Chapter 27

22 3 0
                                    

Lorenza P.O.V

Nasa bench na kami ng main at pinagkukwentuhan ang pagkawala ng tatlo. Nasaan na kaya ang mga yun? Buhay pa kaya? Masasagot pa ba ang aming mga katanungan? Anong misteryo ang bumabalot sa kanila?

"Nasaan na ba ang leader niyo, si Prince Kyxel? Anong ginawa niya kay lee ann?" walang pakundangan na tinanong niya si Yeo Min

"Wala wala rin kaming alam sa biglang pagkawala ng tatlo, pati kami nag aalala na rin sa kanila"

Natigil ang lahat ng biglang sumulpot sina Zayn at Shiela.

"Anong ginagawa niyo rito,Shiela at naglakas loob ka pa talagang magpakita sa amin sa kabila ng pagtraydor mo sa grupo.."habang dinuro duro niya si Shiela

"Wala na tayong panahon, kung gusto niyo mabuhay si lee ann at ang inyong mundo kailangan niyong makipagtulungan sa amin" at kinuha na ang sasakyan papunta sa bahay ni Zayn

Habang nasa sasakyan ay hindi pa rin maiwasan ang pagtatanong.

"Si lee ann namatay at ang mundo wawasakin ng mga bampira.kagaya mo" na nakatitig si Maryland kay shiela

"Muntik mo na rin kaming makain nun hindi ba" sabi ni Isabel

Ang mga grupo ni Prince Kyxel ay nakikinig na lamang at unti unting umusod palayo sa kinaroroonan ni shiela.

"Alam kong inahas ko kayo dati ,,ginagawa ko lamang ito para hindi was akin ang mundo niyo at hindi magtagumpay si Ama" na nakatitig sa window at pinagmamasdan ang mga nalalampasan na tanawin.

Pagkarating sa bahay ni Zayn ay kinuha niya ang maaring magamit sa pagbuhay kay lee ann.

"Doon muna tayo sa bahay ni Prince Kyxel, nararamdaman kong may parating na panganib." Shiela

Agad namang pinaharurot ang sasakyan kaya wala pang 30 minuto ay nakarating na agad kami.

Pagkarating namin doon ay nakita namin na wasak wasak ang mga gamit sa harapan ng main ate, ang mga body guard ay nakahandusay at wala ng Malay, ang mga aso naman ay wala ng halos laman.

"Mas nakabubuti na dito na lamang kayo maghintay dahil hindi niyo alam kung sinong kinakalaban niyo. Hindi niyo pa sila kaya"babala ni shiela

Dalawa sila ni Zayn ang pumasok sa loob.

Zayn P.O.V

Habang dinadaanan namin ang mga wala ng buhay na bodyguard ay agad naman naming tinungo ang loob ng bahay.

Nakatutok ang mga espada at baril sa nakaposas na pamilya ni Kyxel.

Magaling sa pakikipaglaban si shiela kaya naman naunahan niya na agad ang mga bampira sa pagtama ng baril at sa talim ng espada.

Tinungo ko naman ang kinaroroonan ng pamilya at tinanggal ang pagkakatali sa kanila.

"Dito tayo dumaan, dahan dahan lamang"

Isang minuto lamang natalo ni Shiela ang ipinadala ni haring lucifred.

"Anong nangyayari? Bakit may ganung nilalang sa ating mundo?" takang tanong ng mama ni Kyxel

"malalaman rin ni lucifred kung sino ang tumulong at nagpatakas sa kanila kaya Mabuti ng bilisan natin ang pagkilos." Shiela

Ipinaliwanag ko naman ng buo sa pamilya ni Kyxel. Doon napagtanto na isng bampira ang batang inalagaan nila.

"Kailangan po ng tulong ni Kyxel ngayon kaya sana ay makiisa kayo sa pagliligtas sa kanya at sa inyong mundo."

Walang pakundangan na binasa ni Maryland ang nasa loob ng libro. Bihira lamang sa mga tao ang makakakita ng sinasabi nito.

The Last Bloody Vampire (Completed)Where stories live. Discover now