"Nababaliw ka na ba?" sigaw ni Leo.
(Groans)
Bang! Bang! Bang! Bigla muling kalampag ng pintuan dahil sa pagsigaw ni Leo
"Wag kang maingay!"
"Sorry", bulong niya.
Hindi dapat nila kami makita sa pagkakataong ito.Napaka delikado ng gagawin namin.
Oo pinaka importante ang manatiling buhay pero di namin kayang mabuhay sa ganitong sitwasyon ng walang pagkain at tubig.
Leo
Nababaliw na si Felix. Ang sabi nya sa akin staying alive is the most important pero yung plano nya isang malaking kabaliwan.
Pagpapakamatay ang pinakatamang salita para ipaliwanag yung plano nya.
Pupunta ng kwarto namin?! Holy fuck. Nasa kwarto nila kami ngayon at nasa 4th floor tapos yung dorm namin nasa 7th floor.
Kaylangan naming dumaan sa 5th at 6th floor bago makarating sa kwarto namin. Naisip nya ba yon?
Anong klaseng plano ang meron ka Felix? Plano nga ba yan? Sana lang gumana talaga ayoko pang mamatay.
Felix
(Groan)
Naririnig ko ang mga ungol ng mga infected. Pahina ito ng pahina. Natutulog din kaya sila?
"Felix, talaga bang kaylangan nating dumaan sa kanila?", biglang tanong ni Leo sa akin. "Pwede tayong mamatay".
"Leo ito ang tandaan mo, ngipin lang ang gamit nila para pumatay, hanga't hindi tayo nakakagat magiging ayos lang tayo", paliwanag ko.
"Hindi ko kaya Felix, nakatakas nako sa kanila minsan at muntik pa akong mamatay ayoko nang bumalik", takot na paliwanag ni Leo.
"Anong gusto mo mamatay tayo dito?", tanong ko sa kanya.
Hindi sya sumagot tinakpan nya ang dalawa nyang tainga para sabihing wala syang pakialam sa mga sinasabi at sasabihin ko.
"Makinig ka kaylangan nating mabuhay sa loob ng maraming araw pero kaylangan natin ng pagkain at tubig dahil kung hindi mamamatay tayo paglipas ng tatlong araw", paliwanag ko sa kanya.
"Felix sorry natatakot lang ako", bulong ni Leo.
"Ako rin Leo natatakot din ako pero para mabuhay tayo kaylangan nating sumugal kaylangan nating subukan".
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang balikat nya."Hindi ko ito kayang gawin ng mag-isa, kaylangan ko ng tulong mo"
Unti unti nyang tinangal ang kanyang kamay sa kanyang tainga at tumingin sa akin.
"Sa tingin mo makakatulong ako?", tanong nya sa akin.
"Oo Leo"
"Fuck it!", rinig kong bulong ni Leo.
Kumuha ako ng isang lapis at papel sa bag ni Quin para gumawa ng isang plano.
Sinimulan kong isulat ang mga pasilyong dadaanan namin ni Leo.
"Ano yan?", tanong nya sa akin.
"Eto ang gagawin nating ruta", sagot ko.
Para makapunta kami sa kwarto nila kaylangan naming dumaan sa tatlong mahabang hallway at tatlong mga hagdan.
