Chapter 23

21 3 0
                                    


Lee ann P.O.V

" Zayn,Nasaan si ang Prince Kyxel? Hindi ko siya matagapuan."

"Halika sumama ka sa akin, nakita kung doon nagmumuni muni si Kyxel, pero batid kong may bumabagabag sa kanya." Nagmamadaling tugon nito

Hindi ko alam kung ba't ganito ang nararamdaman ko habang tinatahak namin ang madilim na kakahuyan sa gitna ng kagubatan.

Nilinga ko sa bawat paligid ngunit walang natamo ng bulto kyxel ang aking makita. Nang may biglang....

"Lee ann, tulungan mo ako, aaack aaaack" boses ni kyxel na nasasaktan

Dali dali namin pinuntahan ang pinagmulan ng boses ngunit.....

Isang malakas na pwersa ang tumama sa aking likuran dahilan ng pagkabagsak ko.

Napahiga ako sa sakit na nararamdaman.

"Oh masakit ba, lee ann? hindi pa kita maaring patayin ngayon sapagkat kakailanganin pa kita." Pamilyar na boses ang tumama sa aking tenga

Isang bulto ni Lucifred ang aking naananigan sa pagkurap ng aking mga mata.

"Hayop ka lucifred! Pagbabayaran mo ito. Isa kang demonyo. Nababagay ka sa impyerno" pag utal utal kong sagot

Nagbagong anyo siya at ginaya ang kilos at galaw ni zayn.

"Shhhhh.... Lee ann huwag mo ng sayangin ang natitira mong lakas. Pareho lang kayo ni prince Eckel na mahina. Kapag naisakatuparan na ang aking mga plano. Siya na naman ang isusunod ko. Bwahahahha"

"Anong binabalak mo sa kapangyarihan na makukuha mo? Pati sarili mong anak gagamitin mo sa. Ganid ka sa kapangyarihan."

"sa mga oras na ito, nasisiguro kong sinasalakay na ang inyong kaharian, paano nga ba pamumunuan ng isang katulad ang natatagong kaharian ito? Isa ka lang naman na mud blood. Isang tinik sa aking lalamunan."

Nakikita ko ang kanyang mga plano sa kanyang isipan at isang kahindik hindik na mangyayari sa kasalukuyan.

"demonyo....Demonyooo aaaccck" sinabuyan niya ako ng isang kemikal na pampatulog

Zayn P.O.V

"mahal na reyna. Napansin niyo po ba si lee ann? kanina ko pa siya hinahanap sa kanyang silid, ngunit hindi ko makita." Tanong ko sa kanya

"Hindi ba, kanina lamang ay kasama mo siya, palabas ng kastilyo." Nagtatakang tanong nito

"Kanina pa po kami ni ama na naghahanda sa mga kagamitan para sa digmaan." Sagot ko sa kanya

"Kung hindi ikaw ang kasama niya, Sino?" gulat na tanong nito

"Mahal na reyna habang nag lalakad ako sa isang kakahuyan, may napansin akong dalawang bulto ng tao. Kamukha mo iyon Zayn, Pinukpok mo ng isang kahoy ang batok ni lee ann. pero napansin ko na kakaiba ang iyong suot at nagbago ng anyo. Isang may kapa at korona ang aking nakita. Natakot ako kaya tumakbo na ako." sanaysay ng isang kawal

"Isang tao na nakakapa at may korona, hindi ako nagkakamali, Si lucifred ang tinutukoy mo" matamang sagot ng mahal na reyna

"Ibig sabihin may nangyayari ng masama kay lee ann, isa na ba itong hudyat ng isang malaking digmaan?" kinakabahan kong tanong

"Ihanda na ang mga kawal, nasisiguro kong lulusubin na tayo ng ating kalaban" utos nito sa akin

Ngunit may isang maangas na lalaki ang lumitaw sa aming harapan

"tsk, ano pang ihahanda mong kawal? lahat ng mga tao rito ay nabihag ko na. Ang mga bantay ay patay na. Ang libro nasaan na?"

"Ang prinsepe ng kadiliman, Bakit hindi mo ipahanap sa mga tauhan mo, kung nasaan?" mapaglarong tugon

The Last Bloody Vampire (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang