Pigil ang mga luha ko siyang pinanood na ayusin ang mga gamit niya.

Gusto kong ihagis sakaniya ang bag ko para matauhan siya at maisip na may asawa na siya, but I don't have the strength do that. Hindi niya rin naman ako mahal kaya bakit ko pa 'yon gagawin sakaniya? Hahayaan ko nalang siyang umuwi mag-isa at mag-isip kung sino ba talaga.

Matapos mag-ayos ng gamit ay kalmado na siyang lumingon sakin at hinawakan ang kamay ko. Tumulo tuloy ang mga luha ko.

He wiped my tears and kissed my forehead.

"Babalik ako bukas. I promise." sabi niya saka bumitaw sakin at kinuha ang mga gamit niya. Naglakad siya palapit sa pinto pero hindi ko siya tiningnan.

Dahil baka sa oras na tingnan ko siya ay pigilan ko siyang umalis at magmakaawa na ako nalang ang piliin niya.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto pero ilang minuto pa bago ko narinig ang pagsara niyon.

Napaupo ako sa kama at doon ko pinakawalan ang paghagulgol ko.

Ang sakit talaga umasa. Akala ko ayon na eh. Akala ko maaalis ko na sa sistema niya si Grace pero hindi pa rin pala. Naiintindihan kong nag-aalala siya pero yung bigla siyang mag-aaya umuwi, 'yon ang hindi ko talaga maiintindihan sakaniya.

Matapos kong umiyak ay inayos ko na rin ang mga gamit ko para makaalis na rin ako.

Hindi ako susunod sakaniya pauwi ng Pilipinas. Lilipat lang ako ng bansa. Pupunta ako ng Hong Kong at doon ko tatapusin ang dalawang linggong bakasyon.

Around five in the afternoon ang nakuha kong flight at habang naghihintay ng oras ay hindi na ako bumalik ng hotel na tinutuluyan namin ni Ricci. Doon ako nagpalipas ng oras sa bridge kung saan namin ni-lock ang pangalan naming dalawa.

Pagkarating ko ng Hong Kong ay sa malapit na hotel lang din ako nag-check in.

Sa halos dalawang linggo kong pananatili sa Hong Kong ay bilang lang sa daliri ko kung ilang beses akong lumabas at nag-ikot ikot. Umorder lang ako nang umorder ng alak at nag-iinom sa room ko.

Wala naman kasi akong kasama, kaya paano ako mag e-enjoy dito?

Ngayon ang last day ko dito at ngayon ko lang din bubuksan ulit ang phone ko.

Ilang minuto lang ay narinig ko na ang sunod sunod na pagtunog ng messenger ko kaya binuksan ko 'yon.

Kay Rasheed ang una kong binuksan.

Rasheed Uy Rivero: Where are you, Zoey? He's looking for you!

Rasheed Uy Rivero: Zoey, nag-aalala na kami dito. Nasaan ka ba?

Sinend niya sakin yung chat na 'yan last week pa.

Nagbuntong hininga ako saka binuksan ang chat ni Ricci.

Ricci Paolo Rivero: Bakit wala ka na sa hotel? Saan ka nagpunta?

Ricci Paolo Rivero: I'm looking for you, love..

Ricci Paolo Rivero: Love, nag-aalala na ako. Please? Nasaan ka ba?

Ricci Paolo Rivero: I'm sorry, love..

Sarkastiko akong natawa at piniling huwag nalang sumagot sa mga chats nila.

January 16

Manila

Sinuot ko ang salamin ko at hinitak ang maleta ko.

Sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa condo ni Ricci.

Forced Marriage - COMPLETEWhere stories live. Discover now