Prologue

5.9K 162 21
                                    

WARNING: THIS STORY IS FREAKING TRAUMATIZING. PARA SA MGA HINDI MARUNONG MAGBASA NG AUTHOR'S NOTE. KUNG HINDI KAYA NG LOOB NIYONG MAGBASA NG HINDI KAAYA-AYANG ISTORYA,PLEASE LANG. PAKI-SKIP ANG STORY NI HELEN. HINDI NAMAN SIGURO AKO NAGKULANG SA PAALALA. SALAMAT.



Minsan talaga, naisip ko bakit kaya hindi na lang ako magpakalunod sa dagat para maanod na ko kasama ng mga problema ko.

Kasama ang mga kasalanang nagawa ko.

Pero sa tuwing naalala ko ang mga ngiti ng babaeng nagpa-realize sa'kin kung gaano ako kabaluktot, nagkakaroon ako ng lakas at tiwala na magkikita din kami.

Hindi man ngayon, pero alam ko sa puso ko, magkikita kami.

Marahas akong napabuntong hininga habang ang atensiyon ay nasa payapang karagatan.

Kaya ko pa.. kaya ko pang maghintay.

At kaya ko pa, kaya ko pa siyang hanapin kahit saang lugar man siya naroroon.

Morales, nasaan kana ba kasi? Nakakainis kana. Bakit ba ayaw na ayaw mong magpakita sa'kin?

Wala akong paki kung anong ranggo mo sa pagiging sundalo. Basta, ako parin ang kumander mo kaya umuwi kana. Kasi hindi na ko galit na bwisit ka! Hmp!

"Cristina?"

Naantala ang malalim kong pag-iisip dahil sa pagtawag ng kung sinoman sa maganda kong pangalan.

Inis na binalingan ko ito ng tingin. "Wha-..."

What. The. Fuck?

"R-raven"

Naitakip ko ang kamay ko sa labi ko dahil sa labis na gulat. Ang babaeng matagal ko ng hinahanap, nandito na ngayon, sa harap ko.

Hindi ko napigilan ang pagbuhos ng luha ko. Sa loob ng ilang taon na hindi ko siya kasama, wala paring nagbabago. Siya parin ang mahal ko.

Kung gaano niya ko tingnan noon, ganun parin hanggang ngayon. Punong-puno parin ito ng pagmamahal. I've missed her. I fucking missed her.

Agad kong tinuwid ang pagitan naming dalawa at binigyan siya ng mahigpit na yakap.

Gosh. Thank's God.

"Hey? Why are you crying?"

I pinched her waist and burried my face in her neck. Bahagya ko pang naamoy ang pabango niya na ikinatigil ko.

Hindi ito ang pabangong ginagamit niya.

"Cristina"

Dahan-dahan akong humiwalay sa kanya at mataman siyang pinagmasdan.

Katulad ng sabi ko kanina, wala parin siyang pinagbago. She's my Raven, my wife.

"Stop crying Cristina." she softly said

I cried again. Na-miss ko 'to. Itong boses niya, yung pagtawag niya sa pangalan ko. Na-miss ko ang lahat sa kanya.

"B-bakit ba ngayon ka lang?" I asked between my sobs

"Cris-.."

"Raven! Babe!"

Napakunot noo ako bago mapatingin sa pinanggalingan ng boses na yun.

Ano daw? Ano daw yung sinabi ng hito na 'to?

"Cristina"

I met her gaze. "Babe?" What the fuck? "The hell Raven! Ano mo ang babaeng yun?"

She inhaled deeply. "Cristina" She paused "She's my girlfriend."

She's my girlfriend

She's my girlfriend

She's my girlfriend

She's my girlfriend


What the fuck is happening?!

----

Bella Amor Historia: Cristina Helen StevensWhere stories live. Discover now