Chapter 2

2.7K 64 23
                                    

        (October 13, 2011)

        "Goodmorning guys!" Bungad ni Angelito "Sa ating apat ikaw lagi ang nahuhuling dumating." Basag naman sa kanya ni Princess

     Tumingin sa akin si Arvine.  "May napanaginipan ka ba ulit Vonjo?"

        "Magkakaroon tayo ng Surprise Long Quiz mamaya sa 1st subject. Bagsak tayong tatlo sa score" Seryosong tugon ko.

        "Ibig sabihin surprise quiz!" Nag aalalang banggit ni Angelito. Dali-daling dumampot si Arvine ng ballpen at papel, tapos ay kinuha ang notebook. "Hindi ako papayag! Hindi tayo ready. Gagawa ako ng kodigo."

        "Pa-share huh... Bakit ikaw Vonjo parang hindi ka gumagawa ng kodigo?" Tanong ni Princess ng mapansin na kampante ako sa aking pagkaka-upo.

        "No need. Ako nga yung nakapanaginip diba? kaya nag-review na ako bago pumasok." Nakangising sagot ko sa kanya.

     Hindi ako sigurado kung mangyayari nga ang panaginip ko na iyon. Pero ng nagsimula na ang 1st Subject.

        "Okay class. Please get 1 whole sheet of paper. We will have a long quiz. NOW!" Sabi ng prof namin pagpasok palang nito ng room.

        "What???? Surprise." Pag-apila ng aming mga kaklase.

        "Review muna Ma'am" Pahapyaw na request ng class president namin.

        "No review, dapat araw-araw nyong pinag-aaralan ang mga lesson nyo para ready kayo sa mga surprise quiz." Tugon ng aming prof sabay upo nito sa unahan.

        "Alright game na!" Sambit ni Arvine na nag-uunat unat pa. PAsimple niyang inihahanda ang kanyang kodigo. "Nice Vonjo!" Sabi naman ni Princess

        "Thanks sa premonition mo. Hehe ready na tayo." Nakangising bigkas ni Angelito.

        "Mga baliw,, Baka mahuli kayo." Bumubulong na paalala ko sa kanila habang natatawa sa pinaggagagawa nila.

     Halos dalawang Linggo akong nakapanaginip na mga pangyayari sa hinaharap tungkol sa school, kaya napaghahandaan namin. Hindi na kami nangungulelat sa mga quiz, nalalaman na namin ang mga mangyayari sa activities kaya kapag wala namang mahalaga sa activities hindi na kami uma-attend. Kahit papaano ay nagustuhan ko na itong abilidad na taglay ko ngayon. Pero ano ang gagawin ko kapag nakapanaginip ulit ako ng tungkol sa mamamatay?

(October 27, 2011)

        "Yahoo... Sem Break na sa Monday! Excited na ako." Buhay na buhay na sabi ni Angelito.

        "Parang mas excited ka pa Angelito sa Sem Break kays sa regular class." Basag sa kanya ni Princess.  Agad namang dumepensa si Angelito sabay akbay kay Princess. "Mas relax kasi sa Sem break Princess. tapos hagard naman sa regular class."

        "Arvine, naka-ready na ba ang gagamitin natin na cleaning materials mamaya?" Tanong ko.

        "Oo! Naka-ready na rin yung tatlo pa nating ka-grupo." Sagot ni Arvine na umiinom ng softdrink.

     Ang grupo namin ang na assign na maglinis ng room bago mag Sem break.  After namin maglinis, ibinalik ko na sa C.R. ang mga ginamit namin.

     Paglabas ko ng C.R. ng boys, may narinig akong umiiyak sa C.R. ng girls.

        "Sino kaya iyon? May naiwan pa palng estudyante dito bukod sa section namin at sa section 1." NAgtatakang tanong ko sa aking sarili.

    Section 2 kami, at kami lang ng section 1 ang naiwan para mag general cleaning. Pero ang alam ko ay nakauwi na ang lahat ng section 1. At sa grupo naman namin, si Princess lang ang babae.

     Nakaramdam na ako ng kaba. Nasa 2nd floor ang room namin, ang buong hallway nalang ng 1st at 2nd floor ang bukas ang ilaw dahil 8pm na. Patay na ang lahat ng ilaw sa 4th floor. At ang C.R. nalang sa 3rd floor ang bukas ang ilaw. Mas lalo pa akong kinilabutan ng mawala ang naririnig kong iyak sa C.R. ng babae........ Dahil ngayon ay naririnig ko na ito sa hagdanan ng 4th floor.... Tumayo ang mga balahibo ko.... Nanlamig ang buong paligid ko... Patuloy sa pag-iyak ang babae, hindi ko alam ang gagawin ko dahil sobra na akong kinakabahan. Ngunit hindi ko mapigil ang paa ko at unti-unti akong sumilip sa hagdanan ng 4th floor.... Isang babae na nakatalikod ang nakita kong umiiyak, hanggang sa unti-unti siyang humarap..... Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko na ang kanyang mukha.... "HOLY SHIT!" Siya ang babae na na-hit & run sa harapan naming tatlo nila Arvine at Angelito. Ang babaeng napanaginipan ko bago maganap ang aksidente, puno ng dugo ang kanyang mukha... Biglang nawala sa aking paningin ang babae, at pakiramdam ko ay hihimatayin na ako sa susunod na mangyayari... Narinig ko ulit ang kanyang pag iyak.... pero sa pagkakataon na ito, mas malapit na ang tunog ng kanyang pag-iyak..... Siya ay naka pwesto na ngayon sa aking... Likuran!

        "Parang awa mo na... Tulungan mo sya...." Pagmamakaawa ng kaluluwa ng babae habang umiiyak.

      Gusto ko ng himatayin, pero linalabanan ko ang takot... Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko ng humawak na sya sa balikat ko..

        "AaaaaaAAaaaHhHhhhhhhhh!!!!!!!"

****PAK!!!*****

    Bigla akong natauhan ng maramdaman kong sumakit ang pisngi ko at ng nag salita ang nakahawak sa aking balikat.

        "Ano ba ang problema mo Vonjo? Sinabi ko lang na tulungan mo akong buhatin yung ibang gamit sa baba sumigaw kana kaagad." Mataray na sabi ni Princess.

     Si Princess lang pala ang humawak sa balikat ko at sumampal sa akin dahil bigla akong sumigaw. Malamang ay iniisip niyang pinag tri-tripan ko siya.

        "Ano ba kasi ang sinisilip mo sa 4th floor at takot na takot ka?" Tanong nito.

        "Mamaya na natin pag-usapan, uwi na tayo." May halong pangangatog na hintak ko siya at naglakad pababa ng 2nd floor.

*PREMONITION START'S*

     Naglalakad ako sa Hallway ng 4th floor ng biglang tumunog ang bell ng school.

        "Ano ba iyan! Hindi ko pa nga nakukuha yung gamit ko sa faculty, tapos na kaagad ang break time." Reklamo ko.

    Bago pa ako makababa ng 4th floor, nang may nagsigawan sa room na malapit sa hagdan, dahil siguro sa tuwang-tuwa sila sa subject nila.. At ang sumunod na narinig ko ay sigawan ng mga estudyante at professor sa ground floor dahilan para ito ay silipin ko.....Isang babae pala ang tumalon galing sa rooftop at mabilis na kumalat ang dugo nito sa quadrangle.

*PREMONITION ENDS*

   

         Bigla na akong nagising... Humahabol ng paghinga, at kahit napakalamig ng panahon ay pinagpapawisan ako.

        "Ang kaba na nararamdaman ko... Ganito din iyon nung napanaginipan ko yung babaeng nasagasaan....posible kayang.... HINDE! PAnaginip lang ito." Kinakabahan na kinukumbinsi ko ang sarili na isa lang itong masamang panaginip.

    Tinignan ko ang cellphone ko para malaman kung anong oras na.

        "3:05 am...." 

the PREMONITIONWhere stories live. Discover now