2.1 Days with Him

267 2 0
                                    

2 araw nakalipas...

" Pater, bat 2 linggo kayo don ni Nay? eh alam nyo namang limitado lang ang bakasyon ko dito sa isla. Bat di ka nalang dito mag birthday Pater?"
Tanong ko sa kanilang dalawa na nakaimpake na.

Magbabakasyon kasi silang dalawa ng 2 linggo sa isang cruise ship daw at magkasama silang magsi-celebrate ng birthday ni Pater.

Inikot ako ng mata ni Pater bago pinisil ang ilong ko.

"Eh babalik naman kami dito. I'm just asking 2 weeks para masolo si Remylyn. Miss ko kaya to."

Nagyakapan pa sila sa harap ko.

"Hmm! Ang sabihin mo Pater you have 2 weeks para magbakasakaling malamanan mo tong si Nay. Baka tatlo na kayo pagbalik dito."-panunukso ko sa kanilang dalawa.

Namula ang mukha ni Nay Remy habang nagtawanan naman ang mga elders, ate jaja, at si Pater sa sinabi ko.

"Kaya pala todo jogging tong si Pareng Charles nong nakaraang araw, may balak pala. Kakayod pa pala!" - dagdag buska ni Tay Berto.

"I just feel pity for Dianne for being an only child. Kaya to nagiging weirdo, eh. Kaya, I wanna try to give her a sibling. HAHAHA!"

"Ay ganern? Lakas confident mo, Pater... Kakayanin pa po ba ng tuhod mo si Nay?" natatawa kong ganting biro.

Sinimangutan ako ni Pater.

"Aba tong batang to! Remy don't listen to her! Kayang-kaya pa kita! Papatunayan ko yan sayo for whole week!" - paliwanag niya kay Nay Remy na pinapalaki laki pa ang katawan tulad ng ginagawa ng mga wrestler.

Nakatanggap tuloy siya ng mataginting na batok kay Nay. Kaya nagtawanan kaming lahat.

"Umalis na nga tayo, dami mong satsat! Oh mga mare, pare, alis na kami...Anak, okay lang ba na ikaw na bahala dito? Mag-iingat kayo dito palagi, mahirap na, maraming masasamang loob ngayon."

"Opo Nay, keribels. Di ko pababayaan tong elders. I know self-defense tsaka kasama ko si ate jaja, so no worries po."

"Eh Dianne, mas mabuting ng lalong mag-ingat. Babae ka pa rin noh. Pano kung maraming magtangka na masasamang loob, di mo kakayanin mag-isa. Balita ko nga pumupunta ang mga sindikato ngayon sa di mataong lugar kaya wag kang lalabas-labas ng mag-isa!"

"Ay paranoid ka naman po masyado, Nay. Wag po kayong nega."

"Heh! Pasaway!"

"It's okay, I already ask a help to temporarily secured SHA with elders and to watch over Dianne. Darating mamaya."

"MIB ba, Pater?"

"MIB?"

"Men in Boxer po."

"Really? Is that really what it means?." nagtataka niyang tanong.

Natawa ako sa reaction niya nakakunot noo na parang nag-iisip pa ng malalim.

"Hahaha! Joke po yon! MIB as in Men in Black."

" Is that so? I thought it is Men in Briefs!" sabi niya sa seryosong tono pero ang mukha nakangisi.

Sabay-sabay kaming lahat napahagalpak ako ng tawa.

Hahaha! Iba rin tong magjoke si Pater! Lol!

Maya-maya matapos ang biruan ay umalis na nga ng tuluyan sila.

.

.

.

.

.

Dapit hapon na nang matapos kami ni ate jaja sa paglilinis-linis dito sa SHA.

Simula kaninang umaga nang umalis sila Nay Remy at Pater ay nabored ako kaya nag linis linis na lang ako kaya tinulungan naman ako ni Ate jaja.

BEHIND the SHADOWS (R-18) [Completed]Where stories live. Discover now