto ka ba sa apo ko?" tanong niya na ikinagulat ko. Fast forward si Lolo ah.


"p- po?"


"Kailangan ko pa bang ulitin yung tanong?" mapang- asar niyang tanong.


"Ahmm, h- hindi na po" kinakabahan kong sagot.


"Mukhang kailangan eh. May gusto ka ba kay Sam?" pag uulit niya.



Oh shit, paano na 'to? Sasabihin ko ba ang totoo or not? Helpppp!

My Life After I Met HimKde žijí příběhy. Začni objevovat