Chapter 46

1.2K 49 12
                                    

Chapter 46: Pull

“Ariane, can you give this to your Tita Angelyn?” ani Mama sabay lahad ng isang kahon sa akin.

“Ano ’to, Ma?” nagtataka kong tanong.

“Hindi ko alam basta gamit niya ’yan. Nagkita kami noong isang araw tapos naiwan niya at sinabing ipahatid ko na lang daw sa ’yo.” Saka siya nag-iwas ng tingin.

Tiningnan ko ulit ang box at inalog iyon saglit. Magaan lang at tila walang laman, gusto ko man buksan ay naka-tape na.

“Bakit ako, Ma? Si Kuya?” Siyempre, sino ang hindi tatanggi, e, mama iyon ni Jace tapos... paano kapag nagkita kami? Nakakahiya pa naman noong last naming pagkikita!

“Busy ang kuya mo. Bakit hindi na lang ikaw, tutal wala ka namang gagawin, ah?” Nangapa siya ng sasabihin pero kalaunan ay humawak sa tiyan at uminda. “Saka... sumasakit ang tiyan ko!”

Kaagad akong nataranta na lumapit at hinawakan ang tiyan niya.

“Okay ka lang, Ma? Papa-check-up ba tayo?”

“No, okay lang ako. Basta ihatid mo ’yan kay Angelyn, Ariane!” Pinikit niya pa ang isang mata.

“Opo, opo! Sure ka ba na okay ka lang?”

“Magbihis ka na at baka hindi mo siya maabutan doon sa bahay nila aalis pa naman ’yon!” aniya, ignoring my question.

“Aalis naman pala siya... e, ’di bukas na lang po?”

Nagkasalubong ang kilay niya nang binalingan ako. “What?! Hindi puwede, anak! Dalian mo na dahil importante iyan!”

Bumuntonghininga ako. “Fine.”

Naligo ako at nagbihis ng itim na chiffon dress, medyo humaba na ang aking buhok kaya itinali ko ng pa-bun bago lumabas.

Dala-dala ko ang kahon na kasing laki ng sa sapatos na ang gaan-gaan talaga na tila walang laman.

Napaismid ako.

“Ma! Alis na ako —saan ka pupunta?”

Naabutan ko si Mama na pasayaw-sayaw sa baba at ngayon ay naka-dress na. Huminto siya at kinawayan ako.

“Dito lang. Bakit bawal na ba akong magbihis nang maganda?”

Umiling ako. “Hindi naman. Aalis na ako, Ma. Take care.” Hinalikan ko ang kaniyang pisngi bago lumisan.

“Good luck!” Dinig kong pahabol niya.

Huminto ako sa harap ng malaking gate nang makarating ako sa subdivision kung saan nakatira sina Sam. Bababa na sana ako nang may lumapit na matanda sa akin. Ibinaba ko ang bintana ng driver’s seat para makausap ito nang maayos.

“Hija, ang bilin ni Angelyn ay kapag nakarating kayo ay pumasok kayo sa loob ng bahay.”

Nangunot ang aking noo. “Ah, Manang, saglit lang po kasi ako —”

“Pasensiya na ngunit iyon ang bilin,” sabi niya at umalis na.

Bumuga ako ng hangin. “Fine.”

Hawak ang kahon ay iginiya niya ako sa bukana, at nang nakapasok na ako ay kaagad akong sinalubong ni Tita Lyn ng yakap.

“Oh, my goodness! You’re here, finally! Akala ko ay hindi ka na bibisita rito, Ariane!” pahisteryang saad niya.

Kinain tuloy ako ng guilt, noong mga nakaraang linggo kasi ay ilang beses akong inimbitahan ni Tita Lyn kaso ay nahihiya ako at iniiwasan ko rin na makita si Jace ulit.

Meet Me In Clark High (Reistre Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang