2- Church

1.4K 101 22
                                    

Sa umaga ay pumupunta ang mga kabataan- except the Upper Class and the tertiary students- sa kanilang mga part time jobs. Sa isang malaking coffee shop nagtatrabaho si Fenris at gusto niya ang trabahong 'yun dahil mababait ang kanyang mga kasama. Umuuwi lang siya sa bahay nila para mananghalian at pumupunta siya sa school kinahapunan. Gan'on lage ang kanyang routine pero wala naman siyang reklamo.

Kakatapos lang ng kanyang pasok sa school nang nadatnan niya ang kanyang inang si Warin na nagbibilang ng ilang stacks ng perang papel sa kanilang salas.

"Isara mo ang pinto, Fenris," utos nito at agad naman niyang sinunod iyun.

Alam niya kung bakit inilabas ng ina ang kanilang ipon. It was that time of the month again. The Offering Tuesday would be tomorrow.

"Sapat po ba ang naipon ninyo this month?" tanong niya sabay upo sa sahig sa harapn ng ina. Ang daming pera sa coffee table nila. Kaya kinailangan niyang isara ang pinto para walang makakita n'on. Maraming robbery at murder na nagaganap kapag nasa ganitong araw sila.

"Kulang tayo ng isang libong dayal. Baka maka-advance ang Papa mo sa trabaho niya mamaya," namomroblemang sagot ni Warin.

Tumayo si Fenris at pumasok sa kwarto na shini-share niya kay Maryan. Sa ilalim ng kama ay kinuha niya ang box ng sapatos kung saan niya inilagay ang sweldo niya sa coffee shop.

Dinala n'ya iyun sa ina.

"Ano 'to?" kunut-noong tanong nito.

"Ayokong ma- declass tayo sa Lower Class dahil kulang ng isang libo ang offering natin sa Church. May naipon po ako. Gamitin po ninyo."

Ngumiti ang kanyang ina. "Napakabait mo talagang bata. Alam mo bang tinanong ko si Maryan kung may extra siya pero sinabihan lang ako na problema namin ito ng Papa mo kaya 'wag ko siyang isali."

Gustong sipain ni Fenris ang kanyang nakakatandang kapatid. Umaakto itong hindi ito magiging apektado kapag kulang ang kanilang offering. For sure, ito ang unang magrereklamo kapag na-declass sila.

"Salamat, anak. Babayaran kita, okay? And don't say no."

Niyakap ni Fenris ang kanyang ina. Isa itong primary school teacher samantalang isang nurse ang kanilang ama. As skilled workers, sa Middle Class sila inilagay. But they needed to give ten thousand dayals of offering to the Church every first Tuesday of the month para mapanatili ang kanilang rank. Kung hindi, ide-declass sila to Lower Class. Mawawala rin ang trabaho ng kanyang mga magulang kapag nagkagan'on. Bibigyan ang mga ito ng menial jobs.

"Para naman po 'to sa ating lahat," sagot niya sa ina.

"Salamat talaga, anak."

Binilang ni Warin ang ipon ni Fenris at umabot iyun ng dalawang libong dayals. Isang libo lang ang kinuha nito at ibinalik sa kanya ang natira.

Ibinalik n'ya ang kanyang ipon sa ilalim ng kanyang kama bago nagbihis ng pambahay. Tutulungan niya ang kanyang ina na maghanda ng hapunan.

Kinagabihan, masayang pinagsaluhan nila ang grilled cow intestines na isang special meal para sa kanilang mga Narguilleans. Kinakain nila iyun bago ang kanilang monthly worship day. Intestines symbolized long life and they loved it.

Nang natapos ang kanilang hapunan ay naupo silang mag-anak sa harapan ng kanilang TV at pumasok naman si Juy sa kwarto ng mag-asawa para magpahinga. Maaga nanaman kasi ang duty nito bukas. Si Maryan naman ay naghanda para sa date nito.

"Sinong ka-date mo?" usyuso ni Fenris habang nakatingin sa TV sa salas.

"Wala kang pakialam," narinig niyang sagot ng kanyang kapatid.

The Knights of St. HarfeldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon