Chapter 3

9 0 0
                                    

Mari's POV

Nang matapos ang panghapong klase ko ay sinamahan ulit ako ni Lay sa dean's office para kunin daw ung tie na may logo tsaka ang magiging id ko. Matapos non ay pumunta na kami sa parking. Nagulat pa nga si Lay ng makitang nakamotor ako.

"Woah! Nagmomotor ka?"

"Hm." tumango ako.

"Galing.. San ka ba nakatira?" nagulat ako sa tanong niya. Talaga namang ang laki ng tulong sakin ng lalaking to.

'Asan na sila Rye Jun? San ba ung bahay?'

"Ah, teka lang a." sabi ko at tinawagan si Rye Jun. Sumandal sa motor ko bago niya sagutin. "Eodiya?"

(*where are you?)

"Where on our way there, just wait for us."

"Parking.." sabi ko tsaka binaba ang linya. "Mauna ka ng umuwi. May hihintayin pa ko." baling ko kay Lay.

"Samahan na kita."

"Ikaw ang bahala." nag-iwas ako ng tingin at saktong pagtingin ko sa gate ay nakita kong papalabas na si Vino at Kai. Wala si Dylan.

"Hi, Mari!" bati ni Kai ng makarating sa parking. Tumango lang ako ng isang beses bago muling tumingin sa high way.

"Una na ko bro." paalam ni Vino. Nakarinig pa ko ng pagbukas at sara ng pinto ng kotse at mukhang siya ang may gawa ng tunog na un. Instart ang makita pero bago makaalis sa parking ay may kotse ng tumigil sa mismong tapat nito. At ito ang inaasahan ko.. Umayos ako ng tayo tsaka isinuot ang helmet ko. Nagsign lang akong mauna na ang sasakyang un at susunod ako. Nang umalis na iyon ay dali dali akong sumakay ng motor at pinaandar iyon.

Tss. Naunahan pa nga kitang umalis. Paniguradong ngumanga ka dahil sa ganda ng kotse ng mga to hahaha.

Sinundan ko lang sila. Nadaanan namin ang mall.. Isa pang sikat na school at mga sikat din na village. Hanggang sa lumiko sila sa..

Greenleaf? ang alam ko ay exclusive village rin to. Ha! Pinapamukhang mayaman sila. Tss.

Sandali silang nakipag-usap sa guard bago tuluyang pumasok. Kumanan sila at kumaliwa.. Dumiretso at sa dulong bahay ng street na to sila huminto. Katabi lang ng basketball court.

"Anjan na ang mga kailangan mo, Mari. Nauna na ang 'tatlong' mga katulong." sabi ni Rye Jun pagkababa ko ng motor.

"Sige. Una na ko." sabi ko at iniwan sila, ang helmet at motor ko sa labas. Maganda ang bahay. Puti ang pintura nito. Buti hindi na nila naisipang ibahin ang kulay. Alam naman na siguro nilang mahilig ako sa white, pink, at gray. Di na ko nag-abala pang pumunta sa kusina. Wala naman kasi akong gagawin dun. Dumiretso ako sa ikalawang palapag ng bahay. May dalawang kwarto duon at siguro sa isang kwarto mamamalagi ang tatlong mga katulong na kasama ko rito.

"Hi, miss Rie. Dito po ang magiging kwarto niyo." turo ng isang kasambahay na hindi ko kilala. Nasa early 20s palang sya. Tumango ako at nagpasalamat bago pumasok.

Saglit akong nagpahinga bago naligo at dumiretso sa kusina. May isang katulong lang ang naruon at hinandaan ako ng makakain.

"Sumabay na kayo dito." sabi ko. Agad namang tumango ang katulong sa harap ko bago puntahan ang dalawa pang mga kasamahan. "Maupo na kayo. Sumabay na rin kayong kumain para makapagpahinga kayo ng maaga." sabi ko at sinunod naman nila. Tahimik ang naging pagkain namin sa umpisa hanggang sa maalala kong di ko pa pala kilala ang mga ito. "Anong pangalan niyo?" di ko man sila tignan ay alam kong nagkakatinginan sila dahil sa tanong ko. Siguro iniisip nila kung bakit hindi ko pa sila kilala gayong natitiyak kong sa mansyon din sila nagtatrabaho noon. Nang ilang sigundo ang lumipas ang katahimikan ay duon na ako nag-angat ng tingin. Nagbaba naman sila ng tingin.

Paper HeartsWhere stories live. Discover now