Chapter 3

2.7K 82 21
                                    

        

OCTOBER 28, 2011

        Matapos naming kumain sa canteen. Umakbay sa akin si Angelito. "Grabe busog na busog ako." Sabi niya habang hinihimas ang kanyang tiyan. "Ako rin, ang sarap talaga ng luto sa canteen." Tugon ko sa kanya habang binibilang ang natira kong pera sa wallet. Mataposko itong bilangin ay may ipinaalala sa akin si Arvine. "Vonjo, kunin mo na yung naiwan mong gamit sa faculty. Baka matapos na ang break time."

        Muntik ko nang makalimutan yung gamit ko, napasarap kasi kami sa pagkain at kwentuhan. Pakiramdam ko tuloy ay gusto ko nang maupo. "Tinatamad ako, mamaya nalang." Sagot ko sa kanya sabay kuha sa cellphone ko para tignan ang oras.

*KriiIIIIiiiiiiiIIIiiiiiiiiiiiiiiiiiIiIiiiiinnnnnnGggGGGgg!!*

        "Kakasabi ko lang... Ayan tapos na ang break time." Natatawang banggit ni Arvine.

        Imbes na magmadali ay iba ang aking naramadaman. Para bang pamilyar sa akin ang pangyayaring ito. Pero bakitbBigla akong kinilabutan at kinabahan ng marinig ko ang bell ng school? Hanggang sa biglang pumasok sa isip ko ang aking panaginip. "SHIT!! Ngayon iyon!" Nanlalaking mga mata na sambit ko.

        Nagtaka ang dalawa kong kasama sa aking nasabi. "Ang alin?" Tanong kaagad ni Angelito.

    Hindi ko na sinagot ang tanong niya, nagmadali na akong tumakbo para makarating kaagad sa rooftop. Tinatawag ako nila Arvine, pero tuloy parin ako sa pagtakbo. At dahil wala na silang magagawa para pigilan ako kaya sumunod na din sila sa pagtakbo kahit naguguluhan sila sa bigla kong ikinilos.

   Habanng tumatakbo ako paakyat, kung anu-ano na ang nasa isip ko... Baka ito na ang sinasabi nung kaluluwa na nakita ko kagabi, na kailangan ko syang TULUNGAN.

    Nakaakyat na ako sa rooftop, pero wala naman akong nakitang babaeng tatalon. Ang nakita ko lang doon ay isang babae at isang lalake na nag-uusap, magkasintahan siguro ang dalawang iyon.... Inabutan na ako nila Arvine at Angelito.

        "Ano ba ang problema Pre?" Nag-aalalang tanong ni Arvine.

        Tumingin ako sa kanila at nagsimulang mag kwento. "Nanaginip kasi ako kagabi na may mag papakamatay dito sa school, tatalon sya mula dito sa rooftop pabagsak sa quadrangle... mangyayari iyon after ng bell."

        Napansin kong biglang nagging seryoso ang mukha ng dalawa kong kaibigan. "Bagong premonition nanaman? Pero paano mo nasiguro na ngayon iyon? Eh araw-araw nag be-bell ang school." Tanong ni Angelito.

        "Dahil ngayon ko naramdaman na mangyayari iyon." Maikli ngunit siguradong sagot ko sa kanya.

        "Tara na bumalik na tayo sa room, baka ma-late tayo" PAg-aya ni ARvine para makalimutan na namin ang kilabot na dumadaloy ngayon sa katawan naming tatlo. Marahil ay hindi nga ngayon ang araw na iyon. O kaya naman ay sana hindi totoo ang napanaginipan ko.

    Pagbaba namin sa 4th floor, napadaan kami sa isang room doon. "Class, aalis ako kaya pwede na kayong umuwi ngayon, pero linisin nyo muna itong room ok!" Sabi ng professor.

the PREMONITIONWhere stories live. Discover now