9

152 11 1
                                    

Natapos na ang competition at nag-alisan na rin ang mga estudyante, samantalang kaming mag-aaral ng school na ito ay naiwan para magtungo sa mga klase nila.

Nag-2nd place si Hans, gulat nga ako at biglang inakap ni Teresa si Hans. I don't know pero siguro siya nga ang tinutukoy ni Hans. Bakit ba ako nagtataka? Nagtatanong? Nangangamba? Ewan ko ba. Parang lately puro katanungan na lang ang nasa isip ko at wala na akong mahanap na sagot.

Tinutulungan ko 'yong iba na mag-ayos backstage katulad ng mga monoblocks at kung ano ang nakalagay sa bawat table.

"Love?" Bigla kong nilingon kung sino tumawag sa akin.

"Uy, Alvin. Ano ginagawa mo rito? Tapos na practice niyo?" Habang nililinis ko 'yung table.

"Yap. Pretty much." Ngiti nito sa akin.

Gosh! Compliment from Alvin? Bigla akong napangiti nang patago.

Bigla siyang umupo sa isang monoblocks beside sa table ng nililinisan ko. Pinagmamasdan niya 'yong mukha ko.

Wait, Alvin. I'm not ready. Ay hahaha joke.

"Wala bang nanggulo sa'yo kanina?" Tanong nito.

"Wala naman." Tumingin ako sa kaniya. "Sino ba 'yon? Do you them?" Tanong ko.

"Hindi. Buti na lang hindi ka nila ginalaw." Ngiti nito sa akin. "Uhmm...Would you want to have a din-" biglang nahinto magsalita si Alvin.

"HOY! Ano 'yan!" Dahil biglang sumulpot si Hans.

Nakakainis naman, lagi na lang sumasapaw.

"Yes, Alvin. Dinner tayo later." Sagot ko kay Alvin kahit hindi niya nakumpleto ang sinabi niya, sabay tingin ko nang masama kay Hans.

"Gara, kayo lang may dinner? Hindi niyo man lang ako aayain. Hello! 2nd place!" Habang pinagmamalaki ang kaniyang medal sa amin.

"Congratulations, Bro!" Sabay bro hug ni Alvin at upo ulit. Mukhang ayaw rin isama ni Alvin si Hans. Hahaha

"Ay? Pagbati lang? Walang libre." Tingin niyo sa akin.

At talagang pinagsisiksikan pa niya sarili niya sa dinner namin ni Alvin.

"Mukhang papatayin na ako ni Love sa tingin niya." He laughed because of my face na sobrang nakatingin sa kaniya nang masama.

Nakakainis kasi e!

"Ang cute pala magalit ni Love." Pansin ni Alvin.

Ano ba? Naghahalo 'yong damdamin ko. Gusto kong mapatay si Hans sa oras na ito pero gusto ko magpakipot kay Alvin. Sulpot kasi nang sulpot si Hans e!

Biglang nanahimik si Hans at may tinignan sa cellphone niya.

"May manlilibre na pala sa akin." Sabay tingin nito sa akin.

"Talaga?" Saya pa ng mukha ko hahaha. "Go! Ayun naman pala e. Mayroon manlilibre sa'yo. Go ahead."

"Tsk! Batiin mo muna ako congratulations, bago ako umalis." Busangot ni Hans.

"Congratulations, Mr. Bautista." Habang tapik ako nang tapik sa kaniya with wide smile.

"Enjoy." Maikling tugon nito at umalis.

"So, let's go?" Tanong ni Alvin.

"Yeah, sure. Let's go." Ngiti ko sabay kuha ko nang bag ko sa kabilang side ng table.

Nagtungo kami sa isang magandang restaurant at mukhang mamahalin. Inalalayan ako ni Alvin na maupo. Wow! Gentleman. Shocks! Kilig.

"Sit comfortably, Ms. Aquino." Sabay upo sa kabilang chair. "What's your order ma'am." Biro nito kaya napatawa ako.

Love Me Till The End (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon