CHAPTER 20

6 3 1
                                    

"I'll cherish my remaining 40 days here with you, annoying hooman."
Aniya habang nakatitig deretso sa mga mata ko.

Gusto kong umiwas ng tingin pero tila ba ay namanhid ang buong katawan ko, hindi ako makakilos, ni wala ring lumalabas na boses sa bibig ko. Naistatwa ako, parang hinihigop ng mga titig ni Zain ang lakas ko. Teka, anong nangyayari?

'Zain, anong ginawa mo sa'kin? Waaaa!'

"Annoying hooman, hey what happened?"

Natauhan ako nang magsalita ulit si Zain.

"HA? Ano bang nangyari?" Kunware ay wala akong alam hihi. Pero Wala talaga akong alam kung ano nangyayari huhu, can't explain it.

"Wala naman, nakatitig ka lang sa'kin ng ilang minuto." Saad niya.

Nakayanan ko siyang titigan ng mga ilang minuto? Omg! Segundo pa nga lang ay hindi ko na maimagine eh. Jusko!

"Eh gusto ko lang tumitig, bakit ikaw lang ba pwede ha?" Pagdadahilan ko pa.

"You're cute haha pero bakit namumula ka?"

'Namumula daw?'

"Tigilan mo nga ako Zain. Tsss."

Umiwas na ako ng tingin kasi ramdam ko na nag-iinit ang pisngi ko. Ah, lalagnatin ata ako charot.

'Kinikilig ka lang eh.' inner self.

What? No way! Erase. Erase. Erase.
Bakit naman ako kikiligin? Duh!

"It's getting late hooman, let's go home." Saad niya habang nakatingala sa kalangitan.

"Ah oo, tara na." Sambit ko habang nakatingin sa ibang dereksyon.

Hindi ko pa siya kayang titigan baka maulit 'yung nangyari kanina. Baka mag level up eh, mag slowmo na ang paligid. Waaaa! No!

"Haha ang cute mo talaga, halata masyado na umiiwas ka ng tingin sa'kin."

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at inunahan nalang siyang maglakad. Nag-iinit na naman kasi mga pisngi ko sa hindi alam na dahilan.

~~~~~

// KINABUKASAN //

"Hays kawawa naman si Zain, hanggang ngayon hindi pa din nagigising." GIRL 1

"Oo nga eh ilang buwan na siyang comatose, sana magising na SIYA." GIRL 2

"Kahit naman ganun ugali niya, marami pa ding nag-aalala sa kanya sa University natin." GIRL 3

"At kahit ganun din ugali niya, marami pa ding nagkakagusto at isa na ako doon hihi." GIRL 4

Rinig kong usap usapan ng mga estudyanteng kasabay ko ngayon sa jeep.

Sinulyapan ko naman sila, iba ang uniform nila sa suot kong uniform. Saang University kaya sila nag-aaral?
Nabanggit kasi nila si Zain, tanungin ko kaya? Ay teka nga, marami namang Zain eh baka magkapangalan lang. Oo tama. Ganun na nga.

Pero wala namang mawawala 'diba kung tatanungin ko? Tanungin ko na nga lang.

"Manong para po." Sambit 'nung isang babae na may brown na buhok.

WARMTHWhere stories live. Discover now