Chapter 5

2.1K 63 19
                                    

 Napangiti ako ng marinig ko ang kanyang pangalan. "Nice to meet you Abby, ingat ka pag uwi.." 

 "oK! pero ngayon sasama muna ako sa kanila para mag file ng case.. Ingat ka din...... by the way, can I get your phone number? Para ma-contact kita? " nakangiting request ni Abby bago xa tuluyang umalis. What? Hinihingi ng magandang babae na ito ang number ko? At sino naman ako para tanggihan ang hinihingi niya? Mabilis kong sinabi sa kanya ang phone number ko. 

"Thanks... I will text you later." Pasasalamat niya, tapos ay sumama na sa mga pulis. 

Tumingin ako kay Arvine para ayain sya na kumain na sa fastfood, pero nakangiti lang siya sa akin. Ngiting may ibig sabihin.

 "Nice one pre... Nailigtas mo yung 3rd girl sa premonition mo, ang malupit dito... Napakalaking Pogi points ang nagawa mo.. "Ngumingising sambit nya sabay suntok sa braso ko. 

"Sira-Ulo ka talaga Arvine! hanggang ngayon iyan parin ang iniisip mo, matuwa nalang tayo at ligtas na si Abby.. hindi natuloy ang Premonition.. ...Tara na nga kumain nalang tayo." Seryosong sagot ko sa kanya. Pero syempre, iba parin ang sayang nararamdaman ko. 

Pagkatapos namin kumain, na text ko na din kay Ma'am Bernadette ang magandang balita. Kaya pinapapunta niya ako sa school bukas para pag usapan namin ang tungkol dito. 


(10pm at my house)

 Nag vibrate ang cellphone ko, halos umabot hanggang tenga ang ngiti ko ng mag appear sa screen ang name ni Abby. Hindi magakandaugaga na dinampot ko ang aking cellphone at agad na binasa ang kanyang text. 

*Abby's text message*

 (Hi! :) Thanks fo the help kanina doon sa holdaper. Kung hindi mo ako tinulungan, maybe nakuha na niya ang mga important things ko. At malamang ay sinaktan pa niya ako. By the way meet me at the Mall, sa Quantum bukas ng 2pm. I will treat you. Hihintayin kita :) Goodnight.) 

Hindi ako makapaniwala sa nabasa ko, magkikita kami bukas. Excited na ako. 


(OCT 31, 2011)(11am) 

 Habang kumakain sa karenderya sa tapat ng school, pinag-uusapan na din namin ang nangyari kagabi. 

"Mabuti naman at nailigtas mo yung ikatlong nasa premonition mo.... Hindi na ba ulit nag pakita sayo yung dalawang kaluluwa?" Tanong ni ma'am Bernadette

 "Simula nung naililgtas namin si Abby kagabi, hindi na nagpakita sa akin yung kaluluwa." Tugon ko. 

"Good! it means na tama ang nailigtas mo kagabi." Nakangiting sambit niya. 

"Pupunta ba kayo sa Holloween Party this coming friday?" biglaang tanong naman ni Angelito. 

"Oo, pupunta ako..Kaya pumunta ka din para may kasama ako. " Sagot ni Arvine. 

"Sure! Sige kita-kits... eh ikaw Vonjo, sure ka na ba na hindi ka aattend?" pagbaling ni Angelito sa akin ng atensyon.

 "hindi eh... Pass muna ako diyan." Mabilis na sagot ko sa kanila. 

 Napangiti si Arvine, at bigla itong nagsimula ng topic na malayo sa aming pinag-uusapan.

"Men! Ang ganda nung babaeng iyon! Tignan nyo BILIS!" Sigaw niya. 

Pero hindi ko pinansin ang sinabi niya, sa halip ay nagdahilan ako. "Sige kayo nalang! Buti ba kung si Abby yan." 

 May pwersang umakbay sa akin si Arvine sabay bumanat ng pang-aasar. "Wow naman! Mukhang tinamaan ka sa babaeng iyon."

the PREMONITIONWhere stories live. Discover now