Day 7 - Later that Night

Comenzar desde el principio
                                    

Nagkunwari akong nag-iisip. "Not really. Ang pangarap ko lang"-ay X-rated, actually, pero hindi ko p'wedeng sabihin sa kanya 'yun-"ay 'yung sinasabi mong chocolate cake na i-be-bake mo para sa 'kin."

She snorted, then got the attention of one of the servers. I watched as she charmed one of the attendants to get her more salad. Kung ganito si Eve n'ung inaalok niya ng forbidden fruit si Adam, alam ko na kung bakit kumagat si Lolo. Dahil ngayon, kahit ano ang ipatikim sa 'kin ni Meredith, kakagat din ako...

Nang bumalik ang server, may dala siyang isang tray na may isang bowl ng fruit salad at isang pinggang fudge brownies. Nanlaki ang mga mata ko. Gan'un na gan'un ang hitsura ko n'ung una kong nakita (nang aksidente, siyempre) ang mga itinatagong Playboy Magazines ng tatay ko.

"Brownies," bulong ko na parang nakakita ng himala.

"'Yan," sabi niya na inilalapit sa 'kin ang brownie. Buti na lang para sa 'kin pala 'yun kasi sasakmalin ko siya kapag di niya 'ko binigyan. "Tikman mo 'yan, Chocolate Monster."

Nagmamadali akong kumagat sa brownie na para bang may aagaw niyon at tumirik talaga ang mga mata ko.

"Sarap?" natatawa niyang tanong. Masaya akong tumango. Nang tingnan ko si Meredith, ngumunguya siya pero may naaaliw na ngiti. "My mom will love you when she sees you eat."

"Mahilig siya sa matakaw sa chocolate?" tanong ko, nginangatngat ang hinlalaki ko kung saan may naiwang bakas ng fudge.

"Oo," tawa niya. "Isa pa, she likes funny guys. Kapag makasama mo ang daddy ko, you'd understand."

Sabi niya "kapag", meaning may pagkakataong makasama ko nga ang daddy niya. Sige, ipa-practice ko na kantahin ang "Marry Your Daughter". Pero kailangan kong ma-impress si Mr. Balajadia at baka "Rude" ang maging theme song naming future mag-biyenan.

In-e-enjoy na niya ulit ang fruit salad niya nang magtanong ako. "Why did you invite me here tonight?"

Nag-angat siya ng mukha at pinagmasdan ako. Siguro nabigla kasi seryoso ako. "What do you mean?"

"Sorry," sabi ko, tumutungo sa pinggan. "I shouldn't have asked."

"Akala mo nandito si Craig?"

"Oo eh." Hello, Ash. Your insecurity is showing. "Kaya I'm sorry, I shouldn't have asked, and I shouldn't have thought it. Sabi mo nga, we're friends."

Hindi siya kaagad sumagot. Ang wish ko naramdaman din niya ang nararamdaman ko sa tuwing naririnig kong "friends" kami. Asa pero ako ang bida sa kwentong 'to. Mananalig ako.

Bumuntong-hininga siya. "Ash, paano tayo magiging friends kung sa tuwing aayain kita, iisipin mong inaya kita dahil kay Craig?"

Ayan, nabuhay na naman ang katawang lupa ko. Pailalim ko siyang tiningnan. "Eh dapat lagi mo akong ayain para masanay ako."

Tumawa siya. "Teka, ano palang balak mo sa Saturday?" tanong niya sa 'kin.

"Wala pa, actually. Pag-iisipan ko pa lang."

"Out of town?" she asked hopefully.

Ngumiti ako. Mahilig din pala sa gala itong si Meredith. May nunal siguro sa paa. "Gusto mo bang out-of-town?"

"Game naman ako lagi sa biyahe eh."

Tumango ako. "I'll keep that in mind."

She smiled at me, then turned back to her salad.

Naalala ko tuloy bigla ang sinabi ni Tita Vera tungkol sa kung paano ko tingnan si Meredith kapag hindi siya nakatingin.

I really wished she meant na sweet 'yun at hindi ako parang gutom na leon na nakakita ng zebra na nag-je-jay walking sa savannah. Because sometimes, that was how I felt about Meredith. I wanted her all to myself.

Kaya Craig, maghanda ka nang mabura sa isip ni Meredith. Malapit nang mapuno ang salop, Erap. Hindi ka na sisikatan ng araw.

NA-REALIZE ko na lang na late na nang kalabitin na ako ni Ninong Ernest para magpaalam kasi uuwi na siya at ihahatid na muna niya si Tita Vera sa bahay nito. Ang bilis ng oras.

"Oh, my God. Anong oras na?" bulalas ni Meredith, sabay tingin sa wristwatch niya. "Pasado alas dose na!"

"Nagliligpit na nga sila Dely," nakangiting sabi ni Tita Vera.

Tumayo kami ni Meredith.

"May dala ka bang kotse, Ash?" tanong ni Ninong Ernest.

"Meron po." Kinuha ko pa 'yung susi sa bulsa ko.

"Nasa kitchen pa ang mommy at daddy mo, Meredith," sabi ni Tita Vera. "Kung gustong magpaalam ni Ash."

Nagkatinginan kami ulit at tumango ako. Hinalikan kami ni Tita Vera sa pisngi bilang pamamaalam.

"It was wonderful to see you again, Ash. Dadalaw ako sa opisina ninyo ulit one of these days."

May mahigpit pa akong hug galing sa kanya. Niyakap ko rin siya. I like her. Mabait siya. Saka kakampi ko siya sa pangarap kong love life.

Nauna silang umalis sa amin at giniya ako ni Meredith sa kusina ng mansion nila. Gaya ng sabi ni Tita Vera, nandoon pa nga sina Mr. at Mrs. Balajadia. They smiled when they saw us.

"O, Meredith, Ash. Gusto niyong mag-night cap?"

"Naku, hindi na, Sir. Late na po. Maaga pa po ako papasok bukas." Nilingon ko si Meredith. "Strict po ang boss ko eh."

Sinundot niya 'ko sa tagiliran.

Tumawa ang mga magulang niya.

"Strict nga 'yang si Miss Balajadia," sabi ng mommy niya. "I hope hindi ka niya nginangarag sa office."

"Ay, hindi naman po. Pinapakain ko lang po siya kapag nagsusungit."

Ngayon, hinampas na ako ni Meredith bago niya ako sinimulang ipagtulakan palabas ng kusina. "Umalis ka na bago ka pa may ibuking sa mga magulang ko," tumatawa niyang sabi pero hinayaan niya akong bumalik sa mga magulang niya.

"Thank you for having me, Mr. Balajadia, Mrs. Balajadia. I really enjoyed myself."

Her dad offered his hand to me. "You're welcome, hijo. Babalik ka. Papatabain ka ni Tita mo."

"Ay, oo," sabi ng mommy ni Meredith. Inabot niya ang kamay ko but she didn't shake it. Tumayo siya at niyakap ako with matching kiss sa pisngi.

Na-touch na naman ako. Parang tanggap na tanggap nila ako. Niyakap ko rin siya pero sandali lang. May hawak na tinidor si Mr. Balajadia eh, baka matinidor ako.

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora