9

45.3K 1.1K 52
                                    

SABAY na napatili sina Dani at France habang si Autumn ay malakas na napasinghap nang bumuhos sa buong katawan niya ang isang balde ng sobrang lamig na tubig pagkabukas niya ng locker niya. Humahagalpak naman na tumawa si Peachy kasama ang ilang alipores nito habang nakatutok ang cellphone sa kanya. She's like taking a video of her.

"That was so epic! Have you seen her reaction?" maarteng saad ni Peachy sa mga estudyanteng nakakita sa nangyari.

Susugurin naman dapat ito ni France kung hindi lang nila napigilan ni Dani ang magkabilang braso nito. Hindi naman iyon ang unang beses na ipinahiya siya ni Peachy, hindi lang niya pinapatulan dahil ayaw niya gumawa ng malaking gulo. At iisa lang dahilan ng ikinagagalit nito sa kanya, si Brix. Hindi na raw kasi ito binalikan ng lalaki dahil sa kanya which is not true.

Yes, Brix tried to court her but she already turned him down. They're both cool. Naging kaibigan na rin niya ang lalaki kaya nai- kwento nito sa kanila ang totoong dahilan kung bakit nakipaghiwalay ito kay Peachy. Napaka immature naman kasi ng ugali ng babae, no wonder, hindi na nakipagbalikan dito si Brix. Good for him, he dodge a bullet.

"Hoy bruhang feeling blonde! Ikaw ang may pakana nito 'noh?" gigil na asik ni France sa mga babae. Peachy smirked at her, nakataas pa ang fake eyebrow nito sa kanila.

"That's a strong accusation, France. Bakit? nakita mo bang ako mismo ang nag set-up ng trap na iyan para sa maharot na babaeng iyan?" Peachy said with her mocking tone.

Inangilan ito ni France at akma uling susugod pero mahigpit niyang hinawakan ang babae. "That's enough, France. Don't stoop down to her level, huwag mo na tayo pumatol sa mga childish acts ng ibang tao."

"What did you say bítch? Did you just called me a childish?" Triggered na saad ni Peachy sa kanya.

Autumn plastered her sarcastic smile to Peachy. Mas lalo siyang napangiti nang mukhang napikon ito sa sinabi niya.

"Oops, I'm so sorry Peachy. Natamaan ka ba?" hindi niya napaghandaan ang sunod nitong ginawa, sinugod siya nito saka siya biglang pinagsasampal at sinabunutan.

Dahil hindi siya makaganti, si France na ang umatake kay Peachy habang pilit silang inaawat ni Dani.

"Damn you bitch! Napakalandi mo! Stay away from Brix because he's mine!" sigaw ni Peachy habang nakadagan ito sa kanya.

"Peachy! Get off on Autumn! You're hurting her!"

Nakita rin ni Autumn si Brix na kadarating lang, pilit nitong hinihila ang babaeng blondita paalis sa ibabaw niya.

"That's enough!"

Isang sigaw ang nagpatigil sa away nila. Halos mamutla naman si Peachy nang makita si Pollux kasunod ang ilang professors ng university. "Go to my office, now!" malamig na saad nito sa kanila bago tumalikod.

Tinulak ni France si Peachy paalis sa ibabaw niya saka siya tinulungan makatayo ni Brix. "Are you alright, Autumn?" nag-aalalang tanong ng lalaki sa kanya. Tumango na lang siya kay Brix. Hinubad naman nito ang suot na varsity jacket at ipinatong iyon sa balikat niya. "Use that para hindi ka lamigin."

Hindi na siya umarte sa jacket na ipinahiram ni Brix, Bumakat na rin kasi ang brassiere niya sa puting blouse niya. Kulay black pa naman iyon kaya halatang-halata.

"Ayos ka lang ba talaga? gusto mo ba munang dumaan sa clinic?" tanong naman ni Dani. Pilit siyang ngumiti sa kaibigan.

"Mamaya na lang. Let's go to Mr. La Croix office para matapos na ito." ani niya. Sumama na rin si Brix sa kanila.

Nang makarating sila sa office ni Pollux, pinaupo sila nito sa mga upuan na nasa harap ng mesa nito.

"Can someone explain to me what happened a while ago? who started the cat-fight?" panimula ni Pollux.

SingularityWhere stories live. Discover now