Our First and Last

11 3 7
                                    

"Bakit di kayo nagpapansinan ni Mav?" tanong ni Angie habang nananalamin dito sa loob ng cr. Mula dito ay tanaw namin ang boyfriend kong si Mavi kasama ang barkada nya.

"Magka-away kami" sagot ko ng hindi lumilingon. Tuloy lang ako sa pagtanaw kay Mav na nasa basketball court.

"Nanaman? Lagi nalang kayong nag-aaway ha" aniya saka lumapit sakin. Nginitian ko nalang sya ng pilit.

"Wala yon, misunderstanding lang" sagot ko. Totoong napapadalas na ang away namin. Hindi na katulad ng dati na aayusin nya muna kami bago matulog. Sabi nya kasi di sya makakatulog hangga't masama ang loob ko. Pero ibang iba na ngayon, pati sya.

Di pa rin ako susuko dahil umaasa akong babalik yung dating kami.

"Nako yari sakin yang Mav na yan! Tignan mo nakakatawa pa habang ikaw lugmok na lugmok dyan!" aniya saka pumunta sa kinaroroonan nila Mav.

"Hoy Angie sandali wag na!" sigaw ko pero di nya ko pinansin. Tuloy lang sya sa paglakad ng mabilis patungo sa kinaroroonan nila Mav. Napatampal nalang ako sa aking noo. Anong nang gagawin ko?! Baka lalo kaming hindi magkaayos nito!

Nakita kong kinakausap na ni Angie si Mav saka biglang tumuro sa kinaroroonan ko. Napapikit nalang ako. Nakakahiya.

Maya-maya'y hatak na ni Angie si Mav palapit sakin.

"Oh ayan mag-usap kayong dalawa! Hindi yung hinahayaan nyong magka-away kayo tss!" aniya saka umalis at iniwan kaming dalawa.

"Pasensya na sa ginawa ni Angie, kasalanan ko" sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya. Di ko kaya.

"Okay lang. May sasabihin ka daw. Tara sa garden" aniya saka nagsimulang maglakad. Napapikit nalang ako ng mariin saka siya sinundan. Wala naman akong sinabing ganon. Oo gusto kong makausap sya pero hindi ngayon. Hindi ko kaya. Baka.. baka umiyak lang ako sa harapan nya.

Huminto kami nang marating namin ang garden. Naramdaman kong nakatitig sya sakin kaya tumingin ako sa kanya. Sa totoo lang, marami akong gustong sabihin sa kanya, pero ni isa walang lumalabas sa bibig ko. Tinitigan ko lang sya sa mata at pilit na inaalala ang mga masasayang ala-ala naming dalawa.

Kagabi, balak na nyang makipag hiwalay sa akin pero hindi ako pumayag. Kahit masakit na yung relasyon namin, susubukan ko pa ring maging matatag dahil mahal ko sya. May isang bagay lang ang tumatakbo sa isip ko. Hindi ko alam kung tama bang itanong dahil natatakot ako sa maaaring isagot nya.

Hindi ko na namalayan kung ilang minuto na ba kaming nakatayo at nakatingin lang sa isa't-isa. Natauhan lang ako nang gumalaw sya at akmang aalis na kaya mabilis ko syang hinawakan sa braso saka nagsalita. It's now or never.

"H-hindi..hindi mo na ba ko m-mahal?" tanong ko sa kanya habang pinipigilan ang luhang gustong gusto ng pumatak. Ayokong isipin nya na nagpapaawa lang ako sa kanya.

Dahan-dahan nya kong hinarap. Unti unting nagkaroon ng emosyon ang muka nyang hindi kagaya kanina ay wala kang mababasa. Nakikita ko sa kanya ang lungkot at konsensya. Kung bakit? Hindi ko rin alam. Sumisikip ang dibdib ko, takot na takot sa maaaring sabihin nya.

"Hindi sa ganon Anne. Naguiguilty lang ako dahil pakiramdam ko wala akong kwentang boyfriend. Kung pansin mo..nawawalan na ako ng gana. Hindi ko alam" hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa ang sinagot nya. Malayo sa inaasahan kong oo at hindi. Ano bang ibig sabihin pag ganito? Hindi nya naman sinabing hindi, pero nasasaktan ako. Yumuko ako saka humikbi. Hindi ko na kayang pigilan.

"P-pakiusap.. w-wag hiwalay Mav. H-hindi ko kaya" iyak ko sa kanya. Hindi ko na alam kung paano pa magsisimula kapag nawala sya.

Naramdaman kong lumapit sya sa akin saka ako hinawakan sa magkabilang braso.

Our First and Last (One-Shot)Where stories live. Discover now