Day 7 - Later that Night

Magsimula sa umpisa
                                    

N'ung tiningnan ko ulit ang parents ni Meredith, nagpapalitan sila ng tingin bago kami muling hinarap.

"Hija, ikaw na muna ang bahala kay Ash ha," sabi ni Mrs. Balajadia. "We'll just mingle. Enjoy yourself, hijo."

"I will. Thank you, ma'am. Sir." Ayos, para 'kong guard. Thank you for coming, ma'am, sir.

Patago akong bumuga ng hangin nang umalis ang parents ni Meredith para kumustahin ang iba pa nilang bisita. Naupo kami ulit.

"Gusto ko pa ng salad," sabi lang niya. "Gusto mo pa ng salad?"

Pinagpawisan ako dahil ipinakilala niya ako sa mga magulang niya 'tapos salad lang ang concern niya?

"Meredith, makikihalubilo lang din kami ni Ernest ha," sabi ni Tita Vera.

"Okay, Tita."

Kinindatan na naman ako ni Tita Vera, isang silent communication para sabihing "bibigyan namin kayo ng privacy, 'wag mong sayangin".

"Dito na lang ako," simula ni Ninong Ernest bago siya naubo dahil siniko siya ni Tita Vera sa sikmura. "Sabi ko nga sasamahan kita."

Ander.

Tumayo silang dalawa at kinalakadkad ni Tita Vera palayo ang ninong ko.

"May something ba sa kanilang dalawa?" tanong ko kay Meredith habang nilalantakan pa rin niya ang fruit salad na nasa mangkok sa harapan niya.

Nag-angat ng ulo si Meredith na may maliit na ngiti sa mga labi. "You mean you don't know?"

Pinaningkitan ko siya. "Believe it or not, di kami nag-kukwentuhan ni Ninong tungkol sa mga love life namin habang nagpapa-manicure."

She giggled. "You don't know what you're missing."

Come to think of it, medyo disappointed ako sa sarili ko. Hindi dahil sa hindi pa ako nakakaranas ng manicure pero dahil ngayon ko lang na-realize na hindi ko lubos na kilala si Ninong Ernest. At bukod kay Kuya Lex, si Ninong ang isa sa mga pinakamahal ko sa buhay.

"Magkaibigan sila Tito Ernest at Tita Vera n'ung college kaya yata hindi siya niligawan ni Tito Ernest. Ang nanligaw sa kanya ay si Tito Robert, 'yung napangasawa niya. Nagpakatorpe kasi si Tito Ernest eh."

"Whoa." Ang dami ko palang hindi alam.

Tumango si Meredith.

"Sabi ni Tita, ang sabi raw ni Tito Ernest, siya ang dahilan kung bakit sa kompanya namin nag-OJT, and eventually nagtrabaho si Tito Ernest imbis na para sa mga Montesines. Para raw maging close pa rin sila kahit may asawa na si Tita. Though never naman siya gumawa ng paraan na agawin si Tita."

Nakanaman. Tumawa ako. "Eh, okay naman pala 'tong si Ninong Ernest eh. Sarap ihanay sa Luneta katabi ni Rizal." Tumawa si Meredith. "What happened to her husband?"

"He passed away about seven years ago from cancer."

"Oh, I'm sorry."

"He was a wonderful man. Mabait, and he loved Tita Vera very much."

"They never had kids?"

Umiling si Mere.

"At hindi pinormahan ni Ninong si Tita Vera after n'un?"

"I don't really know. Actually, kasi hindi naman nagbago ang trato nila sa isa't isa eh so hindi ko alam kung kailan nagsimula 'yung 'something special' nila."

"Martir talaga."

Si Meredith naman ang naniko. "Ang sweet kaya. Hindi ka ba nangarap ever na may isang taong magmamahal sa 'yo nang gan'un katindi?"

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon