Chapter 18

27 3 0
                                    

Chapter 18


Sam's POV


Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang nung nagkakilala kami tapos ngayon, graduation na namin.


Parang kailan lang nung makilala ko siya, ngayon, isang taon at apat na buwan na kami. 


Sakto, monthsary then graduation namin ngayon and I am so excited but at the same time, malungkot kasi hindi na naman makakapunta si mom but sanay na ako.


Sa loob isang taon naming magkasama ni Clyde, wala nang epal. Nakausap na rin namin si Klare and that was just a trial daw para malaman niya kung gaano kami ka-strong. Weird right? I know right. 


Naandon din siya sa debut ko as my escort. Puro nga siya mura tuwing may hahawak sa akin na lalaking kaibigan ng lolo ko kasi manyak daw HAHAHAHA. 


Wala naman kaming pagtatalo or hindi pagkakaintindihan ni Clyde. We always makes sure na clear ang lahat bago namin matapos ang araw.


I feel lucky kasi sa high school journey ko, nakasama ko siya at hindi niya ako iniwan. (inggit ka ba na iniwan ng bebe mo during high school life? don't worry, di ka na babalikan no'n)


"Baby, ready for the ball?" Clyde asked. Natapos na kanina ung ceremony then awardings, si Lolo yung nagsabit sa akin while mom naman ni Clyde yung sa kanya.


"Yeah, tara na?" sabi ko at agad siyang tumango. 


"Ang ganda mo ngayon" bigla niyang sabi habang nasa byahe kami.


"Ang gwapo mo naman." sabi ko at agad siyang tumingin sa akin.


"Kiss me." sabi niya at ngumuso.


Cute


Dahil gusto ko siyang asarin, imbis na sa labi ko siya halikan ay sa pisngi ko ito ginawa.


"Baby naman..." sabi niya na parang nanlulumo.


"Why? Sabi mo halikan kita pero di mo sinabi kung saan." pang-aasar ko.


"Nakanguso ako diba? Edi sa lips" sabi niya at humagalpak ako ng tawa. "Why are you laughing?" tanong niya.


"Wala lang, ang cute mo." sabi ko habang pinapakalma ang sarili sa pagtawa.


"Kiss mo na kasi ako." sabi niya at ngumuso ulit.


"Stop the car." sabi ko at agad niya itong itinabi sa gilid ng kalsada.


"Why-" di ko na siya pinatapos nang halikan ko siya. Hindi siya nagreresponse nung una pero nang laliman ko ang halik ay agad itong tumugon at pinalalim pa lalo.

My Life After I Met HimOnde as histórias ganham vida. Descobre agora