T A T L O

27 14 8
                                    

• K A I B I G A N •

Sumulyap sa malayo,
Nakatago sa iyong anino,
Ang tunay na nagmamahal sa'yo,
Lagi lang nasa tabi mo.

Suportado ang gusto,
Kahit mali ay gagawin ko,
Mapansin mo lamang ginoo,
Ang pagmamahal na binibigay sa'yo.

Nakapikit ang mga mata,
Nakapukol ang atensyon sa iba.
Ako ang laging nakakasama,
Ngunit bakit hindi mo nakikita?

Sarado ang isipan,
Sa puso'y hindi mapagbuksan.
Paano ipapanalo ang laban,
Kung gayong kayo ang nagmamahalan?

Lilimutan nalang ba ang sakit,
Mananatili parin ba kahit may pait?
Ipaglalaban ba kahit may galit,
O sa iba'y magmamahal na lang ulit?

Isang-daang TulaWhere stories live. Discover now