Kabanata I:

9 1 20
                                    

Last book of the Tetralogy, heavily dedicated to each of my best friends, as the main leads of each book.

Warning: Includes swear words.

Kabanata I: Eros

Sumipsip ako, lasap na lasap ang katas.

Katas ng day off, pati ng malamig na chocolate frappe.

"Bukas diretso trabaho na naman..." Sinundan ito ng aking mahinang pagbuntong hininga.

Lumabas ako sa balkonahe upang namnamin ang lamig ng gabi. Something about the night is so calming but energizing. Sa mga panahon na 'to, ganito na lang ako nakakarecharge. Lalo't everyone's busy with their lives, bakit ba may jowa at asawa na lahat ng kaibigan ko, ako na lang 'inde?

Hindi nagtagal ang pananatili ko sa balkonahe nang marinig ang mahinang tunog ng motorsiklo. Nakita ko, papalapit ang bulto ng motorsiklong partikular na paparating sa bahay ko.

Kakaunti lang ang may alam sa maliit kong hiding place, my safe haven, at wala nang iba pang tirahan na babalakin ng kung sino mang dumayo rito kundi ang bahay ko.

It's him. It's him once again.

Huminto ang motorcycle sa tapat ng pintuan ng bahay ko. Nagpana ang mata namin ng rider nito. Thinking the same thing...






"Anong ginagawa mo rito, Eros?"

"Ano pa ba? Come with me... Unwind with me?"

Without hesitation, I grabbed his spare helmet, wore it and sat behind him. I closed my eyes as he zoomed, the sight of my hideout disappearing fast.

It's like I forgot any common sense. It's bad for me. Wala akong mapapala. Wala siyang mapapala, but... It's addicting as hell.

Niyakap ko ang baywang niya at sinandal ang buong katawan sa likuran niya. Napapikit ako ng mata, habang nilalanghap ang hanging mabilis ang paghagod sa buhok ko.

Bakit ba ako nagkakaganito?

"Having fun back there?" He chuckled, teasing me with his deep, husky voice.

"Sino ba pumunta sa bahay ko at nagyaya? Shut up ka na lang." 'Tong hayop na 'to, pisilin ko utong nito eh. Charot lang.

"Same place?" I kept my eyes closed as I intently listened to his reply through the thick air swiping as we traveled. He only hummed in response.




We stepped out of the motorcycle and went inside the tall building I've been so familiar with. Diretso kami sa elevator, at ni isa ay hindi umimik hanggang napuntahan na namin ang penthouse niya.

"Welcome. Tagal mo nang 'di nakapunta rito, so syempre may changes." Exterior pa lang ng penthouse niya ay modern na ang architecture, at nang pagpasok namin ay hindi nabigo ang inaasahan kong pagbabago.

The color scheme changed, dati ay orange, white at makulay, pero ngayon ay muted green at red ang kulay, from the walls to the curtains at sofa.

"So, I heard nag break na kayo ni Pauline?" Diretso ako sa sofa at komportableng humimlay habang tumungo agad siya sa kusina upang kumuha ng inumin. Hindi siya nagsalita.

Bumalik siya at nakiupo sa tabi ko, hawak-hawak ang bote ng paborito niya, whiskey, pati ang dalawang whiskey shot glasses. "Hindi ako iinom, Eros."

"Alam ko, akin naman 'tong dalawang 'to eh." Pinuno niya ang dalawang shot glass at inisang lagukan pareho.

I sighed, "Ano nang bagong problema?"

Sumandal siya sa sofa at tinitigan ako nang mataimtim. Napalunok ako dahil sa tagos ng titig niya sa akin. Napansin kong huminto pala ako sa paghinga nang nilipat niya ang titig sa dingding.

"Ayun, tulad ng sabi mo. It didn't work with Pauline. Katulad ng past relationships ko. Jealousy, jealousy." Muling naglagay siya ng alak.

"Dahil sa'kin na naman? Kaya antagal mo na naman akong hindi sinasagot sa texts at calls?"

"Medyo ganon? Look, hawak ni Pauline cellphone ko. Para siyang bodyguard ng cellphone ko, okay? Hindi ko kasalanan."

Parang tanga naman. Hindi niya ba alam na nagtetext call lang ako kapag importante?

"Ah, kaya wala ka nung kailangan kita. Nung nakailang tawag ako at text nung emergencies?" Tinitigan ko ang mukha niyang nanloloko't nakakairita.

"I'm sorry. I, I didn't know na ganon kaimportante. I also didn't want Pauline to be jealous sa ating dalawa. I'll never do it again, I promise." He laid a hand on my shoulder for a brief second.

Gago ka ba? Kiss mo kamao ko potragis ka.

Tumayo ako at dumiretso sa pintuan papalabas ng penthouse.

Sumama lang naman ako kasi kapag pumupunta siya sa bahay, may problema. Tapos ako kapag may problema, kukupal-kupal siya?

"Wait, Rox! I really promise this time, okay!?" Hinablot niya ang parehas kong siko at hinarap sa kaniya. "I promise, really!"

Parehas na parehas na puppy eyes ang pinakita niya. Nakakunot ang noo at nakangawa ang bibig sa napakapogi niyang mukha. Parehas na nagsabing promise pero hindi naman sinunod.

Natahimik ako. Naiirita ako sa sarili ko at sa kaniya sa pag-aalinlangan ko. Ekis sa'kin ang toxic. Ekis sa'kin si Eros.

As if I was imagining, unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin. Magaan ang paghawak niya sa parehas kong  sikong paakyat sa leeg ko.

Pumikit ang mata niya, at aktong hahalikan ako nang---

kinalas ko ang pagkakahawak niya sa pareho kong balikat at umalis sa penthouse nang walang paglingon.

Walang lumabas na salita sa bibig ko habang pababa ako sa elevator at lumabas sa building upang maglakad papunta sa isa ko pang tirahan.

Para akong naiiyak na ewan, ang init ng mata at pisngi ko. Matagal ko nang gusto mangyari 'yun. Matagal ko nang gusto si Eros. Pero ang toxic niya. Hindi ko kayang maging rebound, nirerespeto ko ang sarili ko.

For this time, hindi ko na sisiputin si Eros. Eros who? Erosed na siya sa buhay ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 15, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WinterWhere stories live. Discover now