“Biro lang. Sorry na.” tumabi pa ako sa kanya.

                “Umurong ka.” Utos niya.

                “Ayaw.” Sagot ko.

                “Uurong ka, o paliliparin kita?”

                “Sige na,” wala e, gagamitan na naman niya ako ng kapangyarihan niya. Saglit kaming natahimik at pinagkinggan ang pag-ikot ng kamay ng orasan, hanggang sa siya na itong nagsalita at nagkwento.

                “Ewan ko kung maituturing ko bang pag-ibig ito. Pero… may isa kasi akong lalakeng pinagkatiwalaan, pero sinabe niya yung lihim ko. At muntikan nang malaman ng lahat ang lihim ko, kaya pala niya akong kinaibigan dahil sa gusto niyang malaman ang lihim ko, akala ko ba naman tunay yung pag-tingin niya sa akin pero hindi pala. Sila Mama ang gumawa ng paraan para mawala yung ala-ala ng lalakeng iyon.”

                “Ginawa nila yun?”

                “Oo, para maprotektahan ako.” Napatango ako.

                “Tumibok ba yang…” sabay turo ko sa dibdib niya.

                “Ang bastos mo,”

                “Tae. Mali ang iniisip mo, akala ko ba nababasa mo ang isip ko?”

                “Oo ang bastos ng tumatakbo diyan sa utak mo,” inis niyang sabi sa akin.

                “Sus. Nagkukunwari ka lang ata na nababasa mo ang isip ko e,”

                “Di ako natutuwa sa iyo Ebong,” inis pang sabi niya sa akin.

                “Tell me sabihin mo kung sino nga ba si Ivy Marasigan?”

                “Bakit ko naman sasagutin yang tanong mo?”

                “Dahil gusto ko,”

                “Kapag ba gusto mo, dapat gawin ko?”

                “Oo,” matapang na sagot ko sa kanya.

                “Paano kung di ko sasagutin?”

                “E ‘di wag.” Sagot ko pero nakatingin parin ako sa mga mata niya.

                “Wag mong titigan ang mga mata ko Ebong, baka mapahamak ka.”

                “Ang ganda kasi ng mga mata mo, di ko maiwasang mamangha, pinoy ka pero nagiiba ang kulay ng mga mata mo kapag tinitigan ng husto, nagkukulay asul ito.”

                “Itigil mo na yan,” sabay tulak pa nito sa akin.

                “Sorry,” sabi niya kasi napalakas na naman ang tulak niya sa akin. Sakit na naman ng katawan ko.

                Tok-tok-tok. Rinig naming katok sa labas ng bahay nila. Kaagad na napatayo si Ivy at sumilip sa may pintuan. Nang mga oras na iyon, alam namin na lumabas na si Tita Esme at Tito Samuel upang tignan kung sino yung kumakatok sa labas ng bahay.

                “O pareng Julio, napadalaw ka ata?”  pagtatakang tanong ni Tito Samuel sa isang lalakeng naka-unipormeng pang pulis ng umagang iyon.

                “Gusto lang sana naming icheck ang bahay niyo,” sabi pa nitong pulis na ito.

                “Ano bang titignan niyo sa bahay ko?” tanong pa ni Tito Samuel sa kanilang kausap.

                “Titignan lang namin, kung totoo ba ang sinasabe ng aming asset na may tinatago kayong kriminal sa bahay na ito.” Bigla akong kinabahan sa mga narinig ko. Bagama’t di naman ako guilty sa sinasabe niya, natatakot parin ako sa maaaring mangyari.

                “Anong kriminal? Sinong kriminal ang sinasabe mo?” medyo mataas na, na tono ng boses ni Tito Samuel. Pakiramdam ko kasi, nabastos siya sa sarili niyang tahanan sa ginawa ng pulis na iyon.

                “Chill ka lang pare, gusto lang naming tignan kung totoo nga.”

                “Hindi pwede! Wala akong tinatago Julio, at kung gusto niyong tignan ang bahay ko. Kailanga ko ng kasulatan na may pirma ng kinauukulan,” saka ipinakita ni Julio ang isang papel sa mukha ni Tito Samuel.

                “Hala! Hanapin niyo ang kriminal sa bahay na ito,” utos pa niya sa mga kasama niyang mga pulis ng oras na iyon. Napatingin ako kay Ivy, di ko alam ang gagawin ko papaano kung Makita nila ako? Paano kung isuplong ako nila Tita Esme at Tito Samuel? Paano na ako ngayon? Mamamatay na  ba ako? Tae! Ang dami ko pang pangarap. Marami pa akong gustong gawin. Ni di pa nga ako nagkaka-girlfriend e.

                “Sinasabe ko sa iyo, Julio. Kapag wala kang nakita ito ang tandaan mo,”

                “Di ako natatakot sa iyo Samuel,” saka siya umalis sa harapan nito at naglakad sa loob ng bahay. Sinarado na ni Ivy ang pintuan ng kwarto. Maya-maya may kumatok sa loob ng kwarto. Hinawakan ni Ivy ang kamay ko, ang lamig ng kamay niya ng minutong iyon. Saka binuksan ng pwersahan ng mga pulis ang pintuan. Nasa harapan na naming sila, pero bakit ganun?

                Tumagos lang sila sa akin? Sa katawan ko?

PORTALUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum