CHAPTER 21

8 1 0
                                    

Dalawang araw na ang nakalipas simula no'ng may nakasabay akong apat na estudyanteng nag-uusap tungkol sa kanilang schoolmate na si Zain- wews kapangalan pa talaga ng ghost na kakilala ko.

Hanggang ngayon umaasa pa din ako na makasabay ang kahit isa man lang sa apat na mga babaeng 'yun.

Kailangan ko na talagang masagot ang mga katanungan sa aking isipan kasi for sure mababaliw ako, literal, char.

Dalawang araw na din ang lumipas no'ng sinabi sa'kin ito ni Zain, "That guy named James- 'yung boyfriend ni Jarica, I feel like we've known each other for a very long time." and guess what? Dumagdag na naman iyon sa mga iniisip ko.

Hays, talagang mababaliw ako.

Hindi kaya ang James na tinutukoy ni Zain na matagal na niyang kilala at ang James na tinutukoy ko na boyfriend ni Jarica ay iisa lang? Arghhh! Nakakabaliw jusme!

"Quim!"

'Aray! Punyeta! Sino naman 'yung sumisigaw?'

"Kanina pa ako nagsasalita dito, lumilipad na naman ata ang isip mo. Ano kako ang id'drawing mo?"
Reklamo ni Jarica.

'Ha? Anong id'drawing?'

"Anong drawing woy?" Tanong ko.

"Hays, noong nakaraang araw ka pa lutang eh. Sabi ni Mrs. Twist, idrawing daw natin ang dream destination natin at syempre with explanation iyon, ipasa bukas."

Drawing? Tanginang 'yan, wala nga akong alam sa paguguhit eh at tsaka bukas na agad? Ano ba 'yan!

"Bukas agad pasahan?" Tanong ko.
Medyo nasesense ng kaibigan ko na problemado ako sa mga oras na'to.
Wews, kilalang-kilala na kaya ako neto.

"Oo, bakit? Alam ko namang wala kang talent sa pagd'drawing, kaya ako na ang gagawa. Agahan mo nalang bukas para may time ka pang magsulat ng explanation mo." Saad niya nang ikinatuwa ko.

Waaaahhh! See? Alam na alam talaga eh. Buti nalang at may kaibigan akong talented hehe sana all nalang ako hahahaha.

Wews, importante cute pa din ako. Char!  (◠‿・)—☆

"London ang dream destination ko at mamaya magsesend ako ng picture na gagayahin mo, okay?" Hehe Thanks in advance." Nakangiting saad ko. ^_^

Alam niyo ba kung bakit London? Bukod sa taga doon ang paborito kong banda ay--- char sa next chapter ko na sasabihin hahaha.

"Okay. Mag lunch na tayo."
Pag-aaya ni Jarica.

Makikita ko na naman ang mga tatlong asungot na 'yun. Ang daldal nila sobra lalo na si Bryan, kahit na hindi ako interesado eh panay pa din ang pagdadaldal niya. Jusko po -.- Papansin masyado eh, char!

"Quim, next week magrereview na tayo para sa exam." Sambit ni Jarica habang kumakain kami.

Oo nga pala, last week of August ang exam namin at kailangan na naming magreview. Dapat 1 na grado makukuha namin ni Jarica para hindi matanggal sa scholarship. Wews, sana lahat matalino.

"Pwede namin kayong tulungan magreview." Aniya ni James habang ngumunguya pa ng pagkain.

Btw, 2nd year college na pala silang tatlo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 29, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WARMTHWhere stories live. Discover now