10 - Jealousy Game

151 1 0
                                    

"Ate! Ate!"

Nagtaka ako ng malakas na kumatok sa pintuan ko si Deby.

Ano naman ba ang sadya ng batang to at nambubulabog?

"Ano?!" -masungit kong tanong nang mabuksan ko ang pinto kasam niya yong baklita.

Napahawak sila sa kanilang dibdib sa gulat.

"Bad mood atey?" - Carlos.

"Buti na lang nawarningan na kami ni ate Ja na kanina ka pa daw wala sa mood."

Well, totoo yon.

Eh kasi naman... mukhang iniiwasan at di ako pinapansin ni Zyke! Mas lumala yata ngayon kaysa kahapon!

Kanina nakasalubong ko siya ng ilang ulit pero nilalampasan ako at dinedma, ni di lumilingon sakin.

Nagalit nga yata siya dahil sa usapan namin kagabi.

Mabilis na hinila ako ng dalawa pababa sa hagdan.

"Hep!Hep!" saway ko.

"Hurray!" - Carla

"Tumahimik kang bayot ka!" saway ko.

"Relax. Hmm, okay na yang suot mo te. Taralets!" - tukoy ni Carla sa suot kong gray racer back sando tucked in a white fitted track pants. Ni di pa nga ako nakakatali ng buhok.

"San niyo ba ako dadalhin?!" - inis kong tanong.

"Ate don tayo sa bahay namin.." - Deby.

Sumimangot ako.

"Anong gagawin ko don?"

"Kasi----ohmy... Da who is that girl na kausap ni Fafa Caver mi amor?" - nangingintrigang sabi ni Carla.

Agad na bumaling ako sa tinutukoy niya.

Isang matangkad na sopistikadang babae ang nakita ko na tinatampal ang braso ni Zyke habang kausap ito.

Nairita ako sa natanaw.

Patampal-tampal pa yong babae, halatang nanantsing lang!

"Ang sweet nilang tingnan! Kakainggit!"

Sinamaan ko ng tingin si Carla ng palihim bago kina hudas na si Zyke.

Ang sabihin niyo masakit sa mata!

Nagsmirk lang si Zyke at hinawakan yong kamay nong babaeng tinatampal ang braso niya.

Natawa lang yong babae.

Hmp! Ito namang hudas na to nagpapalandi naman! Sige landian kayo!

Bumikig ang lalamunan ko nang mahigpit na niyakap nong babae si Zyke at yong hudas naman ay gumanti ng yakap at tinap pa ang likod ng babae.

"Ay grabe yong yakap parang miss lang nila ang isa't-isa. Huhulaan ko kung di yan jowa, fling yan. Syems.. Ang swerte ni ate girl!"

Iniwas ko ang tingin ko nang maramdaman ang kirot sa nakita. Di ko yata matanggap yong sinabi ni Carla.

Pero di ba sabi ni Zyke wala siyang girlfriend? Nagsinungaling ba siya o baka nga mag-fling sila kasi kung titingnan parang ang tagal na nilang magkakakilala tas parang komportable sila sa isa't-isa.

"Ang ganda-ganda infairness ni Ate gurl!" - Carla

"Pang VS Angels, di ba?" Deby

Pinakatitigan ko yong babae.

Mas lalo akong nakaramdam ng paninikip sa loob ko sa sinabi nila Deby.

Matangkad siya halos hanggang panga ni Zyke ang height niya. Slim figure na mukhang pinatanned lang ang skin. Hanggang balikat ang red velvet colored hair nito. Meron siyang manipis na kilay, matangos na ilong, blue eyes, mataas at malantik ang pilik-mata, mapula at maganda ang hugis ng labi niya, at contoured ang cheeks. Western features ang meron siya, maybe she's a foreign blood too.

BEHIND the SHADOWS (R-18) [Completed]Where stories live. Discover now