2.2 - Mysterious

214 2 0
                                    

Ilang araw ng nandito ang kumag na banyagang yon. At kahit di ko siya gustong pansinin, nagkakataong minsan nagkakasalubong kami o nakakasabay ko siya sa kainan. Kainis ng kakapalan ng apog niya!

Lumabas ako ng veranda bandang alas cinco ng umaga. Oo early ako ngayon hehehe.

I uttered my prayer silently while bowing my head and closing my eyes with my palms press together.

After that,...

I greeted again in loud voice...

"GOOOD MOOORNIIIIIING WOOO-------------Aray!!!"

Napatigil ako nang may tumama sa ulo ko.

Syete! Ang sakit non ah! Ano yong tumama sakin.

"Ano yon?!!"

Tumingin ako sa nahulog na bagay na tumama sa head ko.

Huh? Isa itong medyo may kalakihang stand globe.

Sigurado akong sinadyang binato to!

"Sinong hay*p nagbato nitong lecheng globe na to?!!"
Galit kong tanong tsaka napatingin sa paligid pero tahimik.

Ah! alam ko na kung sino lang ang may posibilidad na gawin sakin to!

Agad akong napatingin sa kabilang veranda. Walang tao don pero bukas ang pinto ng veranda and I heard some movements inside that room.

Pinagtatawanan yata ako ng hudas!

Walang ibang may motibo kundi siya lang! Dahil wala pang katao-katao sa baba, tanging mga mangingisda lang na nasa pampang naman kaya imposibleng sila. Imposibleng gaking sa labas at sa baba!

Tsaka siya lang ang nasa malapit at may vernada!

Damuho talaga yang banyagang yan! Humanda ka!

.

.

.

.

.

.

.

Nandito ako sa hambana ng pinto ng kwarto ko nag-aabang sa damuhong yon na lumabas sa kwarto niya.

Hawak-hawak ko yong globe na tumama sakin kanina.

Humalukipkip ako nang bumukas ang pinto sa kabilang kwarto.

"Buti naman lumabas na ang hudas. Magtapat ka-----"- napatigil ako sa pagsasalita nang lumabas siya sa kwarto.

Sheez....

Napatitig ako sa kagwapuhan ng damuho.

Di pa rin ako nasasanay sa dating niya..

Amoy ko ang fresh natural scent, halatang bagong ligo dahil medyo mamasa-masa pa ang buhok nito.

Nakasuot lang ito ng long sleeve navy blue button tucked in a black chino pants paired with monk shoes and rolex watch.

His hair was brushed up.

He rock again his outfit with his looks and body... Nabigyang hustisya yong damit dahil sa pagdala niya... Sobra pa...

Fudge..
He is one of an exceptionally endangered drop-dead gorgeous man.

"Satisfied?"

Napakurap-kurap ako ng ilang beses when I heard him taunt at me.

Tumikhim ako at inirapan siya para maiwasan ang pagkapahiya.

Geez, titig pa more Liyanne!

"Mukha mo! Leche ka! Ano to?!" - galit kong tanong sa kanya at tinaas ang globe para ipakita sa kanya.

BEHIND the SHADOWS (R-18) [Completed]Where stories live. Discover now