Chapter 27

14.4K 605 40
                                    

Chapter 27

Proposal


Isang araw ay nakasalubong ko rin sa building ang Daddy ni Gio. Napatingin kami sa isa't isa. Lalagpasan na sana ako nito pero nangahas na ako. "Puwede po ba tayong mag-usap?"

Hindi pa ako umasang talaga na papayagan niya. Pero tumango siya at pinasunod ako sa kaniya.

"Mahal po kayo ni Gio. Para sa kaniya kayo pa rin po ang Daddy niya. Grateful pa rin siya sa pagpapalaking ginawa ninyo sa kaniya." sabi ko.

Nilingon ng matanda ang glass walls ng malaki rin nitong office na nagpapakita ng mga nagtataasang buildings din at ang magandang sikat ng araw sa labas. "Gio is stubborn." anito.

"Kayo po ang stubborn." nasabi ko.

Bumaling ito sa akin at napangisi. "You are also a stubborn woman." sabi nito sa akin.

Hindi na ako nagsalita.

Nagbuntong-hininga ito.

"Nirerespeto po kayo ni Gio. Sana kahit iyon nalang din ang maibalik ninyo sa kaniya. Kung hindi n'yo na po talaga siya matatanggap...at magawang mahalin. Deserve din naman po ni Gio ang respect ninyo." sabi ko.

Unti-unti siyang tumango at nanatili ang tingin sa akin. "Do you love him?" tanong nito.

Hindi ko pa inasahan iyon. "Matagal ko na pong mahal ang anak ninyo." sagot ko.

Tumango tango ito. "I know he will be happy with you."

"Mas magiging masaya po si Gio kapag tinanggap n'yo na rin siya." sabi ko.

"I have long accepted that kid. I won't give him my name and raise him if I don't." anito.

"Puwede po bang mas ipakita pa ninyo iyon kay Gio?"

"Don't you think you're demanding so much?"

"Pasensya na po," hingi ko ng paumanhin.

May ngiti sa mga labing umiling-iling ito. "When's the wedding?" tanong nito.

Sinabi ko sa kaniya ang napili na naming date ng kasal ni Gio.

Tumango siya. "Medyo matagal pa." komento nito.

"Hindi rin naman po kami nagmamadali ni Gio." sabi ko.

Muli siyang tumango. "I'll be there." aniya.

Napangiti na ako.

"Gio, nakausap ko ang Daddy mo." sabi ko sa kaniya nang pareho na kaming nakahiga sa kama.

Tumingin siya sa 'kin. "He talked to you?"

Tumango ako.

"What did he said?" tanong niyang nabahiran na ng pag-aalala.

Umiling naman ako. "Nag-usap lang kami. Tungkol sa 'yo, sinabi niyang a-attend daw siya ng wedding natin." ngiti ko.

Umawang pa ang labi ni Gio. "Really?"

Tumango ako. "Oo naman. Daddy mo pa rin siya. At kahit siguro hindi pa niya talagang pinapakita iyon ay alam niya rin sa sarili niya na anak ka niya." sabi ko. "Alam mo, Gio, siguro bukas ay mag-usap kayo. Wala ka rin masyadong appointment bukas. Ano sa tingin mo?"

Unti-unti siyang tumango tapos ay dinikit pa ako sa katawan niya at niyakap. Hinalikan din niya ako sa noo. Napangiti nalang ako sa yakap niya. "Thank you." aniya.

Pinikit ko na ang mga mata hanggang sa nakatulog nang gabing iyon.

Sa sumunod nga na araw ay nagkausap na sila Gio at ang Dad niya. Hinayaan ko lang muna silang dalawa. Nang natapos at nakabalik na sa akin si Gio, he looked lighter. Alam kong okay na rin sila ng Dad niya.

I know this is how important communication is. May mga nasisira dahil lamang sa kawalan ng tama o sapat na komunikasyon. Naniniwala akong kaya pang pag-usapan ang mga bagay bagay at isalba. At siyempre pag-iintindi rin. Minsan kailangan din nating intindihin ang isa para maging maayos tayo pareho. There are things that we cannot anymore change and the best solution to it is acceptance. May pagtanggap at pagpapatawad.

Hindi natin kailangang laging mabuhay sa pag-f-focus lamang sa mga bagay na hindi natin nagustuhan at hindi na rin natin mababago pa.

Kumain pa kami ni Gio sa restaurant ng dinner bago umuwi sa bahay. Syempre sa restaurant ni Jackson kami kumakain. Gusto ko rin ang mga pagkain doon. Sandali pa nga kaming nagkausap at nagkuwentuhan ni Sabrina na palagi lang din nandoon at nag-a-assist kay Jack. Ang cute din talaga ng dalawang iyon.

"Nagsasawa ka na ba sa mga luto ko?" biro ko pa sa kaniya nang pauwi na kami.

"What? No. It's still a long day for the both of us. I know you're tired, too. Ayaw ko lang na magluto ka pa pagdating natin sa bahay. I just want us to rest when we arrive home." aniya.

Ngumiti lang ako.

Parang may naalala akong ganito rin siya noon pa man. Minsan ay ayaw na niya akong ipaluto pa kaya kakain nalang kami sa labas para makapagpahinga na agad pagkauwi. Iniisip niya kasing napagod ako sa araw ko.

Isang araw ay tinawagan nalang kami ni Jack at nagpapatulong para sa pag-p-propose niya na rin ng kasal kay Sabrina. Walang kaalam alam si Sab sa pagpaplanong ginagawa namin. Sigurado akong masusurpresa siya at matutuwa.

Nang araw na iyon ay kaming dalawa ni Michaela ang bahala kay Sab. Nag-shopping kaming tatlo at nag-Spa. Habang sila Jack ay naghahanda na rin sa restaurant niya. Doon din ang punta talaga ni Sabrina pagkatapos namin.

"Medyo matagal pa ang napili naming date ng kasal ni Gio. Baka mauna pa kayo ni Daniel sa amin." sabi ko kay Mica habang nagpapa-massage kaming tatlo ni Sab.

"Hindi rin." aniya. "Mga next year pa rin kami ni Daniel. Sila Mommy at Tita kasi ang dami pang gusto para sa wedding. Halos sila na nga rin ang nagpaplano sa iba pang details. Okay lang din naman sa akin. Ang gusto ko lang ay makasal kami ni Daniel at makabuo na rin ng sarili naming pamilya."

Kaya nang dumating kami sa restaurant ay napaluha nalang si Sab nang nakita ang surprise sa kaniya ni Jack. Maya't maya niyang tinitingnan ang bigay nitong singsing sa kaniya at kita kong masaya talaga silang pareho. At masaya na rin ako para sa kanila.

Doon muli kami nagtipon ng mga kaibigan namin ni Gio at kumain na rin. Napuno kami ng congratulations para kay Jack at Sab, kuwentuhan at minsang tawanan.

"Gusto mo rin ba ang ganito?" tanong sa akin ni Gio sa tabi ko habang maingay ang mga kaibigan namin sa mesa.

Bumaling ako sa kaniya. "Ano?"

"Ganito...surprise wedding proposal." aniya.

Nakangiti akong napailing. Kaya pala parang kanina pa rin parang may iniisip ang lalaking ito. Ito pala iyon. "Ayos na sa akin iyong proposal mo, Gio." sabi ko sa kaniya. This bothered him, huh. "Hindi naman iyon ang mahalaga sa akin. Ang mahalaga ay magakasama na tayo ngayon at masaya. At ikakasal na rin tayo." sabi ko.

"Really?" aniya.

Tumango ako. "Oo nga." at hinalikan ko siya sa pisngi niya.

Ayos lang din naman talaga sa akin. Oo at nakakatuwa rin itong may ganitong surpresang proposal pero okay na rin iyong tahimik at kaming dalawa lang ni Gio. Walang pressure at tingin ko ay nakakapagdesisyon ng maayos.

The BachelorsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ