• M G A B I T U I N S A L A N G I T •
Dedicate to philautia_maria
Gandang nakabibihag,
Hindi mabigyang paliwanag.
Ang mumunting mga sinag,
Pinapayapa ang magdamag.Sa liwanag ay nawawala,
Kung sa dilim ay mga tala,
Sa rikit ay mamamangha,
Katangian nila ay iba-iba.Sila ang mga tanglaw,
Nagbibigay ganda sa ibabaw.
Liwanag na 'di nakakasilaw,
Mga kislap na nakaka-uhaw.Malayo ang mga hugis,
Silayan ang kanilang wangis,
Makikita sa dilim ang labis,
Kagandahang walang bihis.Mistulang palamuti,
Sa gilid ng buwan na puti.
Sa atensyo'y walang kahati,
Nag-iiwan ng ngiti sa labi.
أنت تقرأ
Isang-daang Tula
شِعرIsang-daang Tula, Iba't iba ang magiging paksa. Sa madla ay ilalathala, Ipapakita ang mga hinanda. Magbibigay ka-alaman, Sa iba't ibang aspekto at larangan. Hindi man gaanong kagalingan, Ngunit bawat salita'y may nilalaman. Tangkilikin ang atin...