W A L O

19 9 1
                                    

• L U H A  N G  B I N I B I N I •

Binibining ubod ng ganda,
Pinaka-iniibig ng madla.
Dalagang parang makahiya,
Tumitiklop sa harap ng iba.

Binibining marangya,
Ngunit mapampakumbaba.
Namumukod tanging sinisinta,
Hindi man lang mapasakaniya.

Isang gwapong maginoo,
Magalang sa lahat ng tao,
Kung umibig siya'y totoo,
Ipapadama sayo ng buong-buo.

Ginoong maraming pangako,
Ngunit kailanma'y hindi napako.
May nagmamay-ari na ng puso,
Ang kaniyang sinisintang totoo.

Ilog ng luha'y uma-agos,
Hindi manlang matapos-tapos,
Luha ng Binibini'y bumuhos,
Pag-ibig sa ginoo'y hindi nakaraos.

Isang-daang TulaWhere stories live. Discover now