Chapter 5

2 0 0
                                    

Mari's POV

Isang nakakapagod na araw 'to para sakin kahit pa wala kaming klase at puro pagkukwentuhan lang naman ang inatupag namin. Nakakapagod nga pero naenjoy ko 'to. I've never experience this before. Sabagay, wala naman akong friends dun tapos walang exception sa representative. Hindi ko talaga naenjoy yung mga ganitong times dati. Siguro dahil ayoko rin talagang makibagay sa kanila.

I admit it. Kung hindi dahil kay Vino ay malamang loner pa rin ako at malamang, kahit wala pa kaming klase ay hindi ko talaga maeenjoy yun. All thanks to him, I got friends na here sa Philippines. I got few naman, pero they're in Korea.

"Akala ko nauna lang kami sayo kanina, di kasi namin napansin yung motor mo." napatingin ako kay Kai. "Gusto mong sumabay sakin?"

"Ah, wag na. May hinihintay pa rin kase ako." sagot ko.

"Pero wala kang motor, gusto mo bang hintayin na kita?" Kai.

"Ako na magsasabay sa kanya." Vino.

"Ako ang kasabay niya." sabay sabay kaming napalingon dahil sa pagsingit ng isang to sa usapan.

"Jeremy." pagbanggit ko sa pangalan niya.

"Shall we go?" Jem asked, I answered with a nod.

"Ingat." paalam ko sa kanila bago sumabay kay Jem sa paglalakad.

"Akala ko nakalimutan mo ng kasabay mo ko ngayon e." pagbubukas ni Jem ng usapan.

"Akala ko nga hindi ka na darating." sabi ko sakaniya na bahagya niyang ikinatawa.

"Kanina mo pa ako nasa likod. Hindi mo ba napansin?" iling lang ang nasagot ko. Totoong nakararamdam ako ng presensya kanina sa likod ko pero pag lumilingon naman ako ay mga normal lang ang nakikita ko at hindi siya kasale dun.

"So, ilang taon kana rito sa Philippines?" pagbabago ko ng usapan.

"Bakit mo natanong? Interesado ka sakin noh?"

"Sorta. Pero ano nga? Matagal ka na ba rito?"

"Siguro mga 7 or 8 years na rin. Bakit?" napatango ako.

"May kilala akong Jeremy." hindi naman siya mukhang nagulat kaya pinagpatuloy ko na ang pagkwento. "Nagkakilala kami nung second grade." seryosong seryoso siya sa pakikinig at hindi ako inabala na parang interesado talaga siya. "Mabait siya, ang totoo siya lang ang naging kaibigan ko noon. Close ko rin ang family niya. Hanggang sa mag third grade kami..." nahihirapan na akong magkwento dahil sa lungkot ng pangyayareng yun.

"Namatay ang mama ko." napalingon ako sa kaniya.

"Kung ganon..." parang naiiyak ako sa katotohanang iyon.

"Ako nga." dalawang salitang sinabi niya na ikinahinto naming dalawa sa paglalakad.

Wala pa mang salitang namutawi saming dalawa ay sunod sunod na ang luhang bumagsak galing sa aking mata. Nang makita niya iyon ay agad niyang pinalis 'yon.

"Jeremy..."

"Hindi naman kita sinisisi." lalo akong naiyak dahil sa isinagot niya.

"Pero... Kung hindi dahil sakin..." hindi ko matapos tapos ang sasabihin ko. Nahihirapan akong huminga.

"Wag mong isiping kasalanan mo yon. Nga pala sinabi ni Lim na kakanta ka raw para sa acquaintance party. I'm glad na bumalik na ang hilig mo sa pagkanta." binalewala ko ang sinabi niya at napayakap na lang ako sa kaniya. "Umiiyak ka na naman. Alam mo namang ayaw namin ni mama'ng makita kang ganyan e." sabi niya pa, pero ginantihan niya rin ako ng yakap.

"Gusto mong pumunta sa bahay ko?" Iyon na lang ang nasabi ko.

"Baka makita ako ng daddy mo." hindi parin talaga siya nagbabago. Takot pa rin siya kay Rye Jun.

Paper Heartsजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें