Chapter 10

485 11 7
                                    

Chapter 10


Clyde's POV


Grabe naman yung kwento ng lolo ni Sam, nakakilig. Sana nga dito magsimula yung love story namin ni Sam-- wait, anong pinagsasabi ko? Ha? Hakdog na may Halaman.


Nang matapos ang kwentuhan namin ay tinapos na namin ang aming pagkain at nag ayos. Tutulong na sana si lolo nang bigla siyang pigilan ni Sam.


"Lo, magpahinga na kayo. Alam kong napagod kayo sa kaka-kwento" sabi ni Sam nang bigla sanang mag aayos ng lamesa si lolo.


"Sigurado ka apo? Baka hindi mo kayanin" depensa naman ng kanyang lolo.


"Lo, palagi namang ganito yung routine natin eh. Matanda ka na at tsaka nandito naman si Clyde para tulungan ako eh, diba Clyde?" sabi niya at pinandilatan ako ng mata. Kahit naman hindi niya ako pandilatan, tutulong pa din ako.


"Oo naman. Kaya lolo, kami na po bahala ni Sam dito" sabi ko at bigla akong kinilatis ni lolo.


"Wala ka naman sigurong gagawing masama sa apo ko diba?" nagulat ako sa sinabi niya.


"LOLO! Aishh, magpahinga ka na nga." sabi ni Sam at inaya na ang kanyang lolo sa silid nito.


Pagkalabas ni Sam sa kwarto ay nakahinga siya ng maluwag.


"Pagpasensyahan mo na yung lolo ko, ganon lang talaga yun kasi strict"


"Okay lang. Wala naman akong gagawing masama sayo eh"


"Sure ka?" Paninigurado niya.


"Yup!"


"Eh paano ung nangyari sa mall? Ay shet!" sabi niya at bigla na lang tumakbo papunta sa kwarto niya siguro. Magtatanong tapos magmumura? Eh? Aishh. Inaalala nita pa rin yung sa mall ah.


Hay nako, makapag simula na nga para makauwi na ako. Tss


Habang tinatapon ko yung mga kalat ay bigla nalang siyang bumaba at walang sabi na naghugas ng mga pinggan na ginamit namin kanina.


After naming maglinis ay nagpaalam na ako sa kanya.


"Ah, Clyde?" biglang sipot ni Sam.


"Bakit?"


"Salamat nga pala sa tulong" sabi niya.


"No need to thank me, handa akong tumulong. Wag ka lang mahiya or what, okay?"


My Life After I Met HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon