Pero noong may kumatok sa bahay nila ng tanghaling iyon. At si Tita Esme ay lumabas di ko alam ang gagawin ko.

                “May tao ba riyan?” tapos naisod ko yung upuan at nag-gawa ito ng kaunting ingay.

                “May tao nga. Hoy Esme, Samuel, Ivy… buksan niyo ito.” Sigaw pa ng isang boses babae, sa pakiwari ko matanda na itong babaeng nasa labas. Dahan-dahan akong naglakad at kailangan wala akong magawang ingay sa pag-lalakad na gagawin ko.

                “Hoy ikaw… nakikita kita.” Napahinto ako sa paglalakad ko.

                “Hoy… bingi ka ba? Nakikita nga sabi kita. Nakasilip na ako ngayon sa bintana. Buksan mo itong pintuan,” di parin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko.

                “Anak ng… bubuksan mo to o tatawag ako ng pulis?” kaagad na akong humarap at lumapit sa pintuan upang buksan ito. Tama nga ang hinala ko, isang matandang babae nga ang nasa aking harapan ngayon. Nakatitig lang siya sa akin ng minutong iyon.

                “Sino…” napahinto siya sa pagsasalita noong bigla nalang sumulpot ang mga pulis sa likuran niya at pumasok sa loob ng bahay. Hinawakan nila ang dalawa kong mga kamay at saka naman pumasok si Chief officer Julio.

                “Anong ginagawa niyo sa apo ko?” biglang sabi ng matanda kay Chief.

                “Apo niyo?” pagtatakang tanong ni Julio kay Lola.

                “Hindi ka pa naman matanda hijo hindi ba?”

                “Kriminal siya…” pagbibintang pa sa akin nito, tumingin ako sa matanda at iniling ko ang ulo ko.

                “Bibitawan niyo ba siya o tatawag ako ng pulis?” doon na tumawa ng malakas si Julio at kasama nitong tumawa ang mga alagad niyang pulis.

                “Lola. Bulag ho ba kayo? Mga pulis ho kami. At ang ginagawa ng mga pulis, hinuhuli ang mga masasamang tao. Katulad niya,”

                “Di nga kasi ako masamang tao,” giit ko pa sa kanila. Hinarap ako ni Julio at sinikmurahan ako nito. Hinampas naman siya ni Lola dahil sa ginawa niya sa akin.

                “Wag mong sasaktan ang apo ko.” Sabi pa niya kay Julio.

                “Apo? Kanino ba siyang anak? Kay Esme? E diba si…” doon na biglang sumulpot si Tita Esme.

                “Anak ko siya Julio. Anak ko si Ebong,” lumapit ito sa akin at inagaw ako doon sa mga pulis na humila sa akin kanina.

                “Gawin mo kung anong gusto mo, magkita nalang tayo sa husgado.” Ngumisi lang si Julio kay Tita Esme.

                “Pwedeng magtanong?” hinarap ni Tita Esme si Julio.

                “Kanino mo siyang anak? Kay Samuel…”

                “Hindi.” Giit pa ni Tita Esme.

                “Anak ko siya sa dati kong kasintahan na iniwan ako. Okay na ba?”

                “Okay. pero maaari ba namin kayong maimbitahan sa pulis station?”

                “Pupunta kami, wag kayong mag-alala.” Doon na sumibat ang mga alipores ni Julio sa loob ng bahay.

******

                “Ano ba kasi ang nangyari?” inis na tanong ni Lola Perseveranda. O mas kilala na ina ni Tita Esme na si Lola Percing. Ang sama parin ng titig sa akin ni Lola Percing ng minutong iyon.

               

                “Ang hirap kasing ipaliwanag Nay,” si Tita Esme na parang nananakit ang litid nito ng minutong iyon.

               

                “Alam rin ba ito ni Samuel?” tumango lang si Tita Esme.

                “Jusmiyo. Anong gagawin niyo sa binatang iyan?”

                “Wala pa kaming magawa. Di pa namin siya maibalik-balik sa panahon niya kasi…” biglang lumapit si Lola Percing sa akin at hinawakan ang mukha ko, pakiramdam ko lumutang ang katawan ko sa ginawang iyon ni Lola Percing at nanghina ang buo kong katawan, unti-unting nandilim ang paningin ko hanggang sa wala na akong makitang liwanag.

PORTALWhere stories live. Discover now