Chapter 5

384 16 2
                                    

CHAPTER 5

>Riyumi's Point of View<

"Anak, Kakarating mo pa nga lang aalis kana agad?" Medyo nagtatampong tanong ni mama.

"Ma, alam mo namang kailangan diba? Dagdag na rin toh sa gastusin natin dito sa bahay. Gusto ko pong tumulong sainyo." Mapait naman siyang ngumiti.

"Pero hinde mo na naman kailangang tumulong saakin anak. Pag butihan mo nalang ang pag aaral mo at ako na ang bahala sa lahat." umiling iling ako.

"Alam nyo naman po'ng ayaw kong walang ginagawa diba? at talagang gusto kong tumolong sa mga gastosin dito sa bahay. Ayaw ko po'ng kayo palagi. Gusto ko po'ng hinde kayo masyadong napapagod. Mahal po kita ma." niyakap nalang niya ako ng mahigpit.

"Asus!!!!! O sige na. basta wag magpa gabi ha? uwi ka ng maaga." tumango naman ako at hinalikan siya sa pisnge saka nagpaalam na.

Paglabas ko ng bahay. Dumaan muna ako sa Tindahan ni Aleng Lucil. Bibili ako ng band aid. Nagkasugat kasi yung tuhod ko eh. Sa pagkaka dapa ko ito kahapon.

"Ay! ayan na naman ang malandi!" pambungad agad ng bakla kong kapit bahay habang naka upo sa upuan sa may labas ng tindahan.

Meydo kalayuan panga lang ako pero rinig ko nang sinabi niya.

"Napaka Ipokrita! Feeling maganda!" dugtong ni Jenny sabay irap sakin.

"Aleng Lucil, may band aid po kayo?" diritso kong tanong sa tindera. hinde ko nalang pinansin yung dalawa sa gilid ko.

"Ay. Hinde nagalit? Ganun?! pati ba naman dito mag babalat kayo siya? halata namang nag babait baitan lang yan eh!" bulong nung bakla kay Jenny.

"Oo nga! sarap sabunotan!" may pagka irita ding bulong ni Jenny sakanya.

Yung totoo? nag bubulong bulongan ba talaga sila? eh rinig ko naman eh!

"Oh ito Zule oh. wag mo nalang bayaran! free para sayo. Ang ganda mo talagang bata ka!" saka inabot niya yung pisnge ko at kinurot ng mahina. Tumawa naman ako.

The Gangster's Wish( under editing do not read)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon