Nakapuwesto na sa eksaktong alas dos ang mga kamay ng orasan. Madaling araw na, kalmado na ang paligid, wala nang katao-tao sa daan, mga ilaw na lamang sa gilid ng kalye ang nagbibigay tanglaw sa madilim na kalsada at tirik na tirik na rin ang maliwanag na buwan. Puro sasakyan na lamang ang makikitang tumatakbo sa daan, umusad na rin ang malamig na simoy ng hangin at payapa na ang kapaligiran.
Pauwi na ako ng aking bahay galing sa aking opisina sa aking kumpanya. Ginabi na ako, dahil may mahalaga akong dapat tapusin at habang nilalayag ko ang maluwang na kalsada, sa kalagitnaan ng aking pagmamaneho. Nagulat ako sa nakita ko, wala nang katao-tao sa paligid ngunit mayroong isang babae na nakatayo sa gilid ng daan.
May isang pumukaw ng aking pansin, tila tinanaw ng mga bituin ang isang babae na nakatayo sa gilid ng kalsada. Napakaganda, nakasuot ng napaka simpleng damit, nakapantalon na puti, at may bag sa kaniyang likuran. Agad kong itinabi sa kaniyang dako ang aking sasakyan at binuksan ang bintana.
"Oh! Camille madaling araw na ah? Bakit andito ka pa?"
Nakita ko sa mukha niyang gulat na gulat siya, akala niya siguro kikidnap-in ko siya.
"Ahhh-ee.. W-wala na kasi akong m-masakyan eh." Pautal-utal na pagsasalita niya dahil sa kaniyang pagkagulat.
"'Lika na I'll take you home na."
"H-hindi na, alam kong pagod ka na rin sa work mo, mapapalayo ka pa kung ihahatid mo ko."
"Ano ka ba? I'm the boss at my company noh, kailan pa napagod yung haring utos nang utos?" Pagbibiro kong sabi na may kalakip na kindat ng pang-aasar.
Inirapan niya ako ng kaniyang mata at tumanaw sa kalsada mula sakin. Ngunit kasabay nito ang kaniyang bahagyang pag ngiti. Nahalata kong natawa nanaman siya sa pagiging hambog ko.
Nabuhayan ang diwa at dugo ko dahil sa ngiting iyon. Ngiti na mahabang panahon ko ring hindi nasilayan, ngiting minsan kong itinuring na pampalubag at pampakalma sa aking damdamin tuwing nilulunod ako ng problema.
"Sabi nila, andami na raw nagahasa rito sa lugar na 'to. Gantong oras daw palagi kung sumalakay yung mga rapist dito. Saka yung mga nagagahasa raw? Nagpapakita sila dito tuwing gabi, nanghihingi ng tulong."
Pagpaparinig ko sa kaniya habang kunwaring pinapakiramdaman ko ang paligid at nananakot.
"Hoy! Una sa lahat hindi ako natatakot noh! Papansin 'tong tukmol na 'to! Pangalawa, kung huminto ka rito para lang manakot at mang-asar umalis ka nalang! Baka gusto mong ikaw pa gawin kong bangkay!"
'Hayyy Camille, umuusok nanaman ilong mo haha, ang sarap mong asarin kahit kailan. Namiss ko 'to, namiss kong makipag sagutan sayo na minsan kong naging libangan. Gan'tong eksena yung bumubuo palagi ng araw ko eh.' banggit ko sa isip ko.
"Bahala ka, hindi naman kita tinatakot eh. Binabalaan lang kita, saka baka mamaya may dumating ngang jeep pero yung mga babaeng nagahasa naman yung mga kasabay mo ta's yung rapist na napatay pala yung driver. Bahala ka! Makaalis na ng–..."
"Teka, teka! Papansin kasi 'tong lalakeng 'to eh! Makikisabay na ko! please?" Pagkainis niya na may kahalong pagmamakaawa. "Kainis kasi!"
Agad akong bumaba ng aking sasakyan upang magtungo sa kabilang pintuan. Pinagbuksan ko siya, binigyan niya muna ako ng masamang tingin bago siya tumuloy at pumasok sa aking sasakyan.
Nasilayan ko nanaman yung mukha ng babaeng ito. Mukha na sa paningin ko ay isang humahalimuyak na sampaguita. Mukha, na palagi ko noong hinahanap-hanap t'wing umaga.
Sumakay na rin ako at pinatakbo nang kalmado ang aking sasakyan...
Mga limang minutong namayagpag ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, tila walang gustong magsalita.
'Hindi akma yung Camille na nakikita ko ngayon, sa Camille na napakadaldal na nakilala ko noon.' Bulong ko.
ESTÁS LEYENDO
Passenger Seat
Historia CortaThey say, true love never fails. Pero paano kung isang araw ang true love ay salungatan ng tadhana at ang mapaglarong tadhana ay laruin ng panahon? Masasabi mo bang hindi true love yo'n?
