Chapter 29

22 4 0
                                    


Lucfred P.O.V

May nakapasok na kalaban sa aming kaharian. May naamoy akong mga tao.

Kinuha ko ang Trio Powers at itinutok sa araw upang dumilim. Sinasalakay kami sa kasagsagan ng sikat ng araw.

Nagkagulo na ang lahat sa loob at labas ng kaharian. Hindi maaring mangyari ito, napag alaman kung pinatakas ang lahat ng bihag.

Nasisiguro kong hindi sila magtatagumpay.

"Lucfred isa kang hangal na hari paano mo nagawa ang lahat ng ito?" sigaw ng isang lalaki

"Oh ang pipityuging hari nakatakas mula sa kanyang napakagandang bahay, hindi ka n asana lumabas pa. bahay mon a iyon."

Shiela P.O.V

Nasugatan ako dahil sa lintik na spell yan. Mukhang hind tumatalab ang kapangyarihang isinalin sa akin.

Kapangyarihan ng aba ito ng trio powers o nilinlang muli ako ni ama. Nakita kong tumatakbong palabas ang paboritong alipin ng hari. Ang isa sa mga kasama niya noon sa pag uusap.

"Saan ka naman pupunta?"

"ito hinahanap ka upang patayin, wala ka na rin silbi sa hari kaya napag utusan akong paslangin ka."

"Totoo ba? hindi ito ang kapangyarihan ng trio powers?"

"Isa lamang yang munting kapangyarihan ni Lucifred. Nalinlang ka ng iyong ama. Hindi niya itinuring na anak ang isang katulad niyo ni kyxel at ang kapangyarihan ang tunay nyang kasama at magpapasaya sa kanya. Hindi mo ba alam na ginagamit ka niya upang maisaktuparan ang minimithi niya. Pagkatapos ay magiging pataba ka na rin sa lupa gaya ng iyong ina"

"Pinatay niya si Ina"

"oo dahil hindi niya magawang paslangin ang hari ng brillian world kaya mas nanaisin na patayin ito. Gumawa siya ng paraan para mamuhay kayo ng may galit sa brillian world at sa mga tao. Pinaniwala kayong sila ang may kagagawan nito"

"Hindi yan totoo"

"Sige, paano mo maipapaliwanag ang kapangyarihan na meron ka ngayon, hindi niya rin maipapangako ang kaligtasan ng mahal mong si Zayn dahil kalaban ito. Papatayin niya rin ang mahal mo.. mag iibang anyo siya ng katulad at patayin si zufron upang mas matindi ang galit ni zayn nang sa ganun ay mawalan ng tiwala si zayn. Hindi niya nanaisin ang sakripisyo mo sa pagmahal sa kanya.."

Tinignan ko ng maiigi ang kapangyarihan.

Papanain niya na sana ako ng biglang kong itinapat sa ulo ang aking espada. Naputol ito at wala na akong magawa sa tindi ng galit at pagkapoot.

Nagawa kong lokohin si Zayn at mga kaibigan ko para sa sariling kapakanan. Tunay ngang wala akong puso dahil naipagkanulo ko ang sarili kong kaibigan na si lee ann.

Hindi ko magawang maipaglaban sa kanila. Ngayon wala na rin akong lakas.

Hindi..

Alam kong mamatay na rin ako dahil sa sugat na ito.

Maryland P.O.V

Blood shred, war,power, hatred ang namumuno sa kanila.

Mga binuhay na demonyo sa lupa upang maging tgapagsilbi.

Kabutihan laban sa kasamaan. Kapangyarihan laban sa kapayapaan.

Kinanta ko ang chant na pumasok sa aking isipan habang ako ay nakapikit. Hindi ko alam kung bakit nababasa ko.

Habang patuloy kong kinakanta nagiging malakas ang aking mga kasamahan para bang sumigla ang kanilang katawan.

Narinig ko pa ang isang boses na kumakanta. Maganda ito at nakasuot na pang reyna.

The Last Bloody Vampire (Completed)Where stories live. Discover now