Chapter 6

0 0 0
                                    

Mari's POV

Hinde, HINDE!

HINDI PWEDE! Kakakilala lang namin sa isa't isa ilang linggo na ang nakakalipas, pero...

HINDE!

Hindi talaga pwede!

Baka naman nagkakamali lang ako? Baka nag-aasume lang ako?

Tama, tama!

"Teka nga. Kayong dalawa ah." Pagsaway ko dito. Tinanggal ko na rin ang pagkakahawak ni Lay sa wrist ko. Kita ko namang nagkatinginan pa si Kai at Dylan bago awatin ang dalawa at ayain ng umuwi.

"Tara na." Sabi ni Kai kay Vino.

"Lika na, Lay." Dylan. Pinapakalma ko ang sarili ko at hindi na kumibo habang papalabas sila. Iniiwas ko ang paningin ko sakanila. Mahirap na, baka mamaya maattach nanaman ako sa mga titig ni Vino, o di naman kaya maawa pa ko kay Lay. Kaasar.

Nang tuluyan na silang makalabas ay tsaka ako dumiretso sa kwarto. Pinalinis ko na rin kay Adela ang mga kalat ng pinagkainan naming ice cream kanina.

Alas sinko pa lang nang matapos ako sa pag-aasikaso. Naalala kong pupunta nga pala kami sa ospital kung saan naka-admit ang kuya ni Layla. Nagtext daw sya kay Amy kanina kung saang hospital at ang room number.

Pinagtaxi ko sila Amy at Adela, habang dala ko naman ang motor ko. Nauna ako sa ospital kaya hinintay ko na lang sila sa entrance dahil hindi ko naman alam kung anong room number ang pupuntahan.

Nang makarating sila ay dumiretso na kami sa ward section. Room 156 daw. Papunta pa lang kami ay naantig na ang damdamin ko dahil sa iba't ibang sitwasyon ng mga tao dito. Nakakaawa na nagsisiksikan sila sa iisang hospital bed. Ang iba ay nakaupo na lang sa lapag. Sobrang sikip at parang ang dumi.

Nakarating kami sa room ng kuya ni Layla. Iginala ko ang paningin ko. Pinagdugtong dugtong ang tatlong hospital bed para magkasya ang limang pasyente. Sa limang pasyenteng nandon ay bukod tanging sa isa lang napako ang tingin ko.

Sya na ata ang kuya ni Layla.

Ewan ko kung bakit parang kilala ko sya, parang nakita ko na sya dati, pati na rin ang babae sa tabi nya.

"Hello po. Si Layla po?" Bati ni Amy. Tuluyan na kaming lumapit sakanila.

Nakakailang ang tinging ibinibigay ng kapatid ni Layla kaya minabuti ko na lang na pagmasdan ulit ang paligid. Hindi na ako nagtataka at magtatanong pa kung bakit sila narito sa ward, baka maoffend at palayasin kami bigla.

"May dala po kaming mga prutas." Sabi ni Adela at ibinigay nya na iyon sa babae na tingin din ng tingin sakin. Ayokong ipakitang naiilang ako sa tingin nila.

"S-salamat." Finally, nagsalita na rin ang babae. Feel ko nasa early 40's. Siya siguro ang mama nila. "U-upo ho kayo." Muli niyang turan at inalok saamin ang nag-iisang upuan sa tabi ng anak nya. Tumayo na siya at naglakad papalapit saakin. "May gusto po ba kayo? Bibilhin ko po."

"Kumain na ba kayo?" Halatang nagulat sya sa sinagot ko. Alam kong hindi pa dahil sa reaksyon nyang iyon kaya tinignan ko si Adela. "Bumili ka muna ng makakain nila." Agad naman itong lumapit sakin kaya inabutan ko na sya ng pera.

"N-nako, huwag na ho." Sabi nung babae.

"It's okay. Maupo ka na lang." Sabi ko at sinenyas ang upuan na kanina lang ay kinauupuan nya.

"Salamat." Rinig kong sabi nung lalaki kaya sakanya naman ako napatingin ngayon.nasa paahan nya kami ni Amy kaya tinanguhan ko na lang sya. Kakaiba pa rin ang mga tingin na ibinibigay nya saakin. Iyon ang ipinagtataka ko.

Paper HeartsWhere stories live. Discover now