11

46K 1.1K 59
                                    

NAGTATAKANG inilabas ni Autumn ang isang tangkay ng pulang rosas na nasa loob ng locker niya. Wala namang note kung kanino galing, pero ang mas ipinagtataka niya ay kung paano nabuksan ng nagbigay ng rosas na iyon ang locker niya. Pagkatapos niya makuha ang mga libro na gagamitin niya, isinara na niya ang locker niya. She mentally noted na kailangan na niyang bumili ng bagong lock.

"Hi!"

Autumn startled when a guy came out from her back out of nowhere. Nakangiti ito sa kanya at base sa uniform nitong suot, business management din ang course nito.

"Who are you?" nakataas ang kilay na tanong niya dito. Hindi niya tuloy maiwasang magtaray, ang ayaw niya kasi sa lahat, yung ginugulat siya.

"I'm Michael Flores, fourth year student ako, same course as yours. Ako yung makaka partner mo para sa pageant sa Mr. and Ms. LCU."

"So?"

"Gusto lang kitang makilala, matagal na kasi kitang nakikita kapag dumadaan kayo ng friends mo sa tapat ng room namin, nahihiya lang ako maunang mag-approach sayo." he said while blushing.

"Tell me, do you have crush on me?" diretsahan na niyang tanong sa lalaki. Mas lalo naman itong namula saka nag-iwas ng tingin. Natunaw tuloy bigla ang pagkainis niya dito. He's so cute!

"H-ha? I'm... yeah, y-you can say that..."

"Sa iyo rin ba galing itong rose na ito na nasa loob ng locker ko?" tanong pa niya, dahan-dahan naman itong tumango.

"I'm sorry about picking to your lock."

Autumn sighed at tinapik ito sa balikat.

"Okay Michael, honestly, hindi ko nagustuhan ang pagbubukas mo ng locker ko just to put this rose inside, dahil diyan, mukhang kakailanganin ko na magpalit ng bagong lock. And I'm glad that I met you too, but if you want to court me sorry, because I don't entertain some suitors."

Mas mabuti na rin yung tinapat niya ito hangga't maaga. Ayaw naman niyang magpaasa. Laglag naman ang mga balikat nito at napilitang ngumiti sa kanya.

"I understand."

"Thank you, Michael. But we can still be friends, if that's okay with you?" ani Autumn sabay lahad ng kamay niya.

His eyes twinkled at masaya nitong hinawakan ang kamay niya.

"Thank you, Autumn! I'm sorry ulit about your locker, I hope you don't find me creep because of that."

"Sus, wala yun. Just don't do it again, okay?" nagpresinta na ang lalaki na ihatid siya sa classroom nila for her next subject, hindi na naman siya tumanggi dahil medyo mabigat ang mga libro na dala niya.

Michael is nice and cool. Kalog din ang lalaki kaya masarap kausap. Hindi nga niya namalayan na malapit na sila sa room niya.

"Excuse me." parang nanlamig si Autumn nang makita si Pollux na nasa likod nila. His cold stares was like piercing to them, tila nag-aakusa rin ang mga mata nito nang sandaling dumako ang tingin nito sa mga mata niya, even if his face remain stoic.

"Go to your classroom now Mr. Flores, my class will start in a minute." malamig nitong saad bago ito dumaan sa gitna nila ni Michael.

"Grabe, nakakatakot talaga si Dean Pollux 'noh?" bulong sa kanya ni Michael habang nakatanaw sila sa papalayong bulto ng lalaki.

"Is he your professor?"

"Yeah. Professor namin siya sa Law on Business Organization." saktong nakarating na siya sa room niya nang mag vibrate ang cellphone niya. A new message arrived.

SingularityWhere stories live. Discover now