Did he just...

Well, he did.

Inalis na lang ni Kalisz sa isipan ang ginawa nito at hindi na lang pinansin. Nothing is wrong with it, right? People share glasses sometimes.

Dalawang beses itong nagsalin sa baso. Parang uhaw na uhaw ito. Matapos ay binalik na nito ang pitsel sa ref at hinugasan ang baso. Samantalang siya ay nakatayo pa rin doon at palihim na sinusundan lang ng tingin ang lalaki. Hindi alam ni Kalisz kung ano pa ginagawa niya doon.

"U-uhm salamat. G-good n-night." Nauutal niyang saad dito nang pumihit ito paharap sa kanya.

"Welcome." Tipid na sagot nito.

Tumalikod siya para bumalik ng silid niya. Alam niyang nakasunod sa kanya ang lalaki kaya hindi niya maiwasan ang init na nararamdaman dahil sa sobrang pagkailang.

Halos takbuhin niya na ang pabalik ng silid niya kung hindi lang nakasunod sa kanya ang lalaki. Hindi na rin niya ito nilingon. Her mind is focused on getting away from his sight.

Pagkapasok niya ng silid mabilis siyang dumapa sa kama at sumigaw.

"Aarghh! Nakakahiya!" Sigaw niya habang naka subsob ang mukha niya sa unan.

Iland sandali siyang nanatili sa pagkakasubsob bago naisipang tumayo at tinungo ang salamin. Tinitigan niya ang sarili. Pulang-pula ang pisngi niya.

"Ugh! Stupid self! You pretty much embarrassed yourself many times in less than twenty-four hours. Sa iisang lalaki!"

Kalisz quietly scolded herself. Tinampal tampal niya rin ang pisngi.

Bumuntong-hininga siya at bumalik sa kama at nahiga. Paano na? Paano niya ito kakaharapin bukas at sa susunod na araw?

Hinablot niya ang unan at itinakip iyon sa mukha niya.

Bahala na nga. Hindi na lang siya lalabas bukas. Hindi niya ata kayang makaharap bukas ang lalaki. Pakikiusapan niya na lang si Auri kung maaari eh, dito na lang ulit siya kumain sa silid niya.







KAHIT KULANG sa tulog at medyo masakit ang ulo ni Kronack ay tumayo siya at naligo para pumasok sa trabaho.

Ilang gabi ng hindi maayos ang tulog niya. Nagsimula iyon mula nung gabing nakita niya ang kaibigan ni Auri.

Mabilis na ipinilig ni Kronack ang ulo para alisin ang alaala ng gabing nakita niya si Kalisz. Baka paghinayaan niya ang sarili ay wala siya magawa kundi ang matulala. Tsk.

"Fuck!" Mahinang mura niya habang pababa ng hagdan at hinihilot ang sumasakit na sintido.

"Hey boss, good morning."

Narinig niyang bati ni Cyclone na natatawa habang nakaupo sa sala kasama sina Lust at Prius. Iniinis na naman siya ng gago. Alam nitong ayaw niyang tintatawag na boss at halata naman na walang maganda sa umaga niya.

"Fuck off, asshole. I'm not in the mood." Inis na sagot niya dito.

Nagtawanan lang ang tatlo.

"Tss."

Tinungo niya ang hapag para kumain. Alam niyang sumunod na rin ang tatlo.

"Lust what time are you going to transport the software to Russia?" Tanong niya kay Lust nang makaupo na sila sa hapag.

"Tonight, I have a flight to Russia. I'll be piloting a passenger plane from your brother Mir's operation in Doha to Frankfurt. From there, I'll take another plane to Moscow." Imporma nito.

"Who's with you?"

"Your twin's transporter, Kleeve. Wala daw kasi siya ginagawa kaya gusto sumama. But I think Ruckus ordered him something."

Kronack CrownOnde histórias criam vida. Descubra agora