Chapter 13

106 2 1
                                    

Chapter 13


Clyde's POV


Bakit bumalik na naman yon? Akala ko may bago na yon. Siya nang iwan tapos babalikan ako? Tsaka hindi namin siya nakikita ni Sam kaya paniguradong hindi namin siya kaklase.


Ang tanong, paano niya nakilala yung lolo ni Sam? Bakit niya gustong gawin yon? Argh! Di ko na alam. Basta tutulungan ko si Sam na malaman lahat.


We're walking towards the gate para umuwi. Bukas nalang namin pag uusapan 'to. She needs rest.


Sam's POV


Today, pag uusapan namin ni Clyde about don sa pesteng Klare na yon. I want to slap her so bad. Nakaka bwiset kasi. Wala tuloy akong maayos na tulog.


Nandito kami ni Clyde ngayon sa room habang pinag uusapan namin ang aming gagawin pag kinausap na namin si Klare.


Hindi ko alam kung bipolar ba 'yon or kung ano eh. Isa lang naman sadya no'n dito, agawin si Clyde saakin. Wala naman kaming relasyon ni Clyde pero gusto namin ang isa't isa. Di ko rin alam kung seryoso si Clyde do'n eh HAHAHA, nagdududa pa din ako kasi as he mentioned before, womanizer siya so I really don't know....


Nang matapos namin ang pinag uusapan, may isang lalaki ang lumapit saakin, si Lance.


"Sam, may nagpapabigay" sabi niya at inabot saakin ang isang kahon. Kulay pula siya na may pagka- creepy nung design. Maliit at magaan din.


"Sino daw?" tanong ko. First time kasi 'yon. Wala naman akong kaibigan diba so sino namang magbibigay saakin nito?


"Hindi sinabi pangalan eh"


"Oh, okay. Salamat" sabi ko at umalis na siya. Hinarap ko si Clyde at tinanong kung sino ang nagbigay nito.


"Buksan mo na" sabi niya.


"Natatakot ako, Clyde" sabi ko. What if kung threat 'to or whatever..... aish sige, takutin mo lang sarili mo, Samantha.


"Nandito lang ako sa tabi mo, Sam" sabi niya at hinawakan nita ang kamay ko at hinalikan. Nagulat pa ako pero ningisian niya lang ako. Hindi na ako naka salita pa dahil dumating na ang aming guro para mag discuss.


Nang matapos ang klase, agad kaming pumunta sa garden habang dala dala ni Clyde ang kahon. Nanginginig kasi ako.


Lunch time namin ngayon pero pinili naming kumain kanina ng rice nung recess kaya di kami kakain ngayon.


Nang makaupo kami sa bench, inabot saakin ni Clyde yung box.


"Clyde..."


"Andito lang ako, okay? Don't worry" paninigurado niya at pinabuksan saakin yung box.


Pagkabukas ko ng box, bigla ko itong nabato at napaiyak.


"Clyde... y- yung b- box..." naiiyak kong wika at bigla akong niyakap ni Clyde.


"Shh, tahan na please" pagtahan niya saakin


"Pero Clyde, di ko kaya..." sabi ko


"Wait, kunin ko lang." Sabi niya at napabitiw siya sa yakap at kinuha yung kahon. May kinuha siyang papel at binasa ang nakasulat do'n.


"Don't forget that he is mine. I'll get him to you and leave you with your tears in your eyes."

- KB


"So it means...."


"Si Klare nga ang nasa likod ng mga kalokohang 'to" nagagalit na sabi ni Clyde.


"Kalma, Clyde."


"But how?! Ginugulo niya yung buhay mo para lang saakin. Nakaka g*go naman, Sam."


"Shh, magiging okay din ang lahat. We just need to confront her"


"Yeah, tama ka nga... tara na?" aya niya nang malapit ng mag time.


"Sige" at nagsimula nang maglakad.


"Wait." pigil saakin ni Clyde


"Why?" tanong ko at di siya umimik.


Lumapit siya saakin at pinunasan ang pisngi ko gamit ang daliri niya. Di ko namalayan na may  luha pa pala sa pisngi ko.


"Don't cry again, okay? As long na nandito ako sa tabi mo, pr- protektahan kita hindi lang bilang kaibigan, kundi dahil





mahal kita." sabi niya at hinalikan ako sa labi at nagsimula na kaming maglakad papuntang room para sa susunod na klase namin.

My Life After I Met HimWhere stories live. Discover now