6 - don't get involved || edited

Magsimula sa umpisa
                                    

Tumango lang kami.

Bago pumanik, nilapitan muna ni Dad yung dalawa at tinapik ang mga balikat. Si Mom naman, tiningnan muna kung maayos bang nalagyan ng ointment ang mga sugat nila. When they went back up, tumayo si Kuya Onyx at nag-flex ng muscles.

"I'm taking a shower," he declared. "May gamit pa ba ako dito?"

"Nasa guest room, Kuya."

"'Sa dati?"

"Yup."

"Nice," he said with a grin before going to the guest room he stayed in the last time he was here.

Mabuti na lang talaga at lagi silang tumutuloy sa 'min. Hindi na problema yung mga damit nila.

I swept my gaze over the rest. Walang gumagalaw sa kanila. Hindi ko alam kung anong hinihintay nila but since I was never comfortable with awkward silence, I spoke up.

"You guys hungry? Magluluto ako."

"Sige. I didn't realize it but man, I'm starving," Gian answered.

"Wag hotdog, a. Iba naman," hirit pa ni Mathev.

I rolled my eyes at him in exasperation and went to the kitchen to cook. Pinaaalis ako ni Nanay Rosing at siya na lang daw ang gagawa but I was persistent. Hanggat kaya ko namang gawin, ayoko nang iasa pa sa iba. Habang nagluluto, naririnig ko ang mga boses nila. Mukhang umaayos na yung mood nila dahil naririnig kong nagtatawanan sila. Good.

Pagkatapos kong magluto at ayusin ang table, tinawag ko na sila. Quick late dinner lang. Akala ko nga hindi kami sasabayan ni Kuya Jacob kaya natuwa ako nang umupo siya sa tabi ko.

Hindi na katulad ng kanina yung atmosphere. May light talks na pero careful pa rin kaming wag mapag-usapan yung kanina. Sa kalagitnaan ng dinner, natapos nang maligo si Kuya Onyx at sumabay sa 'min sa pagkain. It was amazing what this guy could do, really. Kung kanina, guarded yung aura nila, ngayong dumating siya, biglang hindi na. Nagtatawanan na kami nang malakas at kahit si Kuya Jacob, napapangiti na rin. Talk about real charisma.

After eating, Kuya Jacob was the first to go upstairs. Nagsunuran na rin ang mga kapatid ko.

Bago pumunta sa guest room, inakbayan ako ni Gian. "You okay?"

"Oo naman."

"Don't mind Jacob na lang. He'll be fine."

"I know. 'Di lang ako sanay na makita siyang ganyan. Mukha siyang affected. Si Kuya Onyx, parang wala namang nangyari."

Gian barked a laugh. "Eh, paano, kupal 'yang si Onyx. Don't worry. Bukas lang, balik na ulit sa dati 'yang kapatid mo."

I smiled. "Thanks, Gi."

He tapped my shoulder, gave me a smile, and went up. Ginulo muna nina Kuya Onyx at Mathev ang buhok ko bago magpuntahan sa mga kwarto nila.

'Di pa muna ako pumanik. Tumulong pa ako sa pagliligpit ng mga pinagkainan namin. I was still bothered, too, kaya ayoko pang matulog. My curiosity was eating me up. Ano kayang nangyari kanina? Bakit sinugod ng mga 'yon si Kuya Jacob? Anong reason bakit galit na galit yung lalaking 'yon? Sa usapan nila, parang may babaeng involved. 'Yon ba yung umiiyak sa tabi ni Racel Gutierez?

I really wanted to know the reason why they were so mad.

Naputol ang pag-iisip ko nang makaamoy ako ng usok ng sigarilyo. My eyes snapped to the mini bar and saw Kuya Paul smoking there while checking the liquors. Hindi pa pala siya umaakyat.

"Kuya, house rules. No smoking," paalala ko.

He didn't look at me but he chuckled. "C'mon, wala naman si Travis dito."

Decoding The Boys ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon