Chapter 44

1.2K 46 17
                                    

Chapter 44: Focus

“Let’s end this here, Jace. I’m breaking up with you,” pinal na pahayag ko.

Saglit na umawang ang labi niya. Nang maproseso ang sinabi ko ay napasinghap siya at namumula ang matang tiningnan ako.

“No, you just can’t decide! Please, hear me out first...” Sinubukan niya ulit akong lapitan ngunit umatras ako kaya huminto na rin siya kalaunan.

“Ayaw kong binabagabag ako tuwing natutulog. Tapusin na natin ’to rito lahat.”

Namumula pa rin ang kaniyang mga mata. “I’ll give you time and space, just please don’t give up on me yet,” aniya sa nanginginig na boses.

I gasped and looked away. Seeing him like this hurts, but me being miserable hurts more. And right at this moment, I am clearly choosing myself over anything else... over anyone including him. Nakakapagod na ako sa lahat. These struggles are making me drained and stressed, so I can’t think straight. Basta ang gusto ko na lamang ay mapag-isa... iyong walang iniisip.

I wholeheartedly slapped him. Inaalala ko pa lang lahat ng paglilihim niya ay nagngingitngit na ako sa galit.

“You jerk. Marami kang oras para magpaliwanag, para sabihin sa akin pero pinili mong ilihim! Tapos ano? Kapag nahuli ka, sorry? Sorry na lang? Kasi nahuli ka na! I can’t believe you!” galit na galit kong sigaw

“We’re not doing anything wrong, please.”

I scoffed. “Pasampal nga ulit ako!” At walang oras na sinayang nang mabilis na dumapo ulit ang palad ko sa kabilang pisngi niya naman.

“Iyan lang ba ang kaya mong sabihin, ha?” Hinampas ko ang dibdib niya. “I thought once you enter into a relationship...” Nagbaba ako ng tingin, suminghap. “There will be no secrets... inaasahan kong walang maglilihim sa ating dalawa... na kung may problema man ay puwede nating sandalan ang isa’t isa...” Umiling-iling ako. “But I was wrong all along... relationship doesn’t always work like that... and we proved one.”

“I was ready to tell you, babe... but I was buying time to gather strength to tell you...”

I gritted my teeth. “Kakabili mo ng oras na ’yan, nahuli ka na! At sige nga! Kung hindi ba kita nahuli sa party na iyon, sasabihin mo pa rin ba ngayon? I bet no! Sige nga, kailan mo balak sabihin? Kapag nasa kabilang buhay na ako?”

“N-No... don’t say that. I am sorry...”

Napailing na lamang ako. “Nakakaumay marinig iyang sorry mo! Wala bang sincere riyan?”

“I am sincerely sorry,” sagot naman niya.

Napabuntonghininga ako. “Nakakapagod ka! Hindi talaga kita makuha! Tingnan mo nga, ikaw na ang may atraso, ikaw pa ang pinuntahan ko rito tapos madadatnan ko pang magkasama kayo, ha? Ano, nag-celebrate pa kayo ng hatinggabi? Hanep ka talaga!”

Tuluyan niya nang nahuli ang aking kamay at iginiya iyon sa kaniyang dibdib. “I’m not cheating on you, I was helping her because she asked me favor. Natakot ako na baka mali ang isipin mo kaya hindi ko muna sinabi —”

Lumayo ako sa kaniya. “Really? Natatakot ka? Bakit? Kasi may tinatago ka sa ’kin! Hindi mo naman kailangang matakot kung wala ka namang ginawang masama! Kilala mo ba talaga ako, Jace?!” Halos manakit ang lalamunan ko kakasigaw.

Alam kong alam niya na hindi ako magagalit nang basta-basta, nakikinig ako sa mga paliwanag, pero ito? Hindi... I’ve had enough and I just want this one to come to its end.

Lahat iyon tiniis ko, hinintay ko siyang magpaliwanag tapos ngayong malinaw sa akin na magkasama silang dalawa rito na naman!

“Maraming oras, Jace Bryan! Paulit-ulit kong sinasabi na marami kang oras! Puwede kang magpaliwanag, Jace... pero ni kahit subok ay hindi mo ginawa, I cried myself out these few days, thinking of you... ano ba ang dahilan? You’re hurting me, Jace. Nakakapagod ka... hindi ako malakas kaya ayaw ko na... ayaw ko na muna. I just want this to end, please. Let me go, I want to feel free...”

Meet Me In Clark High (Reistre Series #1)Where stories live. Discover now